KABANATA 49

10.7K 451 126
                                    

KABANATA 49:

Shayna Fabillar

          PARE-PAREHAS silang mga hindi makapaniwala nang sabihin na ni Leighton sa kanila ang nangyari kanina lalo na yung nakita naming kamukhang-kamukha ni Amara. Nung una talaga ay hindi nila kami pinaniwalaan dahil halos lahat sila ay ang alam nila ay patay na si Amara.

     They ask how it happened?

How and why is she alive? Gulong-gulo rin sila kagaya namin. At para maniwala sila na nagsasabi ng totoo si Leighton ay ipinakita niya kila Lucius ang isang dashcam sa kotse niya. Luckily, the dashcam captured what happened earlier, especially yung kay Amara nung bigla na lang siyang tumawid at kamuntikan pa siyang mabangga.

Kaya naman kahit hindi kapani-paniwala ay naniwala sila Mary na may nakita kami ni Leighton na babaeng kamukhang-kamuha ni Amara. Ang dashcam ang nagpatunay na hindi kami nagsisinungaling o nagha-hallucination.

Kahit sila ay napapatanong at hindi rin nila maiwasang mapaisip kung papaano nangyari iyon. Paanong buhay siya, samantalang halos magli-limang taon na siyang patay?

Dahil doon kaya naman agad tinawagan ang pamilya nila Mary pati na rin ang ilan sa pamilya ng Hellion para magtanong-tanong. Gusto nila na paimbestigahan ang nangyari kaya tinawagan agad ni Lucius ang pinaka-magaling nilang private investigator para mag-imbestiga agad. Gusto nilang malaman kung talagang buhay nga ba talaga si Amara o may kamukha lang ba siya.

Dahil sa nalaman rin ni Mary ang tungkol sa babaeng kamukha ni Amara kaya nagsisimula na rin siyang hindi mapakali sa isang tabi. Syempre, kakambal niya iyon. Pero napag-alamanan ko kanina na hindi pala magkasamang lumaki si Mary at Amara.

May nag-ampon pala kay Amara habang si Mary naman ay lumaki sa stepmother niya na inakala niyang tunay niyang ina pero hindi naman pala niya biological mother. Naguguluhan pa nga ako kanina habang nag-uusap sila pero naikuwento naman sa akin ni Mary na fourteen years old daw siya nang iwan siya ng kanyang ama sa poder ng inaakala niyang ina.

Namuhay siya kasama ang stepmom niya at ang pangalawa nitong pamilya. But in the end, she also found out the whole truth. Nalaman niya na ang kinikilala niyang Mommy ay hindi pala niya totoong ina. Nalaman rin niyang may kakambal siya dahil wala daw siyang kaalam-alam tungkol sa buong pagkatao niya.

She said she didn't even know she had a twin. Nalaman na lang daw niya nung magkabukingan na. Nalaman na lang niyang may kakambal siya kung kailan wala na si Amara. Hindi man lang daw niya nakasama o nakita ang kakambal niya dahil tinago sa kanya ng pamilya niya ang buong katotohanan.

Kaya naman hindi ko tuloy maiwasan na isipin na para bang parehas kami ni Mary ng sitwasyon. But she is happy now. Kuntento na siya sa kung ano man ang meron siya ngayon dahil may pamilya na siya at meron na rin siyang pinagkukuhanan ng lakas, iyon ang mga anak niya. Idagdag pa na may apat pa siyang poging napangasawa.

"Shit, how did that happen? This is really unbelievable. She really looks like her," rinig kong katanungan ni Lyrius kaya nabaling ang atensyon ko sa kanya.

Hanggang ngayon ay nakakunot-noo pa rin niyang pinapanood yung nakuhang video sa dashcam ni Leighton. Nakailang ulit na nga rin sila sa pagre-replay doon sa nakuhang video. And they still can't believe it. Ganyan na ganyan rin ang nakita kong reaksyon ni Leighton kanina nang makita niya yung babaeng kamukhang-kamukha ni Amara.

     As if they saw a ghost.

"It's really impossible that she's alive. Trust me, guys. She is not Amara and I have a strong hunch that she just copied Amara's face," tila may kasiguraduhan na sambit naman ni Leighton sa mga pinsan niya bago siya napahilamos sa kanyang mukha. Paulit-ulit talaga niyang sinasabi na ang babaeng iyon ay hindi si Amara. 

HELLION #6: HIS CRAZY MADLY LOVE (R-18) ✔Where stories live. Discover now