KABANATA 13

13.2K 578 133
                                    

KABANATA 13:

Shayna Fabillar

          HUMUGOT ako ng malalim na buntong-hininga bago ko saglit na tinignan si Leighton na ngayon ay yakap-yakap pa rin niya ang polaroid camera ko pati ang mga litrato naming dalawa na kinunan lang kanina.

Habang ang isa naman niyang braso ay nakapulupot pa paikot sa aking beywang. Kasalukuyan na rin kami ngayon na nakasakay sa grab dahil ibabalik ko na na siya ngayon sa Psychiatric Care Center tulad ng pangako ko kila Mrs. Greta.

Nag-text na rin naman ako kay Tita Valencia na ihahatid ko na si Leighton kaya naman maghihintay na lang daw sila sa pagdating namin. Alas dose na rin kasi kami nakalabas ni Leighton sa bahay dahil anong oras na rin nakauwi ang mga bisita ng magaling kong ama at anong oras na rin nagsipasukan sa kani-kanilang mga kwarto ang mga kasama ko sa bahay. Kaya kahit hating gabi na ay bumiyahe pa rin kami papunta sa hospital para hindi na mag-alala pa ang magulang ni Leighton.

Hanggang ngayon ay nagagalit pa rin ako kila Dad. Sa ginagawa nilang ito ay mas sinasagad na nila ang pasensya ko. Kaya naman hindi ako makakapayag na maging masaya silang dalawa ni Tita Jodie. Hindi ako papayag na magpakasal silang dalawa ng kabit niya habang si Mom ay nasa mental hospital pa rin at hindi pa gumagaling.

Gusto ko rin naman na maghiwalay silang dalawa pero gusto ko na kapag pipirmahan ni Mom ang annulment paper nila ni Dad ay dapat magaling na siya. Yung bumalik siya sa dating siya. Nung una ay hinahayaan ko na lang sila Dad at ang walanghiya niyang kabit sa mga gusto nila dahil nakakapagod at nakakasawa rin na paulit-ulit na makipagtalo sa kanila.

Hinayaan kong tumira si Tita Jodie sa pamamahay namin kahit ayoko! Nagka-anak pa silang dalawa ni Dad! Kaya naman hindi na ako papayag ngayon. Kung hindi kayang lumaban ni Mom, pwes ako ang haharap sa kanila. Hindi ko na hahayaan na gagaguhin nila ng paulit-ulit ang Mommy ko. Sumusobra na sila kaya tama na.

Sana ay gabayan ako ni Kuya Noah sa gagawin kong ito. Nakapag-desisyon na rin kasi ako. Iyon lang ang paraan para hindi matuloy ang pagpapakasal ni Dad at ng kabit niya. Iyon lang ang tangi kong naisip na paraan para hindi sila maging masaya kaya kung ano man ang magiging kahinatnan nito ay sana, sana hindi ako magsisi nito sa bandang huli.

Lumipas ang ilang minuto nang makarating na kami sa mental hospital ni Tita Valencia. Nagbayad lang ako sa drayber nitong sinakyan naming grab bago kami bumaba ni Leighton. Hawak ko ang isa niyang kamay para igiya siya papasok sa loob ng Psychiatric Care Center, mabuti na lang ay sumunod sa akin si Leighton kahit na nakikita kong ayaw niyang bumalik sa hospital na 'to.

"Mabuti naman at ligtas kayong nakarating!" ani Tita Valencia na animo'y nakahinga pa ng maluwag nang makita niya kami.

Naghihintay lang sila sa lobby at ganun rin sila Mrs. Greta na kasama lang din ni Tita Valencia. Lumapit naman sila agad sa amin pero mabilis na nagtago si Leighton sa likod ko nang akma sana siyang yayakapin ng kanyang ina.

As usual, rumehistro agad sa mukha niya ang takot at hindi rin siya makatingin ng diretso sa magulang niya. Kulang na lang ay magtago siya sa loob ng damit ko dahil sa sobrang takot niya. Masyado siyang mailap sa magulang niya at hindi ko naman siya masisisi doon. He was already traumatized. Ngayon ay naiintindihan ko na, may ilang bagay kaming pagkakatulad ni Leighton. Parehas kaming na-trauma dahil sa mga nangyari noon na gusto naming ibaon na sa limot.

"Hey, it's okay. They are your parents and they will never hurt you again," wika ko ngunit umiling-iling lang si Leighton sa akin at mas nagtago pa siya sa aking likod.

"Hayaan mo na. Baka mas lalo lang siyang matakot sa amin," malungkot na turan ni Mrs. Greta habang nakatingin siya sa kanyang anak. Huminga na lang ako ng malalim at peke ko lang siyang nginitian.

HELLION #6: HIS CRAZY MADLY LOVE (R-18) ✔Where stories live. Discover now