KABANATA 54

11.5K 474 121
                                    

KABANATA 54:

Shayna Fabillar

          SINAKLUBAN na naman ako ng matinding kaba at takot nang malaman naming nakatakas si Margot. May tumawag na pulis kay Leighton para ipaalam ang nangyari kaya naman nalaman namin na tumakas ang baliw na babaeng yun!

Agad rin namang tumawag si Leighton sa mga pinsan niya para ipaalam ang nangyari at para balaan na rin sila dahil baka may gawing masama ang Margot na yun kila Mary kaya naman mas mabuting makasiguro kami na safe kaming lahat.

Nang malaman namin na nakatakas siya ay agad namang dumiretso sila Leighton kasama ang mga pinsan niya sa kulungan para alamin kung paano nakatakas ang babaeng iyon. Kaya heto, madaling araw na pero lahat kami ay hindi makatulog dahil sa nangyari.

Talagang gumawa ng paraan ang hayop na babaeng yun para makatakas siya. Ayon sa mga pulisya, nagkaroon daw bigla ng riot sa loob ng kulungan. Hindi nila alam kung paano nagsimula ang riot, basta bigla na lang daw nagkagulo ang mga babaeng inmate sa kulungan. Hindi rin daw naiwasang magkaroon ng sakitan ng pisikal at isa sa mga napuruhan ay si Margot dahil may saksak daw ito sa tagiliran.

Lahat ng mga nasugatan lalo na yung higit na napuruhan kasama na si Margot ay dinala daw nila sa pinaka-malapit na hospital para mabigyan ng lunas. Nangyari lang pala ang insidente kaninang ala-nuebe ng gabi. Hindi naman daw akalain ng mga pulis na magagawang makatakas yung babaeng yun kahit na naghigpit naman sila sa seguridad para walang kahit isang inmate ang makakatakas

Nakita na lang daw nila na wala nang malay yung nag-aasikasong Doktor at nurse kay Margot. Hindi rin nila alam kung paano nagawang tanggalin ni Margot yung posas sa kanya. Subalit nakita naman sa mga CCTV cameras ang ginawa niyang pagtakas.

Hindi man lang siya nahirapan sa pagtakas at mukhang pinag-isipan o plinado niyang mabuti ang pagtakas. Nagsuot pala siya ng pang-nurse na damit at nag-facemask kaya pala hindi napansin ng mga pulis na nagbabantay sa labas ng ward room na siya si Margot hanggang sa nakalabas siya sa hospital.

Nalaman na lang ng mga pulis na nakatakas siya nung magtaka sila kung bakit ang tagal gamutin ni Margot sa ward room kaya naisipan na nilang pumasok at doon na lang nila napagtantong natakasan na sila. Ang pagkakamali lang nila ay hinayaan nilang nakasara ang pinto ng ward at wala man lang kahit isang pulis na nagbabantay sa loob ng kwarto.

Jusko! Hindi talaga titigil ang babaeng yun hangga't hindi niya siguro natutupad ang mga pinagplanuhan niya. She's really crazy! Talagang nahihibang na siya! Nalaman na nga rin nila Mommy ang pagtakas ni Margot kaya nababahala sila sa pwedeng gawin nung bruhang yun lalo na't delikado siyang tao.

May pagka-praning pa naman si Margot, may sayad na ang utak niya at nakakasiguro kami na baka balikan niya kami at maghiganti sa amin. Gumawa na rin ng paraan ang mga pulisya para hanapin siya. Nakikipagtulungan na rin ang mga matataas na otoridad para mahanap ang suspek na si Margot.

For sure ay magkakaroon ng malawakang paghahanap sa babaeng yun dahil magbabayad sila Dad at pati na rin sila Leighton ng malaking halagang pera para mahanap lang siya. Hindi ko tuloy maiwasang mabahala.

Delikado si Margot. What if balikan niya kami? Paano kung higit pa sa mga kasalanan na nagawa niya ang gawin niya? Paano kung.. mapatay niya kami? Lalo na ako na sinisisi niya sa pagkasira ng mga plano niya? I'm pretty sure she won't stop until she gets what she wants.

Mabuti na lamang ay may koneksyon ang mga Hellion dahil nagawa nila Leighton na bigyan kami ng mga security police na magbabantay sa amin dito sa bahay, mapalabas man o loob. Para sa ganun ay mabigyan nila kami ng seguridad at just in care na rin na kapag tinangka ni Margot na magpunta dito sa bahay.

HELLION #6: HIS CRAZY MADLY LOVE (R-18) ✔Where stories live. Discover now