KABANATA 39

11.5K 482 162
                                    

KABANATA 39:

Shayna Fabillar

          DAHIL sa panaginip na yun ay hindi na ako muling dinalaw ng antok. Kaya naman naligo na ako agad para naman hindi na ako makikipag-unahan kay Arica mamaya sa banyo. Bumalik naman si Arica sa tulog dahil nga sa nabulabog ko siya at ngayon ay humihilik pa siya kaya naman tahimik lang ang bawat kilos ko para hindi ko siya ulit magising.

Hindi ko na rin naisipan na bumalik sa tulog dahil hindi naman na ako inaantok. Nawala na ang antok ko dahil sa panaginip na yan na halos gabi-gabi ko na lang napapanaginipan lalo na kapag nakakalimutan kong uminom ng gamot ko para hindi ako bangungutin at hindi bumalik ang trauma ko.

Yung gamot na rin yun na nireseta sa akin ni Tita Valencia ang nakakatulong sa akin para mapadali at mapasarap ang tulog ko, kaso nga lang dahil sa pagod at antok ko kagabi kaya hindi ako nakainom ng gamot kaya ayun, napanaginipan ko na naman ang nangyari sa amin three years ago. Napanaginipan ko na naman ang aksidente namin at ang pagkamatay ni Kuya Noah.

At isa pa baka malate ako ng gising mamaya kapag bumalik pa ulit ako sa tulog. Maaga pa naman kami dapat magising para sa aming first activity dito sa Apollo Camping Site. Kaya naligo na ako para at least handa na ako.

After kong maligo ay nagbihis na ako agad ng komportableng damit para naman maging madali ang kilos ko mamaya kapag may ipinagawa na sa amin na activities ang aming Prof. Loose t-shirt na kulay mustard at denim short lang ang isinuot ko.

Nag-ayos lang ako ng kaonti at pagtapos kong masuklay ang mahaba at basa kong buhok ay saka ko naman isinuot ang jacket ni Leighton na umabot pa hanggang tuhod ko dahil sa laki nito.

Palibhasa kasi ay malaking tao rin ang nagmamay-ari nitong jacket kaya hindi na kataka-taka kung bakit malalaki rin ang mga sinusuot niyang mga damit. Siguro kapag sinuot ko lang ang damit ni Leighton ay paniguradong magmumukha na sa akin itong dress. Itong jacket pa nga lang ay halos umaabot na sa tuhod ko, yung ibang damit pa kaya niya?

Aba'y sa tangkad niya ay nagmumukha tuloy siyang kapre! Siguro nga ay nasa lahi ng mga Hellion ang pagiging matangkad bukod sa pagkakaroon nila ng magagandang lahi dahil kahit yung mga pinsan ni Leighton ay ang tatangkad at ang gagwapo rin! Idagdag pa na may pagka-maskulado sila at halatang alaga nila ang kanilang pangangatawan.

Jusko! Walang tulak-kabigin ang mga kagwapuhan nila! Nakakatulo-laway ang kanilang pagiging gwapo! Yummy na nga, hot pa! Almost perfect at total package na nga kumbaga. Pero wala pa ring papantay sa angking kagwapuhan ni Leighton.

Gosh, he is the gorgeous man for me!

Yes, his cousins are also handsome and yummy. But Leighton is still more handsome in my eyes that almost makes me drool. Tapos ang cute-cute niya pa na halos gusto ko na rin siyang ibulsa at kulang na lang ay gusto ko na rin siyang iuwi sa bahay namin.

Bago ko pa pagpantasyahan si Leighton at baka kung ano-ano nang kahalayan at imahinasyon ang maglaro sa isipan ko dahil sa poging nilalang na iyon ay binitbit ko na ang sketchbook at graphite sketch wood pencil set ko bago ako nagpasyang lumabas ng camping car.

Hindi ko na lang muna ginising si Arica at hinayaan ko lang siyang bumawi sa tulog. Madilim pa sa labas nang makalabas ako sa camping car namin at medyo malamig pa dahil alas-kwatro palang ng umaga.

Anong oras palang kasi at hindi pa sumisikat ang araw kaya halos lahat sa mga campers dito ay mga tulog pa at nasa kani-kanila pang mga tent. Siguradong ang iba sa kanila ay humihilik pa. Pero kahit na madilim pa ay nakasindi naman ang mga ilaw dito sa Apollo kaya may nagbibigay liwanag sa madilim na paligid. May bonfire pang nakasindi at nakita kong gising na ang iba sa mga kasama naming mga Prof.

HELLION #6: HIS CRAZY MADLY LOVE (R-18) ✔Where stories live. Discover now