KABANATA 18

14.1K 683 231
                                    

KABANATA 18:

Shayna Fabillar

          ISA-ISA kong tinignan yung mga pictures na nakadikit sa pader nitong kwarto ni Leighton. Halos lahat yun ay mga picture ko! Yung iba ay mahahalatang palihim na kinunan, ang iba naman ay habang tulog ako. Merong nakangiti, meron naman yung tulala ako sa kawalan. At hindi ko akalain na kukuhanan ako ng pictures ni Leighton ng ganito karami at ididikit pa niya ang mga yun dito sa pader!

Ni hindi ko nga man lang napapansin na kinukuhanan niya pala ako ng litrato samantalang halos araw-araw naman kaming magkasama! Bakit hindi ko man lang iyon napansin? Mayroon pa yung habang kausap ko si Mommy. Meron pa na kumakain ako ng pagkain.

My ghad! Hindi ko tuloy mapigilan na umuwang ang bibig ko. Kinilig ako, pero may halong kilabot. Haleer! Hindi ko kaya 'to expected. Hindi ko rin akalain na ididikit ni Leighton ang mga picture ko dito sa pader ng kwarto niya. At hindi ko rin lubos maisip na mapupuno niya ng mga pictures ko itong pader!

"Ikaw lang ba ang nagdikit nitong mga pictures?" I asked him.

Tango lang ang isinagot niya sa akin kahit na nakasandal ang kanyang ulo sa balikat ko habang nananatili pa ring nakayapos sa aking beywang ang malaki at maskulado niyang braso. As usual, ayaw na naman niyang bumitaw sa akin. Nagsisimula na naman siyang maging clingy.

"P-pero bakit mo pinaglalagay ang mga yan sa pader nitong kwarto mo?" taka kong tanong bago ko siya lingunin pero wrong move!

Shit na malagkit! Kamuntikan na yun ah! Nawala sa isipan ko na nakasandal nga pala siya sa balikat ko pero sa paglingon ko sa kanya ay muntik namang magkadikit ang aming mga labi! Anak ng tokwa! Mabuti na lamang ay hindi nagdampi ang aming mga labi dahil kung nagkataon na nagkadikit iyon, siya ang magiging first kiss ko!

The heck! Hindi na naman tuloy tumigil sa pagwawala itong lintek kong puso! Lumalakas rin ang pagkabog nito dahil na rin sa ang lapit-lapit pa ng gwapong mukha ni Leighton sa akin tapos nakalingkis pa siya sa aking beywang. Ramdam ko pa ang mainit na pagtama ng hininga niya sa aking leeg na talaga nga namang naghatid sa akin ng kakaibang masarap na kiliti.

"A-ahm, tara na sa ibaba. Kakain na tayo," tangi ko na lang nasabi dahil hindi naman sumagot si Leighton sa tinanong ko sa kanya. Kung bakit naisipan niyang ilagay ang mga picture ko sa pader? Tiyak na mapupuno ng mga litrato ko itong pader ng kwarto niya kung ipagpapatuloy niyang kuhanan ako ng pictures at ididikit iyon dito sa mga pader.

Hinayaan ko na lang na maiwan sa kwarto niya ang backpack ko bago ko tanggalin ag braso niyang nasa beywang ko at hinatak na siya palabas. Sumunod naman siya sa akin hanggang sa makarating kaming dalawa sa kusina nila. Naabutan naman namin doon ang magulang niya na tila masaya na naghahanda ng mga pagkain sa hapag-kainan. Kitang-kita ko yun sa mga mukha nila kaya napangiti naman ako.

Nakikita ko naman sa kanila na handa sila at willing na bumawi kay Leighton. Tanggap na rin naman nila Mrs. Greta na hindi sila mapapatawad ng kanilang anak, ngunit gusto pa rin nilang dalawa ni Mr. Soren na bumawi sa mga pagkukulang nila kay Leighton.

Nung nasa Psychiatric Care Center pa nga lang kami ay nakikita ko na ang pagmamahal nila para sa kanilang anak. Nakikita kong nagsisisi na sila sa ginawa nila noon kay Leighton. Maybe they deserve a second chance?

Chance na maging magulang ulit kay Leighton. Chance na ipakita nilang mahal at pinapahalagahan na nila si Leighton. Pero na kay Leighton na ang desisyon. Nasa kanya kung bibigyan niya ba ng pagkakataon ang magulang niya na bumawi sa kanya at iparamdam na may halaga rin siya.

"Buti naman ay nandito na kayong dalawa. Halina't kakain na, magsi-upo na kayo." masayang turan ni Mr. Soren nang siya ang unang makapansin sa pagdating namin ni Leighton.

HELLION #6: HIS CRAZY MADLY LOVE (R-18) ✔Where stories live. Discover now