KABANATA 35

12K 530 134
                                    

KABANATA 35:

Shayna Fabillar

          HALOS lahat kami ay may kanya-kanyang nakatokang gawain. Ang mga boys ang nagsisibak ng kahoy at nagsisiga ng apoy. Ang mga girls naman ang naghuhugas at nagluluto ng magiging hapunan namin ngayong gabi.

Hindi na rin namin kailangang mamroblema sa pagkuha ng tubig dahil meron naman kaming mapagkukuhanan ng mineral water na mayroon dito sa Apollo Camping Site.

Tulong-tulong kaming lahat dito at walang mga nakaupo dahil bawat isa sa amin ay may ginagawa. Tiyak kasi na masisita kami ng aming Professor kapag nakita nila kaming walang ginagawa at hindi tumutulong sa mga kaklase namin.

Katulad na lang namin ni Arica na naghihiwa ng mga rekado sa lulutuin naming menudo. At dahil marami-rami kami, hinati kami ng aming Prof sa team para hindi kami malito o magkagulo-gulo. Labing-dalawang team para sa lahat ng mga Fine Arts students na sumama ngayon sa camping trip at nasa mahigit isang daan kaming estudyante na sumama ngayon.

"Okay na, nakahanda na yung apoy." narinig kong salita ni Brett.

Saglit ko lang siyang tinignan bago ko binalik ang atensyon ko sa paghihiwa ng mga rekado. Kasama namin siya sa team at siya ang nakatoka sa pagsiga ng apoy kasama yung dalawang lalaki. Infairness, may nasiga na sila agad na apoy kahit na sa camping car namin ay may gas stove naman.

Pinagbawal kami ng aming Prof na gumamit ng gas stove para naman daw fair sa iba na nasa tent lang kaya halos lahat kami ay kailangang sa kahoy magluluto. Bale sampu rin kaming lahat sa iisang team at hindi naman kami lugi ni Arica dahil lima kaming babae at lima ring lalaki kaya pantay ang aming team.

Unlike sa iba na puro mga babae sa isang team. Meron naman na dalawa lang ang lalaki sa iisang team at meron namang tatatlo lang ang babae. Ito rin ang magiging team namin kapag nagkaroon na kami ng mga activities at ang start ng aming unang activity ay bukas ng umaga.

Kanina pa lumubog ang araw pero kahit gabi na ay nanatili pa ring maganda ang paligid dito sa Apollo dahil sa mga pailaw na nakakabit sa bawat mga puno pati na rin sa mga camping car.

Grabe, mas maganda pala kapag sumapit ang gabi dito dahil maliwanag ang paligid naming lahat dahil sa mga nakakabit na LED string lights na nasa mga tent, sa mga puno at pati na rin sa camping car.

Kaya naman kahit gabi dito ay hindi kami matatakot na maglakad-lakad dahil maliwanag ang paligid namin. Kahit nga ang ilog ay meron ring ilaw lalo na doon sa medyo mahabang wooden dock kung saan pwedeng pumwesto para mamingwit ng isda.

Sobrang ganda at magaan rin ang ambiance kaya masarap mag-camping sa mga ganitong klaseng kagandang camping site. Mataba siguro ang utak nung owner nito at naisipan niya ang ganitong camping site kung saan nagpo-provide rin sila ng mga kailangan ng mga campers.

Actually, we met the owner of the Apollo Camping Site earlier and he was nice. Personal rin niya kaming winelcome kanina. Hindi pa nga maiwasang kiligin ng mga kaklase kong mga babae dahil gwapo yung owner nitong camping site at binata pa. Sa tingin ko ay kaedaran lang namin siya at naglalaro ang kanyang edad sa bente singko.

Malamig pa ang simoy ng hangin dito kaya halos lahat sa mga kaklase ko ay mga nakasuot ng jacket. Oo, sila lang dahil ako ay nakalimutan kong magdala ng jacket kaya makapal na t-shirt ang suot-suot ko ngayon at jogging pants para kahit papaano ay hindi ako lamigin.

Hindi rin naman malamok dito ngunit naririnig naman namin ang ingay galing sa mga kuliglig. Hindi lang rin ako mapakali dahil nararamdaman ko na kanina pa may mga matang nakatingin sa akin. Ramdam ko talagang may matang tumitingin sa akin at sinusundan ang bawat galaw ko.

HELLION #6: HIS CRAZY MADLY LOVE (R-18) ✔Where stories live. Discover now