KABANATA 10

14K 610 220
                                    

KABANATA 10:

Shayna Fabillar

          MARIIN lang na nakatingin sa akin si Leighton na ngayon ay madungis ngunit nanatili pa rin naman siyang gwapo. Mukha siyang bata na nakipaglaro buong hapon sa labas dahil sa itsura niya ngayon. Idagdag pa na magulo na rin ang kanyang buhok.

Nakaupo siya ngayon sa dulo ng kama ko habang ako heto, hindi na ako mapakali. Nagtatalo ang isip ko at hindi ko rin alam kung paano ko siya bibihisan na hindi ako tumitingin sa kanyang hubad na katawan!

"Hindi ka ba marunong.. magbihis?" tanong ko sa kanya pero wala akong nakuhang kahit na anong response galing sa kanya. Nakatingin lang siya sa akin, yun lang!

Kaya mas lalo akong namomroblema dito. Nakahanda na rin yung pamalit niya na damit ni Kuya Noah na kinalkal ko pa talaga kanina sa drawer. Natagalan pa ako sa paghahanap ng pwede niyang isuot dahil ang iba sa mga damit ni Kuya Noah ay maliliit na pala. Buti na lang may nahanap pa akong damit na kasyang-kasya talaga sa kanya.

Isang puting terno night pajama na may design 'pang mga kuting. Mahilig kasi kaming dalawa ni Kuya Noah sa mga kuting. Dati ay may mga alaga rin kaming mga pusa, pero nagsimatayan rin sila dahil ang ilan sa kanila ay nagkasakit. Yung iba naman ay hindi na namin alam kung saan na sila nagpunta, marahil ay tumakas sa bahay namin at hindi na alam kung paano makakabalik hanggang sa naligaw na siguro sila sa kalsada.

Pero heto naman ang problema ko, paano ko siya bibihisan? Paano kung.. matukso na naman ako nito? Kasi naman eh! Nakakatukso talaga kaya siya! At natatakot ako na baka maglaway na lang ako nito bigla sa harapan niya. Baka isipin pa nila Tita Valencia na pinagsasamantalahan ko itong kahinaan ni Leighton lalo na't wala pa naman siya sa tamang pag-iisip.

He's a drop-dead gorgeous, for pete's sake! Isa siyang gwapong nilalang na tila inukit yata mismo ni Lord! Kung tutuusin, almost perfect na nga siya eh lalo na pagdating sa kanyang itsura. Sobra-sobra yata siyang pinagpala ni Lord pagdating sa magandang itsura.

I mean, walang kahit na anong maipipintas sa itsura ni Leighton. Literal siyang makisig na nilalang. Nakakatulo laway talaga ang angkin niyang kagwapuhan na halos kulang na lang ay mahulog pati yung panty ng mga babaeng makakakita sa kagwapuhan niya. Para siyang isa sa mga Olympian Gods!

Ito na yata ang pinaka-mahirap na task na gagawin ko, kung papaano ko siya papalitan ng damit. Hindi rin naman pu-pwedeng ganyan siya kadungis kapag binalik ko siya sa Psychiatric Care Center mamaya, baka isipin nila Mrs. Greta na pinabayaan ko ang kanilang anak kung makikita nila si Leighton na ganito kadungis.

Malalim pa muna akong bumuntong-hininga bago ako lumapit dito kay Leighton na tahimik lang na nakaupo sa dulo nitong kama ko habang ang kanyang tingin ay nasa akin.

"Hindi ka ba marunong magpalit ng damit mo?" muli kong tanong sa kanya pero nananatili pa rin siyang walang imik.

Hindi man lang siya tumango o umiling-iling para alam ko kung marunong ba siyang magpalit ng kanyang damit. Palibhasa kasi ay ang mga nurse ang nagpapaligo at nagpapalit ng damit sa kanila.

Kasama talaga iyon sa pag-aalaga sa kanila dahil minsan ko na ring nasaksihan ang pagpapaligo ng mga babaeng nurse sa Mommy ko at ang pagpapalit sa kanya ng damit. Ang mga nurse talaga ang gumagawa nun sa mga pasyente nila.

"Jusko, anong gagawin ko nito?" tangi kong naibulalas sa kanya. Mukhang kailangan kong pikit-mata na bibihisan siya. Bukod sa kung papaano ko siya mapapalitan ng damit nito na hindi ako natutukso sa kanya ay iniisip ko rin ay kung papaano ko siya maibabalik agad sa mental hospital ni Tita Valencia.

Hindi ko magagawang mailabas dito sa kwarto ko si Leighton dahil nasa labas sila Manang Laurasia! Nasa sala ang mga katulong namin at nagsisimula na silang maghanda para sa birthday ni Dad! Ang iba ay naglilinis na dahil maraming bisita na darating mamaya dito sa bahay. Anak ng tokwa! Ngayon pa talaga ako minalas. Anong sasabihin ko nito kila Tita Valencia?

HELLION #6: HIS CRAZY MADLY LOVE (R-18) ✔Where stories live. Discover now