KABANATA 37

12.2K 523 128
                                    

KABANATA 37:

Shayna Fabillar

          MATAPOS naming mag-hapunan at tapusin ang mga dapat tapusin na linisin ay pinapasok na kaming lahat sa aming mga tent at camping car. Medyo malamok na rin kasi sa labas at lalo ring lumalamig kahit wala naman kami sa Baguio. Marahil ay sadyang malamig lang talaga dito lalo na 'pag gabi na.

Kaya naman nagpasya na rin kaming dalawa ni Arica na pumasok na rin sa aming camping car para sa gayun ay maaga na rin kaming makapagpahinga. Kailangan pa naman naming gumising ng umaga bukas para masimulan na ang ipapagawa sa amin na mga activities.

Baka malintikan kami nito kapag nalate kami ng gising bukas. May curfew pa naman kami na dapat ala-sais palang ng umaga ay gising na kaming lahat at naghahanda na kami ng aming almusal dahil pagdating ng 7 AM ay iyon na ang start ng aming activities na ipapagawa sa amin.

"Shayna, saglit lang."

Agad kong nilingon ang taong tumawag sa akin, si Brett lang pala kaya nahinto ako sa pagpasok sa loob ng camping car namin. Ano na naman kaya ang kailangan niya sa akin? Huwag niyang sabihin na pipilitin niya akong pag-usapan naming dalawa yung ginawa nila ni Jamila sa akin na pagpusta?

Tsk. Sawang-sawa na akong marinig ang paghingi niya ng sorry sa akin at ang pagdadahilan niya na kesyo hindi naman daw niya kuno ginusto iyon. Sapat na sa akin na alam ko na ang totoo. Wala na rin akong pakialam pa sa kanila. Ghad! Masaya na kaya ako. Tahimik na rin ang buhay ko.

"Mauna na ako sa loob," paalam ni Arica sa akin kaya tinanguan ko lang siya. Tinignan niya pa muna saglit si Brett bago siya naunang pumasok na sa loob ng camping car kaya naiwan kami ni Brett dito sa labas.

"May sasabihin ka ba?" walang kaemo-emosyon kong tanong sa kanya.

Nahuli ko pa si Jamila na nakatingin sa gawi namin at sobrang sama na naman ng pagkakatingin niya sa akin na animo'y parang gusto na niya akong katayin ng buhay. Halos magdikit na nga rin ang dalawa niyang kilay na mahahalatang ginuhit lang niya gamit ang browpencil eh.

Malamang sa malamang ay magngingitngit siya sa inis dahil nasa harapan ko ang boyfriend niya at magka-usap pa kaming dalawa. Grabe pa naman magselos ang isang 'to samantalang wala naman na akong pakialam dito kay Brett. Hindi na ako tulad ng dati na kinikilig na parang kiti-kiti kapag lalapit sa akin ang lalaking 'to at kakausapin ako.

     Duh! May Leighton na kaya ako!

"Ahm, ibibigay ko lang pala 'to sayo. Nakita ko kasi kanina na nasugatan ka ng kutsilyo kanina habang naghihiwa kayo ng mga rekado," aniya na nagpakunot sa noo ko.

May inabot siya sa akin. Isa itong band-aid. Doon ko naman naalala na aksidente ko nga palang nasugatan ng kutsilyo yung hintuturo kong daliri kanina habang naghihiwa kami ni Arica ng mga rekado para sa menudo. May pagkamatalas pa naman yung kutsilyong hiniram namin kay Manong Carding kanina at hinasa pa muna nila ito kanina bago nila ito ipinahiram sa amin.

Siguro ay nakita ni Brett na hindi ko sinasadyang masugatan ang daliri ko habang naghihiwa ako kanina kaya binibigyan niya ako ngayon ng band-aid. Tinignan ko lang yung band-aid bago ko malamig na tinignan si Brett.

Mahina akong tumikhim, "No need, marami naman akong mga band-aid na nadala sa bag ko." malamig kong tugon sa kanya.

"At saka baka kung ano pa ang isipin ng girlfriend mo kapag tinanggap ko yan. Hindi mo ba nakikita kung paano niya ako tignan ng masama? It is obvious that she is jealous. Ayokong magkaroon ng gulo, eskandalosa pa naman 'yang girlfriend mo." dagdag ko pang sabi sa kanya.

Baka kasi kung ano pa ang isipin niya at ni Jamila kung tanggapin ko ang band-aid niya. At baka bigla na namang sumugod sa akin ang Jamila na 'to, may pagka-warfreak pa naman siya. Wala rin siyang pinipiling lugar.

HELLION #6: HIS CRAZY MADLY LOVE (R-18) ✔Where stories live. Discover now