KABANATA 50

11.2K 453 156
                                    

KABANATA 50:

Shayna Fabillar

          "THEN tell me, how can you make us believe that you are really Amara? That you are her?" diretso at walang paligoy-ligoy na katanungan ni Mary sa babaeng kamukha ni Amara.

Nakatingin kaming lahat sa kanya at naghihintay sa kung ano ang isasagot niya. Habang ako? Kinakabahan, natatakot. At higit sa lahat ay nababahala. Naghahalo-halo na talaga ang emosyon ko.

Paano nga kung siya talaga si Amara?

I am not afraid that she might prove that she is really Amara, that she is alive. But I'm afraid that I might lose Leighton and that he might go back to his first love. I'm afraid of being left behind.

     Ayokong maiwanan sa ere.

Ayokong piliin niya si Amara at bumalik sa unang babaeng minahal niya. Iniisip ko pa nga lang na magkakabalikan silang dalawa at iiwan ako ni Leighton para sa kanya ay labis-labis na ang pagkirot nitong puso ko.

Feeling ko ay hindi ko iyon kakayanin at mas lalong hindi ko rin matatanggap. Napamahal na sa akin si Leighton. Nagkaroon na nang malaking parte sa buhay ko si Leighton. Sa sobrang pagmamahal ko sa kanya ay sobra na rin akong natatakot na mawala siya sa akin.

     Shit! I don't want to lose him!

     Ayokong ako ang uuwing luhaan.

"I am y-your superfecundation twins. At noon palang ay alam ko na agad na ikaw ang k-kakambal ko. Mismong ang Daddy Nolan mo ang nagsabi sa akin na ikaw ang kakambal ko," sambit niya kaya napauwang ng bahagya ang bibig ni Mary.

Don't tell me na nagsasabi ng totoo itong kamukha ni Amara? Pero alam niya na superfecundation twins sila ni Mary. Mas lalo tuloy dumoble ang takot at kaba ko.

"Magkaiba tayo ng ama, Mary. Alam ko na iyon noon palang pero hindi tayo magkasamang lumaki dahil sanggol palang tayo ay nagkahiwalay na tayo.." turan niya habang puno ng kalungkutan siyang nakatingin sa gawi ni Mary.

"My real father raped Mommy Eleanor and that is Andrei. We have the same mother even if we have different fathers. Pinaampon ako ni Mommy Eleanor kaya napunta ako sa ibang pamilya at lumaki rin ako na kinilala kong kapatid ay si Kuya Pierce. Alam ko rin na iniwan ka ng Daddy Nolan mo nung fourteen years old ka palang dahil sa akin, p-para mabantayan niya ako.." mahaba niya pang pagkukuwento na naging dahilan para magsitulo ang luha ni Mary.

"That's what Dad told me.. i-iniwan niya ako nung fourteen years old ako para mabantayan ka niya at makasiguro siyang nasa mabuti kang pamilya kahit na hindi ka niya anak.." lumuluhang sambit ni Mary sa kanya.

So, does that mean she is telling the truth? Na ang babaeng ito ay talagang si Amara? Base sa sinabi ni Mary ay tila nagsasabi ng totoo itong kamukha ni Amara dahil naaalala niya lahat ng mga nakaraan niya. Ibig sabihin ay talagang buhay siya? Na siya talaga si Amara?

Ewan, para bang may bumubulong sa akin na huwag ako basta-basta magpaniwala sa mga nakikita o naririnig ko. Tila parang may bahagi rin sa akin na tumututol na huwag maniwala sa babaeng kamukha ni Amara.

"Yes, Mary. A-Alam ko rin na lumaki ka sa poder ng Mommy Beatrice mo which is hindi mo naman totoong ina. Lahat yun ay alam ko. I also know that my real father Andrei raped and killed our Mommy Eleanor. Naikuwento sa akin lahat yan ng Daddy Nolan mo," sambit pa ng babaeng ito at this time ay mas lumungkot pa ang kanyang boses.

"Ano pang iba mong alam? What else do you know to make us believe that you are really Amara?" tanong ni Lician sa kanya.

Saglit namang napayuko ang kamukha ni Amara at malalim pa siyang napabuntong-hininga. Punong-puno siya ng kalungkutan. Ilang segundo rin muna siyang hindi nakasagot sa tanong ni Lician sa kanya bago niya ibinalik ang kanyang tingin sa amin.

HELLION #6: HIS CRAZY MADLY LOVE (R-18) ✔Where stories live. Discover now