KABANATA 41

12.7K 507 184
                                    

KABANATA 41:

Shayna Fabillar

          'I'M fine, Mom. Ligtas naman po ako dito sa Apollo Camping Site. Hindi rin naman po ako lumalayo sa mga kasama ko, ni hindi rin po ako nagpupunta sa kung saan-saan. I'm safe kaya huwag na po kayong mag-alala sa akin okay?" sambit ko sa mahinahong boses para hindi na lalong mag-alala si Mommy sa akin.

Kasalukuyan ko siyang kausap ngayon sa kabilang linya at sobra siyang nag-aalala sa akin na kesyo baka may masamang mangyari sa akin. Nakausap ko na rin si Tita Valencia para makibalita tungkol kay Tita Jodie. Iyon, nagwawala daw ito sa loob ng kulungan at galit na galit.

Gusto daw nitong makalaya ngunit hindi naman siya makapag-piyansa dahil una sa lahat, hindi siya pinapyansahan ni Dad sa kadahilanan na nalaman na rin niya ang kademonyohan ng kabit niya. Pangalawa, nagsampa na kami ng kaso laban sa bwisit na babaeng yun.

Hindi naman siya makakalabas ng kulungan dahil wala siyang kamag-anak na magpa-piyansa sa kanya. Tiyak na hindi rin siya mapapyansahan nung baliw rin niyang kapatid dahil pinaghahanap rin namin ito dahil dawit rin siya sa kasong ito. Hinding-hindi magtatangkang magpakita iyon sa presinto dahil sigurado rin akong tatanungin siya kung kaano-ano siya ni Tita Jodie.

At isa pa, may ibidensya na rin kaming hawak na magpapatunay na inabuso niya ang aking ina kahit may sakit ito. Kaya wala na siyang kawala! Sa korte na lang kami magkakaharap-harap nito at paniguradong papanig sa amin ang korte dahil sa matibay naming hawak na ibidensya.

Ngayon ay patuloy pa ring pinaghahanap ng mga pulisya yung hayop na kapatid niyang si Margot at hindi rin naman tumitigil si Tita Valencia na magpa-imbestiga tungkol kay Theodore. Kung anak ba talaga ito ni Dad o hindi. Alam naman ni Tita Valencia ang gagawin niya kaya may tiwala ako sa kanya.

"Oh s'ya, basta kapag natapos na ang camping niyo diyan ay umuwi ka na agad sa bahay. Hindi ko talaga kakayanin kung pati ikaw ay mawala." sagot niya at malalim pang bumuntong-hininga.

Napangiti ako kahit hindi ako nakikita ni Mommy. Masaya ako dahil nararamdaman ko ulit ang pag-aalala niya para sa akin. Na takot siyang mawala rin ako sa kanya. Talagang bumalik na siya at nakaka-recover na siya sa kanyang sakit. Sana ay tuloy-tuloy na ito, sana maging masaya na kami.

"Don't worry, Mom. Uuwi rin po ako agad kapag natapos na ang camping namin rito," paniniguro ko sa kanya.

"'O sige, ibababa ko na itong tawag. Narito na si Doc Eva para pakainin na ako at painumin ulit ng gamot. Mag-iingat ka na lang diyan ah?" paalam niya.

"Sige po, Mom. Magpagaling po kayo para maiuwi na namin kayo sa bahay at para maipagluto niyo na po ulit ako ng paborito kong pagkain," nakangiti kong sagot kaya mahina siyang natawa.

"Aba'y magpapagaling talaga ako para sayo, anak. Magiging maayos rin ang lahat, makakauwi rin ako at magiging magkasama ulit tayong dalawa." wika niya kaya lalo akong napangiti.

Ibinaba ko rin naman agad ang tawag matapos naming makapag-usap ni Mommy. Masaya ako dahil pakiramdam ko ay magiging okay na ang lahat at magiging masaya na ulit kaming dalawa ni Mommy. Masaya rin ako dahil sa wakas, nakulong na ang hinayupak na si Tita Jodie na yun!

Galit na galit nga siya eh, base na rin sa kinuwento sa akin ni Tita Valencia. Marahil ay nagalit siya dahil akala niya ay papiyansahan siya ni Daddy pero hindi! Nakakatiyak ako na natauhan na rin ang aking ama! Na isa palang demonyo ang ipinagpalit niya kay Mommy!

Mabilis lang rin lumipas ang oras dito sa Apollo, ni hindi ko agad namamalayan kung anong oras na. Tulad ngayon, palubog na naman ang araw at malapit na namang sumapit ang gabi. Kaya naman nagluluto na ang mga kasama ko nang aming hapunan. Kakatapos lang rin naming gawin yung mga activities na ipinagawa sa amin ng aming Prof.

HELLION #6: HIS CRAZY MADLY LOVE (R-18) ✔Where stories live. Discover now