KABANATA 4

14.2K 630 174
                                    

KABANATA 4:

Shayna Fabillar

          HINDI naman ako nahirapan na dalhin ang gwapong nilalang na 'to na si Leighton sa kanyang Psych Ward. I'm glad na nakinig siya sa akin kahit na isa akong estranghera para sa kanya at isa naman siyang estrangherong lalaki para sa akin. Hindi naman kasi talaga namin kilala ang isa't-isa kaya masasabi ko na stranger pa rin siya sa akin kahit na gwapo siya at isang makisig na nilalang na basta na lang akong niyakap kanina sa rooftop.

Talaga nga namang siniguro rin niyang hindi ako makakaalis sa tabi niya dahil hawak-hawak niya ng mahigpit ang kamay ko habang patungo kami sa kanyang kwarto habang sila Tita Valencia naman at ang magulang niya ay nakasunod lang sa amin. Ni hindi na nga rin nag-abala na turukan siya ng injection nung mga nurse dahil hindi naman siya nagwawala o nagiging bayolente.

Hindi na rin siya nakayapos sa akin na parang linta, yun nga lang ay hawak naman niya ang aking kamay. Naiilang rin ako dahil habang naglalakad kami ngayon ay nakatingin ang kanyang ocean blue eyes sa akin. Parang takot na takot siya na baka sa isang iglap ay mawala ako sa harapan niya. That's why he didn't dare to blink his ocean blue eyes. He also stared at me intensely. Animo'y kinakabisado niya ang aking pagmumukha.

First time ko rin na matitigan ng ganito lalo na't isa pa naman siyang gwapo! Kung makatitig siya sa akin ay parang ako yung tipong isang alien na maganda na pinatalsik sa planeta namin at bigla akong napadpad dito sa planetang Earth. Idagdag pa na nakakalula ang katangkaran niya.

He is tall and has a muscular body. Hindi lang talaga siya basta gwapo, may maganda pa siyang pangangatawan. Sa katunayan nga niyan, sa sobrang tangkad niya ay hanggang dibdib lang niya ako. Ni hindi ko pa maabot ang kanyang leeg. Saan kaya 'to pinaglihi ng ina niya? Mas matangkad pa nga siya sa mga lalaking nurse at mga doktor dito.

At sa tingin ko rin ay may lahi itong si Leighton, hindi ko lang alam kung ano. Halata naman iyon sa kulay ng mata niya at I think, galing siya sa mayaman na pamilya. Well, obvious rin naman sa magulang niya na may kaya sila.

Napalunok naman ako nang mapansin kong nakatitig pa rin siya sa akin habang tahimik kaming nakasakay dito sa elevator at hinihintay na makarating kami sa itaas kung saan ang ward niya. Nakatayo lang siya sa gilid ko at tila umiiwas rin siyang dumikit sa ibang tao lalo na sa magulang niya na lubos kong ipinagtataka. Iyon talaga ang napapansin ko, bakit takot na takot siya sa magulang niya?

Nawala naman ang malalim kong iniisip nang marinig kong tumunog na ang elevator kasabay ang pagbukas nito. Doon ko lang rin napansin na nakababa na kami sa 15th floor kung saan dito rin dinadala ang mga VIP na pasyente nila Tita Valencia. Naunang lumabas ang mga kasama namin bago kami sumunod ni Leighton. Napagtanto ko rin na nakayapak lang siya at wala man lang siyang suot na kahit na anong sapin sa paa kaya naman may bahid na ng dumi yung mga daliri niya pati na rin ang kanyang talampakan.

"Dito ang room niya," ani Tita Valencia at tinuro ang isang malaking double door na kulay brown.

Ibang-iba ito kumpara sa ibang mga room sa ibang palapag nitong gusali at unang beses ko rin na makarating sa ganitong klaseng VIP room dito sa Psychiatric Care Center ni Tita Valencia kahit na nasa VIP room rin naman si Mom. Nakita ko rin doon sa double door ang nakasulat na pangalan, ang presidential suite.

Napaisip tuloy ako at naalala ko yung nurse na babae na tumakbo palapit kay Tita Valencia kanina. Na nakawala na naman daw yung pasyente nila sa presidential suite. Ibig sabihin ba nito ay si Leighton ang VIP nilang pasyente? Don't tell me na palagi rin niyang tinatangkang tumakas?

Nahinto naman ako sa paglalakad nang bigla ring huminto si Leighton. Tumingin ako sa kanya at nakitaan ko na naman siya ng matinding takot habang nakatingin siya sa kanyang ward. It was obvious to me that he was afraid to go inside and be locked up. Alam ko naman na ang iba sa mga pasyente dito sa mental hospital ay kinukulong sa loob ng kanilang ward para hindi sila makawala at makapanakit.

HELLION #6: HIS CRAZY MADLY LOVE (R-18) ✔Where stories live. Discover now