KABANATA 26

14.1K 649 207
                                    

WARNING: SPG! Read at your own risk.

KABANATA 26:

Shayna Fabillar

          NATAGPUAN ko na lang ang sarili ko na kasalo na si Leighton sa iisang bathtub habang pareho rin kaming nakahubad. Sakto lang ang temperatura ng tubig kaya hindi naman maginaw. But what the heck is wrong with me? Bakit ba hinahayaan ko lang siya na gawin ang gusto niya? At saka.. bakit hindi ko rin magawang magalit sa nilalang na 'to at mas lalong hindi ko rin siya magawang pigilan?

I mean, I should be angry with him because he stole my first kiss! I should make it clear to him that we are not in a relationship so it is wrong for us to see our naked bodies and take a bath together. Wala kaming relasyon, hindi naman kami. Kaya hindi namin dapat ginagawa ito lalo na ang basta-basta na lang niyang paghahalik sa aking labi dahil hindi naman kami mag-boyfriend girlfriend.

Pero shit lang! I just let him do what he wants! Para bang nagugustuhan ko rin ito kaya hindi ko na rin maintindihan ang sarili ko. Para bang pinapabayaan ko na lang ang sarili ko na magpaanod sa kanya at gawin ang gusto niyang gawin sa akin. Nagpapaubaya na lang ako sa kanya sa kung ano ang gusto niya kahit na wala pa kaming label. Baliw na ba ako dahil hinahayaan ko lang siya?

Katulad na lamang ngayon. Nakita na naming dalawa ang hubad naming katawan at sabay pa kaming naliligo sa iisang bathtub na hindi namin dapat ginagawa! Nakagat ko ang ibabang labi ko nang maramdaman ko ang pagtama ng mainit niyang hininga sa leeg ko kasabay ang masuyo niyang paghalik sa balikat ko.

Pakiramdam ko ay para akong nakukuryente sa ginawa niyang iyon. Naghatid rin iyon sa akin ng kakaibang kilabot na may halong kakaibang sarap. Ang weird ng ganitong pakiramdam. Para akong nakikiliti sa hindi ko malamang dahilan. Bago lang rin itong pakiramdam na 'to sa akin. Animo'y nag-iinit ang aking katawan at nagsisimula ring bumigat ang aking paghinga.

Tahimik ko lang ring sina-shampuhan ang kanyang buhok habang pinapanood niya ang ginagawa ko. Shit! Mabuti na lang talaga ay natatakpan ng mga bula ang hubad naming katawan dito sa bathtub kaya hindi ko nagagawang masilipan ang gwapong nilalang na 'to lalo na ang kanyang nakalawit na.. banana.

Wala rin naman akong awkwardness na nararamdaman kay Leighton at ramdam kong ganun rin siya sa akin. Hinihiling ko lang na sana huwag na naman siyang basta susunggab sa akin dahil baka tuluyan na ako nitong bumigay. Nakakatukso pa naman ang isang tulad niya.

     Oo, nakakatukso siya!

"Bakit kanina ka pa nakatitig sa akin? May dumi ba ako sa mukha ko?" natatawa at nakataas-kilay kong katanungan sa kanya dahil hindi na ako makatiis pa. Kanina pa kasi siya nakatitig sa akin habang sinasabunan at sina-shampuhan ko siya. Bawat nga galaw ko ay sinusundan niya pa ng tingin.

"I just can't help it. Sobrang ganda mo kasi," sagot niya kasabay ang pagguhit ng matamis na ngiti sa kanyang labi habang ako naman ay pinamulahan ng mukha.

"Stop it. Ang g-galing mo talagang m-mangbola," utal at nahihiya kong sambit bago ako mabilis na nag-iwas ng tingin sa kanya.

But he just laughed softly and kissed my left cheeks. Heto na naman siya sa bigla-biglang paghahalik sa akin. At ako naman itong timang, hinahayaan ko lang siyang humalik-halik sa akin. Aba'y nagugustuhan ko rin naman eh! At hindi ko iyon maitatanggi.

"I'm telling the truth, my Shayna. Hindi ako nangbobola. Maganda ka, sobrang ganda sa mga mata ko. That's why I can't stop staring at you and I can't believe there's a gorgeous lady in front of me," wika niya dahilan para mas lalong uminit ang aking pisngi.

Hindi ko rin pinahalata sa kanya na kinikilig ako at kaonting kalabit na lang ay malalaglag na ang aking puso sa kanya. Idagdag pa na sa tinatawag niya akong My Shayna at ang cute-cute niya pa. Sinong babae ang hindi mahuhulog sa alindog niya?

HELLION #6: HIS CRAZY MADLY LOVE (R-18) ✔Där berättelser lever. Upptäck nu