KABANATA 21

12.6K 595 126
                                    

KABANATA 21:

Shayna Fabillar

          "NAAALALA niyo na po ako?" di-makapaniwala kong katanungan kay Mommy. Mahigpit niyang hinawakan ang aking kamay habang nananatili pa ring nakapaskil sa kanyang labi ang matamis niyang ngiti bago siya marahang tumango-tango sa akin. Naging matamis rin lalo ang pagkakangiti niya sa akin hanggang sa napansin ko ang pagtulo ng kanyang luha.

"Oo, Shayna. Naaalala na kita. Ikaw ang anak ko, bunsong kapatid ka ng Kuya Noah mo." lumuluha niyang sagot sa akin kaya hindi ko na napigilan na mas maging emosyonal lalo. Napaiyak ako lalo sa sinabi niya. Naaalala na nga niya ako!

Sa sobrang kasiyahan ko ay sinunggaban ko tuloy si Mommy ng mahigpit na yakap. Humagulgol ako ng iyak sa balikat niya. Ramdam ko rin ang pagyakap niya sa akin habang masuyong humahaplos ang isa niyang kamay sa aking likod.

Masaya ako, sobrang saya ko na nagawa na akong maalala ni Mommy na kay tagal kong hinihiling! After three years! Three years akong naghintay! Sa wakas ay nagkaroon rin ng himala. The long wait is finally over! Nagawa na akong makilala ng aking ina! Nagawa na rin niyang maalala at sambitin ang aking pangalan na kay tagal kong gustong marinig ulit. Wala akong ibang nararamdaman dito sa puso ko kundi kagalakan.

"Patawarin mo ako, anak. Patawad kung ngayon lang kita naalala. Marami akong pagkukulang sayo anak, kaya patawad." umiiyak na paghingi ng tawad ni Mommy sa akin pero umiling-iling ako sa kanya.

"No, Mom. W-Wala po kayong dapat ihingi ng sorry. A-ang importante ay naaalala niyo na po ako. M-masaya po ako na nakilala niyo na rin ako," humahagulgol kong sabi at kahit umiiyak ako ay nagawa ko pa ring ngumiti dahil sa saya.

Ngunit napapaisip ako kung paano niya ako naalala agad. Dahil sa curious ako ay ako na ang unang kumalas ng pagkakayakap kay Mommy bago ko siya nagtatakang tinignan.

"P-pero paano niyo po ako naalala?" taka kong tanong.

Ngumiti siya, "Naalala mo ba yung kapwa ko pasyente na pumasok sa ward ko at tinangka akong gawan ng masama? Yung babaeng nagtutok sa akin ng patalim sa leeg ko?" pagpapaalala niya sa akin.

Tumango naman ako bilang sagot. Naalala ko yun. Ang tinutukoy niyang kapwa niya pasyente ay ang kapatid ni Doc Zakari na humostage kay Mommy. Yung pasyente na yun ang nagtutok ng patalim na bagay sa leeg ni Mommy at gusto niyang tumakas sa hospital kaya nagawa niyang i-hostage si Mom that time.

"Yung nasugatan ka nung babaeng yun, bigla na lang nag-flashback sa akin lahat ng mga alaala ko. Doon ay naalala kita bigla, anak. Lahat-lahat ay unti-unting bumabalik sa akin ang alaala ko. Malabo pa sa una at masyado rin akong naguguluhan kung ano ang mga alaalang nag-flashback bigla sa isipan ko, pero habang tinititigan kita ay unti-unti naman kitang nakikilala.." pag-amin niya.

Pansin kong may kinuha siya sa bulsa ng kanyang suot na puting robe na madalas sinusuot rin ng kapwa niya mga pasyente. Nakita ko roon ang dalawang litrato. Subalit litrato ko yun kaya agad na nangunot ang noo ko. Nakapagtataka naman, paano nagkaroon si Mommy ng litrato ko?

Ang isang litrato ay mag-isa lang ako at pamilyar sa akin iyon. Halatang kuha ito sa polaroid camera habang yung isang litrato naman ay pamilyar rin sa akin dahil ang picture na yun ay yung magkasama kaming dalawa ni Kuya Noah. Ito yung picture na mayroon ako sa kwarto ko. Paano ito napunta kay Mom? Sa pagkakatanda ko ay hindi ko siya binigyan ng litrato namin ni Kuya Noah.

"Nung makabalik na ako sa ward ko ay may lumapit sa akin na matangkad na lalaki at binigay niya sa akin itong dalawang litrato mo. Paulit-ulit niyang sinasabi sa akin na anak kita, na ikaw si Shayna. Ang bunso kong anak. Bago lumabas sa ward ko ang lalaking yun, sinabi niya pang pagkatitigan ko lang ang litrato mo at paniguradong maaalala ko kung sino ka. Kaya naman habang tinitignan ko itong litrato ay nanunumbalik rin sa aking alaala ang mga nangyari noon bago ako mapunta sa ganitong sitwasyon.." mahaba niyang pagkukwento sa akin.

HELLION #6: HIS CRAZY MADLY LOVE (R-18) ✔Onde as histórias ganham vida. Descobre agora