KABANATA 11

13.6K 651 142
                                    

KABANATA 11:

Shayna Fabillar

          HINDI pa natatapos ang araw na ito pero sobrang dami na agad ang mga nangyari ngayon. Parang gusto kong pumikit at hilingin na sana hindi totoo lahat ng mga nangyayaring ito. Na sana nananaginip lang ako pero hindi eh. Hindi ako nananaginip, totoong nangyayari ang lahat ng 'to. Totoong nasa harapan ko si Leighton at ngayon ay tahimik lang na nagbababad sa bathtub.

Tulala ko lang rin siyang pinapanood habang pinaglalaruan niya ang mga bubbles. As usual, wala siyang kahit na anong emosyon. Hindi ko na rin alam kung ilang minuto na akong tulalang nakatitig sa kanyang maamo at gwapong mukha.

I was also in the bathtub with him and both of our bodies were in the water. Maligamgam naman itong tubig at may kalakihan rin ang bathtub ko dito sa banyo kaya kasyang-kasya kaming dalawa ni Leighton kahit na malaki siyang tao.

Ang pinagkaibahan nga lang, may damit ako habang siya ay wala. Wala rin naman kasi akong nagawa nung hatakin niya ako kanina dito para samahan siya sa bathtub kaya no choice ako kundi magbabad dito kasama siya kahit na kakaligo ko lang kanina.

Bumuntong-hininga naman ako nang sumagi na naman bigla sa isipan ko yung imahe niya na nakahubad. Hindi talaga mawala-wala sa isipan ko iyon! At hindi rin talaga ako makapaniwalang makikita ko ang kanyang hubad at yummy na katawan!

Lalo na ang kanyang.. tarugo na malaki-laki at namumula pa! Kahit anong gawin ko ay hindi ko yun mabura-bura sa isipan ko. Feeling ko ay habambuhay nang nakatatak iyon sa utak ko.

"My ghad, ano bang dapat kong gawin sayo?" tila problemado kong tanong kay Leighton kahit alam kong hindi siya sasagot.

Talagang wala nga siya sa tamang pag-iisip dahil hindi niya alam ang kanyang ginagawa! He took off his clothes in front of me! I saw his hot naked body. Nakita ko rin ang hindi ko dapat makita. Hindi na birhen ang mga mata ko! Nakakita na ito ng malaki-laking itik!

Ayoko pa namang magkasala, ayokong matukso kahit nakakatukso siya. Pasalamat siya ay kaya kong kontrolin ang aking sarili, pasalamat siya ay hindi ako mapagsamantala. Mas nangingibabaw pa rin sa isipan ko ang kanyang kondisyon sa pag-iisip.

I noticed that he stopped playing with bubbles. He even looked at me innocently. Marahil ay narinig niya ang sinabi ko at mukhang napansin rin niya sa aking mukha na tila ang laki-laki ng problema ko. Gusto ko na talaga siyang ibalik sa Psychiatric Care Center para hindi na ako mamroblema ng ganito.

Pero hindi ko naman alam kung papaano? Nasa sala ang mga katulong namin at naglilinis. Paniguradong nakauwi na rin ang kabit ni Dad at minsan ay tumatambay pa naman ang bruhang yun sa sala kasama ang half brother ko.

Paano kami makakalabas ng bahay na walang nakakapansin sa amin? Kaya naman nagpasya na lang ako na ihahatid ko si Leighton sa hospital ni Tita Valencia kapag malalim na ang gabi at kapag tulog na rin ang mga kasama kong tao dito sa bahay.

Napaayos naman ako ng upo at pagkakasandal sa bathtub nang biglang lumapit si Leighton sa akin. Bahagya pang umapaw ang tubig sa bathtub dahil sa paggalaw niya. Mabuti na lang ay masyadong mabula dito sa bathtub kaya natatakpan ng mga bula yung hubad niyang katawan lalo na ang ibabang bahagi niya.

Akala ko kung ano na ang gagawin niya kaya siya lumapit sa akin pero yumapos lang siya sa akin at humilig lang ang kanyang ulo sa aking dibdib. Para na naman siyang tuko na nakadikit sa akin. And I could feel his big and masculine arm wrapped around my waist.. again.

Pero bakit ganun? Bakit hinahayaan ko lang siya sa pagiging clingy niya? Bakit pinapabayaan ko lang siya na palaging nakahawak sa aking kamay o nakayakap sa aking beywang? Paano kung masanay siya nito sa akin? Pero paano kung ako ang masanay sa kanya?

HELLION #6: HIS CRAZY MADLY LOVE (R-18) ✔Where stories live. Discover now