KABANATA 16

14K 582 153
                                    

KABANATA 16:

Shayna Fabillar

          TAHIMIK ko lang na pinanood si Leighton sa loob ng kanyang ward kung saan kasalukuyan na siyang inoobserbahan nila Tita Valencia. Himala na nakikipag-socialize na siya sa mga tao lalo na sa mga umaasikaso sa kanyang mga nurse. Hindi man siya nagsasalita ngunit ibang-iba siya sa ipinapakita niyang behavior ngayon.

Simpleng pag-tango at pag-iling lang ang sinasagot niya kapag may tinatanong sa kanya ang mga nurse. Hindi na siya masyadong mailap, hindi na rin naman siya masyadong natatakot humarap o lumapit sa mga tao pero naroon pa rin sa kanya ang pag-aalinlangan. Hindi rin naman siya bayolente o agresibo. Tahimik lang siya at sinusundan lang ng tingin yung ginagawa ng mga taong nasa paligid niya.

"Wow, he's doing great." nakangiting puri ni Tita Valencia habang narito kami sa labas at nakatanaw lang kay Leighton. Meron namang malaking salamin sa pinto kaya malaya namin siyang nakikita sa loob.

"Kapag nagtuloy-tuloy yung ganyan niyang behavior, maaari ring bumilis agad ang pag-recovery niya. Sa mga nakikita ko sa kanya, hindi na rin siya nagtatangkang saktan ang kanyang sarili. Maybe Shayna helps him get rid of his depression and traumatic disorder." salita pa ni Tita Valencia sa amin.

Kaya naman narinig ko na nakahinga ng maluwag sila Mrs. Greta at kitang-kita ko rin sa kanilang dalawa ni Mr. Soren na hindi sila nawawalan ng pag-asa. Umaasa pa rin sila na gagaling ang kanilang kaisa-isang anak.

Gumaling naman na si Leighton sa sakit niyang schizophrenia dahil iyon daw ang pinagtuonan ng pansin nila Tita Valencia sa loob ng isang taon na pamamalagi ni Leighton dito sa Psychiatric Care Center, ngunit ang pino-problema na lang nila ay ang pakikipag-deal ni Leighton sa depresyon niya at sa trauma niya.

He tries to hurt and kill himself. He is suffering and he wants to end it. At hula daw nila Tita Valencia kung bakit gusto ni Leighton na tapusin na ang kanyang sarili ay dahil siguro sa narealize ni Leighton ang mga pagkakamali na ginawa niya noon at labis ang pagsisisi niya lalo na sa ginawa niya kay.. Amara.

"Mabuti naman at nagkakaroon na siya ng magandang improvement.." ani Mrs. Greta.

"So far, hindi naman siya agresibo. Hindi rin siya nananakit at nakikinig naman siya. Malaki-laki ang pinagbago niya ngayon kahit na medyo may pagda-dalawang isip pa siya sa pakikipag-socialize sa mga tao pero magandang improvement na niya ito unlike sa iba naming pasyente," wika pa ni Tita Valencia sa amin.

"So, pu-pwede na ba namin siyang ilabas at iuwi sa bahay?" Mr. Soren asked.

Agad namang tumango si Tita Valencia sa kanya, "Yes, of course. He is no longer harmful. Kaya maaari niyo na siyang mailabas dito sa Psychiatric Care Center at iuwi na sa bahay ninyo. Kung sakali na may nagbago sa ugali niya at bumalik siya sa dati, tumawag kayo agad sa akin. Sa ngayon, imo-monitor pa rin natin ang kondisyon niya hanggang sa tuluyan na siyang maka-recover." mahaba niyang sagot.

"Nakikita ko rin naman po na malaki ang chance na gumaling siya agad," pagsabat ko kaya tumango-tango si Tita Valencia sa akin bilang pagsang-ayon sa sinabi ko.

"And that's because of you, Shayna. You are the one helping him to heal and soon we will see him be okay and back to his old self. And soon, his fear and his trauma will finally disappear too. Babalik ang dating masiyahin, makulit at palangiting si Leighton," aniya at matamis akong nginitian.

Napangiti naman ako ng tipid at huminga ng malalim. Sana nga ay bumalik na si Leighton sa dati niyang sarili. Excited na ako na makita ang Leighton na ngumingiti at masiyahin. Gusto ko ring masaksihan kung gaano ba siya kakulit at hindi na rin siya matatakot kapag may taong lumalapit sa kanya. Yung tipong hindi na siya magiging mailap sa mga taong nakapaligid sa kanya.

HELLION #6: HIS CRAZY MADLY LOVE (R-18) ✔Where stories live. Discover now