KABANATA 44

11.7K 458 144
                                    

KABANATA 44:

Shayna Fabillar

          BINILISAN ko agad ang kilos ko dahil tiyak na naghihintay na si Leighton sa akin sa ibaba. Wala naman akong pasok ngayong araw kaya naisipan kong dalawin si Mommy ngayon at sasamahan ako ni Leighton. Gusto ko na ring malaman kung ano na ang balita sa pag-iimbestiga nila Tita Valencia, mabuti na lang talaga ay tapos na ang camping namin ngayon.

Matapos kong makapag-ayos ng sarili ay nagmamadali kong binitbit ang sling bag ko bago ako lumabas ng kwarto ko. Hindi pa ako nakakababa sa hagdanan ay naririnig ko na ang boses ni Leighton at ni Daddy na nag-uusap sa sala. Bahagya pa akong sumilip at tama nga ako, naabutan ko silang dalawa na tila may seryoso silang pinag-uusapan ngunit ano naman kaya yung pinag-uusapan nilang dalawa?

"She still has a right to know about Maeve, sir. Hindi naman po sa nanghihimasok po ako sa buhay ninyo pero si Shayna na po ang pinag-uusapan natin dito," narinig kong seryosong salita ni Leighton na nagpakunot naman agad sa noo ko.

     Maeve? Sino yun?

Anong dapat malaman tungkol sa Maeve na yun? At saka ano ba kasi yung pinag-uusapan nila at bakit nadawit ang pangalan ko? Hindi ko tuloy maiwasang atakihin ng labis na kuryosidad. Alam kong masama ring mag-eavesdrop pero hindi ko talaga mapigilan.

Kaya naman nanatili muna ako dito sa itaas, nakasilip at palihim na pinapakinggan kung ano man ang pinag-uusapan nilang dalawa. Tinignan ko naman si Dad na ngayon ay malalim pang napabuntong-hininga. Tumayo siya mula sa pagkakaupo niya sa sofa at napahilamos pa sa kanyang mukha.

"I know, iho. You are only concerned about my daughter. Ikaw na rin mismo ang nagsabi sa akin na mahal mo si Shayna higit pa sa buhay mo kaya gagawin mo ang lahat para protektahan siya, so I'm grateful because you were there for my daughter and never left her side.." rinig kong turan ni Dad kaya natigilan ako.

Really? Sinabi talaga ni Leighton iyon kay Dad? Na mahal niya ako higit pa sa buhay niya at gagawin niya ang lahat para maprotektahan lang ako? Dahil sa aking narinig ay kusang gumuhit ang matamis na ngiti sa aking labi at hindi ko rin napigilang kiligin.

"Pero natatakot ako na malaman ni Shayna ang buong katotohanan tungkol sa kanilang dalawa ni Noah. Marami na akong pagkukulang at nagawang kasalanan sa kanilang magkapatid, ayokong madagdagan pa iyon." Ani Dad kaya this time ay nagkasalubong ang dalawa kong kilay dahil sa pagtataka.

"Kaya natatakot ako na baka mas lalo akong kamuhian ni Shayna at itakwil na niya ako bilang kanyang ama. Sa pagkamatay palang ni Noah ay halos hindi ko na mapatawad ang sarili ko. Ginawa ko ang lahat para bumalik ang loob ni Shayna sa akin at maging okay ulit kami, ngunit hindi pa rin mababago ang katotohanan na ako ang may kasalanan kung bakit naaksidente sila at namatay si Noah," dugtong pa ni Dad at nahihimigan ko rin sa tono ng kanyang boses na may bahid ito ng lungkot at takot.

Pero anong ibig niyang sabihin?

Anong buong katotohanan tungkol sa aming dalawa ni Kuya Noah? Ano ba kasi yung pinag-uusapan nila? Mas lalo tuloy akong kinakain ng kuryosidad. At saka bakit parang may alam rin si Leighton sa kung ano man ang ibig sabihin ni Dad sa pinag-uusapan nila? Bakit parang may tinatago sila sa akin na tila ayaw nilang ipaalam sa akin?

"But Shayna is still your daughter. May karapatan pa rin siya na malaman ang totoo, sir. Kilala ko ho ang anak niyo, malawak ang pag-unawa niya kaya sigurado ako na maiintindihan niya kayo." mariing saad ni Leighton kay Dad.

Hindi na ako nakatiis pa, bumaba na ako sa hagdanan at agad rin silang natigil nang mapansin nilang pababa na ako. Ngiting tipid lang ang isinagot ko kay Leighton nang tumayo siya at humalik sa aking labi.

HELLION #6: HIS CRAZY MADLY LOVE (R-18) ✔Where stories live. Discover now