KABANATA 17

13.4K 642 143
                                    

KABANATA 17:

Shayna Fabillar

          "HUWAG kang mag-alala iha, magiging ligtas ang Mommy mo dito habang nasa pangangalaga namin siya. Hindi rin kami basta-basta magpapapasok o tatanggap ng bisita tulad ng pakiusap mo sa amin. Magiging okay si Ruth dito sa aming pamayanan," nakangiting turan ni Ms. Eva.

Siya ang pinaka-head nitong Western Mental Institution at siya rin ang founder nitong hospital para sa mga taong tinakasan ng kanilang pag-iisip. Katulad ni Tita Valencia, isa rin siyang Psychiatrist ngunit matandang dalaga. Pero mabait siya at mahinhin na babae. Siya ang hindi nagdalawang-isip na tanggapin si Mommy dito sa hospital niya.

Kasama naman niya si Sister Aileen at si Mother Superior na si Mother Irina, isang pryora at pinaka-head na madre dito sa kanilang kumbeto. Panganay na kapatid rin siya ni Ms. Eva. Oo, hindi lang pala hospital ang mayroon sila dito, kundi pati na rin kumbento kung saan doon naninirahan sila Sister Aileen kasama ang kapwa niya mga sisters.

Mayroon rin silang bahay-ampunan dito kung saan tumatanggap sila ng mga batang naligaw ng landas, sa mga walang matitirahan pati na rin sa mga batang iniwan at pinabayaan na ng kanilang mga magulang. Sila Sister Aileen rin ang nangangalaga sa mga bata at kitang-kita ko naman na maganda ang kanilang pangangalaga dahil malulusog ang mga bata.

Malawak rin ang kanilang komunidad dito at maraming mga bata ang malayang naglalaro at masayang nagtatakbuhan. Hindi man malaki ang kanilang hospital ngunit sapat na ito para manatili si Mommy dito at maalagaan. Nakilala ko na rin ang mag-aalaga kay Mommy na isang nurse, babae siya at mabait. Siya ang personal na magpapakain, magpapaligo at magbabantay kay Mommy.

"De bale po, dadalaw-dalaw naman po ako dito kay Mommy. Maraming salamat po sa pagtanggap sa Mommy ko," nakangiti kong sagot at pasasalamat na rin.

"No problem, iha. And besides, hindi naman kami nakukulangan ng mga pangangailangan dito sa aming komunidad. Marami-rami ang may gustong mag-sponsor sa amin, marami ang tumutulong sa amin at isa na doon ang pamilyang Hellion na aktibo talaga sa pagtulong sa mga kagaya namin na may ganitong pamayanan. Malaki nga ang pasasalamat namin kay Mr. Soren at kay Mrs. Greta dahil nag-sponsor rin sila at malaki ang ibinigay nilang tulong sa amin." mahabang sambit ni Ms. Eva.

"Don't worry po, Ms. Eva. Handa rin po akong tumulong sa inyo kahit maliit lang na bagay para po makatulong rin ako sa inyo lalo na po sa mga batang tinutulungan niyo rin nila Mother Superior," wika ko kaya napangiti sila sa akin.

"Maraming salamat ulit sa pagtanggap kay Ruth dito. Dadalaw-dalaw na lang kami dito para ma-check ang kondisyon niya," salita ni Tita Valencia.

Hinayaan ko na muna silang mag-usap dahil natuon ang atensyon ko kay Leighton na ngayon ay nakatayo sa 'di naman gaanong kalayo mula sa pwesto namin at tahimik lang rin niyang kinukuhanan ng litrato ang mga batang masayang naglalaro.

Mukhang nagiging hobby na rin niya ang mag-picture at napapansin ko rin na nakakahiligan na rin niyang kuhanan ng litrato yung mga nakikita lang niya. Paniguradong mauubos na rin yung polaroid film ko dahil sa dami ng mga kuha niya.

Napangiti tuloy ako. At least meron siyang mapaglilibangan bukod sa ang hilig-hilig niyang yumapos sa akin at palaging nakadikit na animo'y isang tuko. Nagpaalam na muna ako kila Tita bago ako lumapit sa gawi ni Leighton.

"Pwede ko bang makita yung kuha mong mga litrato?" salita ko kaya mabilis siyang napatingin sa akin. Hindi naman siya nagdalawang-isip na ipakita sa akin yung mga picture. Wow, infairness magaganda ang mga kuha niyang mga picture.

"I think kailangan mo ng bagong camera. Sabagay, nagiging hobby mo na ang pagkuha ng mga pictures," turan ko na ikinakunot ng noo niya. Halata kong naguguluhan siya sa ibig kong sabihin.

HELLION #6: HIS CRAZY MADLY LOVE (R-18) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon