KABANATA 48

10.5K 459 163
                                    

KABANATA 48:

Shayna Fabillar

          HINDI ko magawang makapagsalita. Halos marinig ko na rin ang malakas na kabog nitong puso ko dahil sa pinaghalong takot at kaba bago ko tignan si Leighton para alamin kung ano ang kanyang reaksyon. Hindi ko mabasa kung ano ang nasa isipan niya.

Wala akong ideya kung ano ang naglalaro ngayon sa isip niya. But I saw how shocked he was while looking at Amara. Para bang hindi siya makapaniwala sa kanyang nakikita sa mga sandaling ito. Sa reaksyon niya ay para ba siyang nakakita ng multo. Ganyan na ganyan rin ang reaksyon ko nung makita ko nung isang araw itong kamukha ni Amara.

Napalunok ako at nakaramdam bigla ng kirot dito sa aking dibdib. Hindi ko alam ang gagawin ko. Dapat na nga ba akong mangamba at mas matakot dahil nakita na niya si Amara? Ang first love niya na naging una rin niyang nobya? Ang babaeng una niyang minahal bago ako?

"L-Leighton.." rinig kong tawag nung babaeng kamukhang-kamukha ni Amara.

Kahit siya ay gulat na gulat na nakatingin sa gawi ni Leighton. Pinanood ko lang siya kung paano siya mabilis na napatayo at umiiyak na yumapos ng mahigpit kay Leighton.

Halos hindi naman ako makagalaw dito sa kinatatayuan ko. Para ba akong napako at tila nanlalamig. Nakatingin lang rin ako sa kanilang dalawa at naghihintay sa kung ano ang sasabihin o gagawin ni Leighton. Yayakapin rin niya ba pabalik si Amara? Matutuwa ba siya o mae-excite?

"Ang t-tagal kitang hinanap. Kung saan-saan na ako napunta para lang mahanap ko kayo.." umiiyak na saad ni Amara habang nananatili pa rin siyang nakayakap kay Leighton.

But Leighton didn't hug her back.

Hindi ba't dapat matuwa siya na nakita at nalaman niyang buhay ang first love niyang si Amara? Hindi ba't dapat yakapin rin niya pabalik ang babaeng ito? Pero bakit ganun? Bakit tila naging salungat ang mga inaakala ko dahil mabilis na nawala ang pagkakagulat sa mukha ni Leighton at napalitan ito ng labis na pagtataka.

Nakakunot na rin ang kanyang noo at halos magdikit na rin ang dalawa niyang makapal na kilay. Hindi rin niya niyakap itong si Amara at agad niya itong itinulak palayo sa kanya.

"Who the hell are you?" Leighton asked her. This time ay ako naman ang nagtaka at naguluhan sa inakto niya bigla.

Ni hindi man lang siya naging masaya o nagalak sa kanyang nakita samantalang ako ay halos mamatay na ako sa takot at kaba dahil nasa harapan niya si Amara na buhay na buhay! Si Amara pa naman ang isa sa kinakatakutan ko dahil may chance na mawala sa akin si Leighton.

Na baka piliin siya ng lalaking mahal ko at magkabalikan silang dalawa dahil buhay siya. I'm afraid that Leighton might leave me, go back to his first love and they live happily ever after. I can't bear to see them both happy together. That would be painful for me. Hindi ko talaga kakayanin na makita silang dalawa na maging masaya habang ako ay uuwing luhaan at may kirot dito sa dibdib.

Kahit naguguluhan ay nagawa pa rin ni Leighton na lumayo ng bahagya doon kay Amara. Pinagkatitigan niya pa ng maigi itong si Amara, tila kinikilatis niya ang kanyang mukha.

Lumapit naman agad sa akin si Leighton at mabilis niya akong itinago sa likuran niya na lalo kong labis na ipinagtaka. Kahit itong babaeng kamukha ni Amara ay naguguluhan na tumingin kay Leighton.

"I'm asking you, woman. Who the hell are you?!" muling pagtatanong ni Leighton at medyo tumaas na rin ang kanyang boses. Hindi ko rin maintindihan ang inaakto niya ngayon.

"Leighton.. ako 'to, si Amara. N-Nakalimutan mo na ba kung sino ako? A-Ako ang first love mo, ang naging first girlfriend mo.." iyak na katanungan ni Amara sa kanya.

HELLION #6: HIS CRAZY MADLY LOVE (R-18) ✔Where stories live. Discover now