KABANATA 3

14K 686 192
                                    

KABANATA 3:

Shayna Fabillar

          MALAMIG na hangin ang agad na tumama sa aking balat nang makarating na ako sa rooftop. Malalim akong nagpakawala ng hininga bago ko marahang isinara ang pinto. Maingat rin akong lumapit sa railing malapit sa water tank nitong Psychiatric Care Center at pasimple pa akong tumanaw sa ibaba.

Hindi ko naman maiwasang malula dahil sa taas nitong gusali kaya agad kong inalis ang tingin ko roon. Feeling ko ay mahuhulog ako kahit hindi naman. Wala naman akong fear of heights pero mabilis talaga akong malula lalo na kung ganito kataas ang gusaling kinaroroonan ko.

Tumingin na lamang ako sa mga nagtataasang building na kalapit lang nitong gusali. Magda-dapit hapon na at kapansin-pansin ko agad na malapit na ring lumubog ang araw. Kaya naman gustong-gusto ko dito tumambay dahil tahimik ang paligid at mahangin pa.

Malaya ring tinatangay ang mahaba kong buhok dahil sa paghampas ng hangin sa katawan ko. Hindi ko na rin pinansin pa ang dala nitong lamig, ang importante ay dito ako sa rooftop nakakahanap ng peace of mind kahit papaano.

Sa tingin ko ay ako lang rin ang nagpupunta dito sa rooftop at ako lang rin siguro ang nakakaalam ang daan dito paakyat sa itaas dahil na rin sa wala naman akong ibang nakikitang tao na nagpupunta dito o tumatambay.

Muli akong bumuga ng malalim na hininga bago ako tulalang napatitig sa napakagandang kulay kahel na kalangitan. Mula rito sa kinatatayuan ko ay malaya kong napagmamasdan ang papalubong na haring araw. Hindi ko naman namalayan ang biglaang pagbigat ng dibdib ko kasabay ang pagtulo ng aking mga luha.

Hindi ko napansing nagsimulang kumawala ang mga luha sa mga mata ko. Nag-uumpisa na naman silang mag-daluyan pababa na animo'y gusto na naman nilang tumakas at heto, wala na talaga akong kapaguran sa pag-iyak.

Sobrang bigat sa dibdib, parang tinutusok ng sandamakmak na karayom ang aking dibdib habang isa-isang nanunumbalik sa alaala ko ang mga nangyari sa pamilya namin. Ang pagloloko ni Dad, ang pagkamatay ni Kuya Noah at ang pagkabaliw ni Mom.

Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko sa mga sandaling ito. Pinipilit ko na lang talagang kayanin ang lahat, alang-ala sa namayapa kong kapatid. Nangako ako mismo sa harap ng kanyang kabaong na aalagaan ko si Mom, na ako na ang bahala at pipilitin kong magpakatatag at maging matapang.

But I don't know how long I will be strong and brave. I don't know if I can take it anymore. Si Dad? Sa tingin ko ay mas mahalaga na sa kanya ngayon ang kabit at ang anak nilang dalawa. Hindi ko na nakikita sa kanya ang pagmamahal kay Mommy at iyon ang higit na ikinagagalit ko sa kanya ngayon!

My goodness! Kasal pa rin silang dalawa at pu-pwede namin silang kasuhan sa ginawa nilang pagtataksil. He also stopped visiting my Mom since Tita Jodie got pregnant! And I see that they are more important to him than us. Fuck.

Kung nandito lang sana si Kuya Noah, kung buhay pa sana siya ay hindi niya hahayaan na magiging ganito ang lahat. Tiyak na ipinakulong na niya sila Dad at ang kabit niya.

I want to do that. I want to file a case against them and what they did to my mother. Iyon rin ang sinasabi ni Tita Valencia sa akin dahil kahit pati siya ay galit na galit sa aking ama. Halos lahat ng kamag-anak ni Mom ay galit kay Dad at kay Tita Jodie nang malaman rin nila ang kanilang pagtataksil.

But I don't care about them anymore and the only thing I care about is my Mom. She is the most important to me now. Siya ang dapat kong unahin at pagtuonan ng pansin. Sa dami ng problemang dinadala ko, sa loob ng halos tatlong taon kong pilit na lumalaban ay baka mas lalo lang akong ma-stress kung po-problemahin ko pa ang walanghiya kong ama at ang malandi niyang kabit.

HELLION #6: HIS CRAZY MADLY LOVE (R-18) ✔Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt