KABANATA 19

13.7K 643 143
                                    

KABANATA 19:

Shayna Fabillar

          HALOS hindi ako pinatulog dahil sa mga binitawang salita ni Leighton kagabi. Hindi talaga mawala-wala sa isipan ko yung sinabi niya at tila parang sirang plaka na paulit-ulit kong naririnig yung mga sinabi niya dahilan para mahirapan talaga akong makatulog kagabi! Shit lang! He said right in front of me that I'm more beautiful than his ex! At talagang sinabi pa niya na mas importante sa kanya ang future niya na kasama.. ako!

"Loko ka talaga, Leighton!" gigil kong asik pero baliw na yata ako dahil nakangiti pa ako habang nagpapagulong-gulong ako dito sa malambot kong kama. Malakas ko ring pinaghahampas ang mga unan ko habang iniiwasan kong huwag tumili dahil sa sobrang kilig.

Oo! Kinikilig ako at inaamin ko yun! Napabangon ako sa kama bago ko hinawakan ang aking dibdib. My heart beats faster and faster! Rinig na rinig ko na rin ang malakas na pagkabog nito. Hindi ko rin maintindihan kung bakit ang lawak-lawak ng ngiti ko at hindi pa ito mabura-bura sa labi ko. Sinabihan lang ako kagabi ni Leighton na maganda ay kinilig na ako at hindi pa ako pinatulog!

     Am I in love with him?

Have I fallen in love with him? No, that's impossible! Ang bilis naman yata kung nahulog na ang puso ko kay Leighton? Ang bilis naman kung may gusto na ako sa kanya. Napailing-iling ako nang bigla akong matauhan. Parang timang ko pang pinagsasampal ng mahina ang magkabila kong pisngi.

"Hindi, hindi.." salita ko bago ako muling umiling-iling ng ulo. Hindi ko dapat ito nararamdaman. Paano kung wala palang ibang kahulugan yung mga sinabi ni Leighton sa akin kagabi? Paano kung nagandahan lang siya sa akin pero.. wala naman siyang pagtingin sa akin?

Napaka-imposible rin na may gusto na ako sa kanya! Aba'y sobrang bilis naman yata yun! At saka wala ring double meaning yung mga sinasabi at pinapakita niyang ka-sweetan sa akin. Maybe he always hugs me, holds my hand and smiles at me but that doesn't mean he likes me. Siguro ay kampante lang siya sa akin o masyado lang siyang komportable sa akin kaya siya palaging nakalingkis sa akin na parang tuko?

Marahil ay nakikita o nararamdaman niyang hindi ko magagawang saktan ang mga kagaya niya kaya siya naging ganun ka-clingy sa akin at palagi pa niya akong hinahanap. Ewan, hindi ko na alam. Ang tanging alam ko lang ay hindi ko dapat binibigyan ng kahulugan yung mga ipinapakita ni Leighton sa akin. Hindi ibig sabihin nun ay may gusto na siya sa akin.

Napahilamos ako sa aking mukha bago ako malalim na bumuntong-hininga. Chineck ko naman ang orasan, alas otso na nang umaga. Mamayang ala-una pa naman ang pasok ko pero nagpasya na akong bumangon sa kama para makaligo na. Dadalawin ko na muna siguro si Mommy sa Western Mental Institution.

Gusto ko lang i-check ang kalagayan niya doon o kung okay lang ba siya doon at kung komportable ba siya sa hospital na yun. Gusto ko lang rin alamin kung maganda ba ang trato sa kanya nung nurse na nag-aalaga sa kanya at kung ginagawa ba nito ang kanyang trabaho.

At pagtapos nun, didiretso ako sa opisina ni Attorney Albañez, ang pinagkakatiwalaan at legal na abugado ni Mommy para pag-usapan ang ilang importanteng bagay lalo na sa kompanya. Kailangan kong makuha ang Fabillar Enterprise bago ako maka-graduate. Dapat ako na ang humawak nun.

Dumiretso na ako agad sa loob ng banyo para makaligo na. Inabot lang ako ng labing-limang minuto sa pagligo bago ako natapos. Simpleng maong na pantalon at maluwag na t-shirt lang ang sinuot ko bago ako nag-ayos ng sarili. Nang makuntento na ako sa ayos ko ay saka ko sinuot ang rubber shoes ko bago ko bitbitin ang sling bag ko. Nilagay ko lang roon ang wallet at cellphone ko bago ako lumabas ng kwarto ko.

"Oh saan ka pupunta? Mamaya pang ala-una yung pasok mo ah?" tanong ni Manang Laurasia nang makasalubong ko siya habang pababa ako sa hagdanan.

"May importante lang po akong pupuntahan, manang." nakangiti kong sagot.

HELLION #6: HIS CRAZY MADLY LOVE (R-18) ✔Where stories live. Discover now