KABANATA 36

12.2K 517 162
                                    

KABANATA 36:

Third Person's POV

          "CAN you please stop doing that? Really, Leighton? You look like a crazy creepy stalker dahil diyan sa ginagawa mo. Hindi naman siguro mananakaw ng iba si Shayna eh. Baka kung ano pa isipin ng ibang campers dito kapag nakita ka nilang ganyan," iritadong anas ni Lician sa pinsan niya.

Nang marinig naman iyon ni Leighton ay mabilis niyang ibinaba ang hawak-hawak niyang binocular na ginagamit niya para mas malinaw niyang makita at mabantayan si Shayna.

Yeah, maybe he looks like a crazy creepy stalker. But who cares? Walang pakialam si Leighton kung ano man ang isipin ng iba kapag nakita siyang may tinitignan mula sa malayo at may ginagamit pa siyang binocular. Talagang iisipin ng iba na isa siyang stalker dahil sa itsura niya. Ngunit ito lang ang naisip niyang paraan para mabantayan niya ng maayos si Shayna.

"Talagang baliw na baliw ka sa kanya huh? Infairness, maganda. Ang galing mong pumili ng matitipuhan na babae. Pinsan ka talaga namin," nakangising turan ni Lucien bago nito tinungga ang natitirang alak na nasa baso niya.

Kasalukuyan silang nasa labas ng camping car na pinag-rentahan nila at kakatapos lang rin nilang kumain ng hapunan. Kaya heto, naisipan na lang nilang uminom ng alak dahil hindi pa naman sila dinadalaw ng antok.

"Yeah, baliw na baliw nga siguro ako sa kanya dahil kahit saan siya magpunta ay gusto ko nakabuntot ako sa kanya. Para akong gago na hindi mapakali hangga't hindi ko siya nakikita," seryosong pag-amin ni Leighton at tinungga ang alak na nasa kanyang baso.

Hindi siya nahiya na aminin iyon sa harapan ng dalawa niyang pinsan dahil totoo rin naman. Totoong hindi siya mapakali hangga't hindi niya nakikita o nakakasama ang dalaga. Gusto niyang palaging nasa tabi lang niya si Shayna at kung maaari ay huwag na itong umalis sa tabi niya.

Maybe he's really crazy. Crazy and madly in love with her. Talagang hulog na hulog na ang puso niya sa dalaga. And he really can't stop himself from being possessive and obsessed with her. Talagang gusto niyang bakuran ang dalaga at bantayan ito ngunit ayaw naman niya na maging dahilan iyon para masakal si Shayna sa kanya at kamuhian siya nito.

Kaya naman kung maaari ay hindi niya pinaghihigpitan ang dalaga at hinahayaan lang niya na gawin nito ang mga kagustuhan ni Shayna. Katulad na lamang ngayon, pinipigilan niya ang kanyang sarili na huwag lapitan ang dalaga kahit na gustong-gusto na niyang yakapin ng mahigpit si Shayna at halikan ang namumula nitong labi. Wala siyang magawa kundi tanawin na lang muna sa malayo ang magandang dalaga at magmasid.

The hell! Hindi pa nga sila official na may relasyon pero todo bakod at bantay na agad siya sa dalaga. Bawat kilos o galaw nito ay sinusundan niya ng tingin. Of course! Gusto niyang bantayan ito para hindi siya maagawan.

Hindi naman siya papayag na maagawan ulit. Hindi na niya hahayaan na mawala sa kanya ang babaeng mahal niya at mas lalong hindi rin siya basta makakapayag na siya na naman ang talunan. Hindi na hahayaan ni Leighton na mangyari ulit ang dati, ang umuwing talunan.

"Do you really love her?"

Natigilan si Leighton sa pagtitig kay Shayna nang marinig niya ang katanungan ni Lician. Seryoso siyang tumingin sa pinsan niya at doon niya nakitang nakatingin sa kanya ang dalawa niyang pinsan at naghihintay sa kanyang sagot.

"Nakalimutan mo na ba talaga siya? Handa ka na ba talagang papasukin si Shayna diyan sa buhay mo?" pagtatanong naman ni Lucien sa kanya. Parehas na rin ang mga itong seryoso at alam naman ni Leighton kung sino ang tinutukoy ng dalawa niyang pinsan.

     Si Amara, ang first love niya.

Ilang minutong hindi nakasagot si Leighton. Binalik niya ang tingin kay Shayna na ngayon ay natatanaw niya kahit na medyo malayo ito sa gawi nila. Pinagmasdan niya ang magandang mukha ng dalaga at pasalamat siya ay hindi nito napapansin na kanina pa niya ito tinititigan ng matagal. Pinanood niya kung paano ito matamis na ngumiti habang masayang nakikipag-kwentuhan doon sa babaeng maikli ang buhok at may suot na salamin sa mata.

HELLION #6: HIS CRAZY MADLY LOVE (R-18) ✔Where stories live. Discover now