KABANATA 51

11.6K 501 256
                                    

KABANATA 51:

Shayna Fabillar

          HINDI ko alam kung ilang minuto na nga ba ang nakakalipas mula nang magtungo sila Leighton at yung babaeng kamukha ni Amara sa office library ni Lucius para makapag-usap ng pribado. Wala rin akong ideya kung ano nga ba ang pinag-uusapan nila pero naku-curious ako.

Nandito lang rin ako sa sala, naghihintay na makabalik sila Leighton at matapos silang makapag-usap. Sila Mary ay naroon pa rin sa kwarto nila, marahil ay hindi niya kinaya yung mga sinabi nung kamukha ng kakambal niya.

Baka hindi lang siya lubos makapaniwala sa mga nangyayari. Baka tulad ko ay gulong-gulo na rin siya at hindi na rin niya alam kung ano ba ang paniniwalaan niya. Nananakit na nga rin ang ulo ko at nakaka-stress na rin. Talagang nakapagtataka kung bakit bigla na lang sumulpot ang kamukha ni Amara sa buhay namin.

Iniisip ko rin ang mga sinabi ni Lucius kanina sa mga plano niya. Medyo nabibingi na rin ako sa katahimikan dito sa malawak na sala nila kahit pa na padaan-daan ang mga katulong nila para maglinis at gawin ang mga nakatoka nilang mga trabaho.

Ako lang rin ang nakaupo dito sa mahaba nilang sofa dahil si Lucius ay kasalukuyang may kausap sa cellphone niya. Mula rito sa pwesto ko ay malinaw ko siyang natatanaw malapit sa pool area nila. Nakatayo lang siya roon at seryosong may kausap sa kanyang phone.

Hindi na tuloy ako mapakali dito dahil wala man lang akong makausap. Chineck ko naman ang suot kong relong pangbisig, ala-singko na nang hapon at malapit na ring gumabi. Kaya pala napapansin ko na sa labas na malapit-lapit na ring lumubog ang araw.

Nakapag-text na rin naman ako kila Dad, sinabi ko lang na baka hindi kami makakapag-dinner ngayon sa bahay dahil may importante lang kaming pinuntahan ni Leighton. For sure ay maiintindihan naman nila iyon. Sinabi ko rin na baka gabi na ako makakauwi para alam nila at hindi sila mag-alala sa akin.

Napaayos naman ako agad ng upo nang marinig kong may mabibigat na yabag ng paa ang pababa sa hagdan. Pagtingin ko ay si Mary lang pala na agad ngumiti sa akin nang makita niya ako ritong nakaupo. Sumunod naman na bumaba ay si Lucien.

"Teka, bakit ikaw lang ang nandito sa sala? Nasaan sila Leighton? Yung babaeng kamukha ni Amara?" nakakunot-noo niyang tanong sa akin nang tuluyan silang dalawa ni Lucien na makababa.

"Ahm, magkausap lang silang dalawa sa office library ni Lucius." mahinahon kong sagot sa kanya. Napatingin pa silang dalawa kung nasaan si Lucius ngayon bago ako lapitan ni Mary at naupo sa tabi ko.

"Teka, nagugutom ka ba Shayna? Gusto mo bang kumain? Just tell me," pagtatanong niya.

     She also gave me a warm smile.

Bigla naman akong napahawak sa tiyan ko nang kumalam ang aking sikmura. Para rin akong nakadama ng matinding gutom kahit na kumain naman ako ng tanghalian kanina. Hindi ko alam, pero parang natatakam yata akong kumain ng prutas ngayon lalo na ang hinog na jackfruit. Ewan ko ba sa sarili ko. Bigla na lang akong nag-crave na kumain ng prutas sa hindi ko malamang dahilan. Siguro ay maghahanap na lang ako ng jackfruit kapag nakauwi na kami ni Leighton.

"Shayna, don't be shy." she said and laughed, "Just tell me what food you want to eat. My husband Lucien is a good cook. For sure magugustuhan mo ang mga luto niya,"

Nakangiti lang sa akin si Mary at mukhang napansin niya na nahihiya at nag-aalinlangan akong sumagot kaya hinawakan niya ang isa kong kamay. Ngiting malawak lang rin ang ipinakita ni Lucien sa akin. Napakamot tuloy ako sa ulo ko.

Jusko! Naiilang ako sa kagandahan niya. Paano ba naman kasi, nakaka-tomboy yung ganda ni Mary. Para siyang ipinanganak na Diyosa! Kaya siguro apat na poging lalaki ang nagkagusto sa kanya at Quadruplets pa. Idagdag pa na nalalanghap ko rin ang mabango niyang halimuyak na pabango.

HELLION #6: HIS CRAZY MADLY LOVE (R-18) ✔Where stories live. Discover now