KABANATA 31

12.7K 535 149
                                    

KABANATA 31:

Shayna Fabillar

          MAAGANG dinismissed ang aming klase ngayong araw sa kadahilan ay para maasikaso na namin daw ang mga dadalhin namin para bukas sa camping namin at para na rin wala kaming makalimutan lalo na yung mga mahahalaga at mga dapat dadalhin. Binitbit ko agad ang backpack ko at lumabas na.

Balak ko pang dalawin ulit ngayon si Mommy. Nadalaw ko naman siya saglit kaninang umaga kasama si Leighton at nabanggit ko na rin sa kanya yung ginawa ko kila Dad at kay Tita Jodie.

Hindi naman siya nagalit sa akin at sinuportahan pa niya ako sa ginawa ko sa kanila. Natuwa rin si Mommy nang malaman niyang ako na ang magha-handle ng Fabillar Enterprise. Sa ngayon ay hindi pa muna siya pinayagan ni Ms. Eva na makalabas ng hospital dahil under observation pa rin si Mommy dahil may oras na umaatake ang kanyang trauma subalit hindi na siya tulad ng dati na nagiging agresibo o bayolente.

Pasalamat na lang rin kami ni Tita Valencia na hindi na siya baliw at tanging pino-problema na lang namin ay yung trauma niya dahil nagco-cause iyon para bigla siyang mag-panic. Pero kumakalma naman siya agad kapag inaatake siya ng trauma niya lalo na kapag nagte-take siya agad ng kanyang gamot.

Natigilan naman ako nang makita ko si Brett na nasa labas ng room namin at sa tingin ko ay may hinihintay siya. Mabilis siyang tumingin sa akin at napaayos siya ng tayo pero hindi ko siya pinansin at nagtuloy-tuloy lang ako sa paglalakad para iwasan siya.

"Shayna, wait! Let's talk, please!" rinig kong salita niya pero dinedma ko lang siya.

Hindi ko na lang rin pinansin ang mga matang nakatingin sa amin kahit na parang asong sumusunod itong si Brett sa akin. Bakit gusto pa niya akong kausapin? Wala na kaming dapat pag-usapan pa.

Napairap na lang rin ako nang marinig ko ang bulungan ng mga estudyanteng nakakasalubong ko sa hallway. Nagbingi-bingihan lang rin ako kahit na paulit-ulit na tinatawag ni Brett ang pangalan ko.

Sa katunayan nga niyan, usap-usapan silang dalawa ni Jamila sa buong school. Bakit? Kumalat lang naman yung video nila sa school namin. Yung video na nangyari sa kanila nung birthday party ni Brett. Laman tuloy sila ng tsismis at nabash rin si Jamila dahil na rin sa ginawa nila akong pagpustahan ni Brett.

Instant karma na yata nilang dalawa ito dahil kahit saan ako magpunta ay puro sila ang pinag-uusapan ng mga tao dito sa school. Tiyak na wala na silang maihaharap na mukha sa mga tao dahil lumabas na ang tunay nilang kulay lalo na yung ginawa nila sa akin.

Napapaisip rin ako kung kanino galing yung narinig namin kanina na voice record na bigla naming narinig sa mga nakakabit na speaker sa buong school namin. As in rinig na rinig naming lahat yun.

Isa iyon na voice record kung saan inamin mismo ni Jamila ang kalokohan nila at ang ginawa nila ni Brett na pagpupusta sa akin. Pati yung kung paano nila pagtawanan ang Mommy ko na isang baliw lalo na yung totoong baho ni Jamila ay lumabas rin kaya naman binabash sila ngayon ng mga tao.

Kung ano yung mga narinig ko sa voice record kanina na narinig rin ng lahat ay iyon rin ang narinig ko nung gabing nalaman kong pinagpustahan lang pala nila ako at hindi talaga ako tinuring na kaibigan ni Jamila. Dahil sa una palang talaga ay ginamit at pinag-tripan lang nila ako.

Hindi kaya may kinalaman si Leighton sa voice record na yun? Ewan, wala akong kasiguraduhan. Ang alam ko lang ay alam na nang buong mga nag-aaral sa school ang ginawa nila Brett at Jamila sa akin pati na rin kung gaano siya kaplastik.

"Please, Shayna! Oo, pinagpustahan ka namin pero totoo ang nararamdaman ko para sayo!" aniya kaya natawa tuloy ako ng pagak.

"Can you please stop lying? Hindi mo na ako maloloko kaya pwede ba?! Tigil-tigilan mo na ako!" nanggagalaiti kong singhal sa kanya.

HELLION #6: HIS CRAZY MADLY LOVE (R-18) ✔Where stories live. Discover now