KABANATA 40

12.7K 522 134
                                    

KABANATA 40:

Shayna Fabillar

          MABUTI na lang ay hindi kami napansin ng aming Prof dahil bigla na lamang akong hinatak nitong si Leighton papunta doon sa camping car nila. Nagyaya lang naman siya na ipagluto ko daw siya ng almusal sa kadahilan na kumakalam na ang tiyan niya sa gutom at isa rin iyon sa nakasulat sa aking Shayna's To-Do-List na siya naman mismo ang gumawa.

Muntikan ko na ring makalimutan na meron palang ganun, akala ko ay ako na naman ang magpapaligo sa kanya. Jusko! Ang aga-aga pa naman at baka atakihin na naman ako ng tukso nito sa kanya lalo na't nakakatukso ang nilalang na 'to! Buti na lang ay naisipan lang niyang ipagluto ko siya ng breakfast at para naman daw makakain kaming dalawa.

Kaya heto, narito kaming dalawa sa loob ng camping car nila at kasalukuyan akong nagluluto. Nakapasok rin ako dito na walang ibang mga campers ang nakakita sa akin o nakapansin. Baka magkaroon pa ako ng issue once na may isa sa mga kaklase ko ang nakakita sa akin na pumasok dito sa camping car ng iba.

But I'm glad they are all still asleep. 5 AM na rin ng umaga at mabilis lang namang lumipas ang oras dahil maya-maya lang sisikat na ang araw na hindi namin namamalayan.

"Teka, nasaan pala yung dalawa mong pinsan?" naitanong ko kay Leighton nang marealize kong wala pala sila Lician at Lucien dito sa camping car. Nasaan naman kaya yung dalawang yun?

"Ah, they left earlier. Mga 2 AM siguro iyon kaya ako lang ang naiwan dito sa camping car. Babalik naman sila dito mamayang mga tanghali." sagot niya bago sumimsim ng kapeng tinimpla ko para sa kanya.

"Bakit naman daw sila umalis? Nagkaroon ba ng emergency?" curious kong tanong.

Umiling-iling siya, "Namimiss lang nila si Mary. Alam mo na, hindi talaga sila mapakali hangga't hindi nila nakikita ang misis at mga anak nila. They are possessive and obsessed with Mary. Hindi talaga sila mapipirmi kapag hindi nila siya nakikita kahit saglit lang. And besides, hindi daw tumitigil sa pag-iyak yung bunso nilang anak kaya nag-alala sila kaya umuwi muna sila saglit para i-check ang bata," aniya na natatawa pa.

"Katulad ko, hindi ako mapakali sa isang tabi hangga't hindi kita nakikita. That's why I'm here. Binabantayan lang naman kita dahil baka may asong ulol ang makalusot at pormahan ka na lang bigla. I've been head over heels for you since the day I met you," dagdag niya pa kaya this time ay ako naman ang natawa.

Kinilig rin ako sa huli niyang sinabi. Anak ng tokwa! Heto na naman siya, pinapakilig na naman ang lintek kong puso na hulog na hulog na sa kanya. Kaonti na lang talaga ay baka malunod na ako nito.

"Ilang taon na ba yung anak nila? Hindi ba't nag-eexist sa kanila ang polyamory relationship? I mean.. Quadruplets naman sila kaya may naiwan pang dalawa nilang kakambal para bantayan si Mary, diba?" tanong ko pa dahil naku-curious ako.

Ano kayang feeling na may polyamory relationship? Ano kayang pakiramdam na meron kang asawa na higit pa sa dalawa? Ano kayang feeling na may higit sa dalawang lalaki ang nagmamahal at nag-aalaga sayo?

Ano kaya ang pakiramdam ni Mary na meron siyang apat na asawa at Quadruplets pa? Gosh, I'm also curious about what she looks like! I'm pretty sure na sobrang ganda niya kaya apat na lalaki ang nabihag niya at nahulog sa kanyang alindog.

"As far as I remember, magto-two years old na yata yung mga bata. Triplets sila, dalawang lalaki at isang babae na bunso." sagot niya kaya napatango-tango ako. Wow, ang swerte nila. May Triplets sila. Hindi lang pala nasa lahi ng mga Hellion ang pagiging magagandang lalaki, nasa lahi rin pala nila ang pagkakaroon ng mga kambal.

"Ahm, curious lang ako eh. Okay lang ba talaga sa kanila yung polyamory relationship? Hindi ba nahihirapan si Mary?" nagdalawang-isip pa ako na itanong ito sa kanya subalit dahil naku-curious talaga ako ay naglakas-loob na akong itanong ito kay Leighton.

HELLION #6: HIS CRAZY MADLY LOVE (R-18) ✔Where stories live. Discover now