KABANATA 2

14.8K 592 177
                                    

KABANATA 2:

Shayna Fabillar

          MAAGA agad akong gumising kinabukasan. Ginawa ko rin agad ang morning routine ko bago pa man ako malate sa first class ko. Ayoko rin naman na sabon ang abot ko sa Professor ko nito kung male-late ako sa klase, baka mamaya ay iyon pa ang maging dahilan para ibagsak niya ako sa subject niya.

Lalo na ngayon, 4th year college na ako at graduating student na. Nalalapit na rin ang finals namin at magte-take na naman kami nito ng exam. Sobrang bilis nga ng panahon dahil parang kailan lang ay nag-aaral palang ako sa elementarya, ngayon ay nasa kolehiyo na ako at ga-graduate na. May maipagmamalaki na rin ako nito kay Kuya Noah kahit na namayapa na siya.

Sooner or later ay iaanunsyo na rin ng school namin kung kailan ang aming graduation at kung kailan rin kami magsisimula sa pagpa-practice ng aming pag-martsa lalo na't isang buwan na lang kami sa school bago kami magtapos sa aming pag-aaral.

Si Kuya Noah kasi talaga ang naging inspirasyon ko, siya at ni Mommy ang ginawa kong lakas at inspirasyon para magpatuloy ako sa pag-aaral at abutin ang aking pangarap sa kabila ng mga nangyari sa pamilya namin.

Alam ko rin kung ano ang gagawin ni Kuya Noah kung sakaling nabubuhay siya, tiyak na hindi siya susuko hangga't hindi gumagaling si Mom kaya naman naniniwala ako na balang araw ay makaka-recover rin si Mom sa mental illness niya at magkakaroon siya ng magandang improvement.

Napangiti naman ako habang iniisip ko ang mga iyon. Iniisip ko palang na gagaling si Mom sa sakit niya ay sobra-sobra na ang kasiyahan ko. Babalik siya sa dati at naniniwala ako roon. She is taking time to heal at ganun rin ako. Hindi rin naman kasi biro ang mawalan ng anak kaya naiintindihan ko kung bakit nawala sa sariling katinuan si Mom.

     She lost the love of her life.

She was traumatized by the accident, hurt and also unable to accept the loss of my elder brother. She's just a mother who lost her precious child and she can't accept that so I understand her feelings. Kahit ako rin naman ay na-trauma sa mga nangyari.

Hindi ko rin magawang matanggap ang pagkawala ni Kuya Noah kaya naman bilang anak ay gagawin ko ang lahat para bumalik sa dati si Mom. And I'm willing to wait no matter how long it takes hanggang sa gumaling siya sa kanyang sakit.

"Don't worry, Kuya. Hindi ako susuko," nakangiti kong paniniguro kay Kuya Noah habang mariin akong nakatingin sa kanyang litrato na nakapatong lang sa aking study table.

"Gagaling si Mom, babalik siya sa dati. Alam ko na hindi siya pababayaan ni God," pananalig ko bago ako malalim na bumuntong-hininga.

I am not like my Dad who lost faith that Mom will never recover from her mental illness. Hindi ako kagaya ng walanghiya kong ama! Hindi ako titigil hangga't hindi gumagaling si Mommy. Naniniwala ako na makaka-recover rin siya.

I heavy sigh. Tinapos ko na rin agad ang mga kailangan kong gawin at nang makuntento na ako sa ayos ko ay saka ko binitbit ang aking bag at mabilis na lumabas sa kwarto ko.

Dire-diretso akong bumaba sa hagdan nang mapansin ko ang presensya ng isang taong higit kong kinamumuhian bukod sa aking ama. Nakaupo siya ngayon sa sofa at masayang nilalaro ang bunga ng kataksilan nilang dalawa ni Dad pero agad siyang napatayo nang makita niya akong pababa na.

"Nandiyan ka na pala. Papasok ka na ba sa school mo? Hinanda ko na yung almusal mo," nakangiti niyang wika subalit umismid lang ako at hindi ko siya ginawang pansinin dahilan para mapahiya siya at napaiwas ng tingin sa akin.

Kung bakit ba kasi masyado siyang feeling close sa akin. Tsk, sa tingin ba niya ay maibabalik yung dati naming closeness matapos ang ginawa niyang paninira sa pamilya namin? Siya mismo ang sumira sa tiwalang binibigayko sa kanya.

HELLION #6: HIS CRAZY MADLY LOVE (R-18) ✔Where stories live. Discover now