Chapter 3

921 32 0
                                    

“Kailangan mong isuot 'tong maskara.” Isinuot niya ito sa akin.

I am wearing a red gown na may diamond kung saan. Shape ang heart sa dibdib ko at nakasuot din ako ng black gloves at naka bunny hair.

I wear a red liptint. Nadala ko din kasi 'yong mga bagay sa earth dito kaya hindi ako maboboring at saka ewan ko ba kasi may wifi dito.

“Thanks, Amaris.” Hinaplos niya ang buhok ko.

“Call me ate if you want.” She smiled brightly dahilan para maalala ko ang ate ko.

Kapareho sila ng personality. Magsisinungaling ako kung sasabihin kong hindi ko namiss si ate.

“Okay.” Walang emosyon kong tinignan ang isa niyang knight at tinuro siya. “What is he doing here? Akala ba niya magnanakaw ako?”

“No, Verity. He's my knight, Tiernan Vasquez. He will be your knight. Kung anong meron sa akin ay sa'yo na rin. Gawin mo ang gusto mong gawin sa kanya.” Namilog ang aking mata sa kanyang sinabi.

“Are you sure?” Napatingin ako sa lalaki. Hindi ako makapaniwala.

I heard na may ibang prinsesa na ano... Basta ginawang ano 'yong knight-yaks!

“Yes.”

Walang emosyon nakatingin sa akin si Tiernan. Mafafall ka din kay Maren tapos you will betray Amaris pagdating ng panahon.

Pero ano bang gusto hanapin ng lalaki na 'yon sa akin?

•••

Napatingin ako sa likod ko. Nakasunod pa rin si Tiernan sa akin. Hindi ako komportable sa mga titig niya, walang emosyon. Alam ko kung anong nasa isip ng lalaking 'to.

I rolled my eyes. Alam kong gwapo siya at type ko siya pero no-hindi ko dudumihan 'yong katawan ko. Napatingin kami sa babaeng nakayellow dress na mermaid at naka braid ang blonde niyang buhok. Bagay nga sa kanya 'yong light.

“You're still pretty, princess.” Napatingin ako sa kanya. Hindi pa rin nagbago ang ekspresyon sa kanyang mukha.

I smirked, “Just call me Verity when we're alone.” Lumapit ako sa kanya at hindi ko inalis ang mata ko sa kanyang mata. Nakita kong napalunok ito ng laway. Hinawakan ko ang kanyang balikat. “Don't worry, sa mundo namin. Nag aaral kami, kahit anong mangyari hindi 'yon mangyayari. At isa pa hindi ako galing dito.”

Napangiti na ito. Sa wakas, ngumiti na ang bata-char. 17 years old na siya at 15 palang ako. So mas matanda siya sa akin.

Alam ko kung gaano siya ka wild. Well, inosente siya sa una pero hindi na pag malaki na sila 'yong adults na talaga. Ayaw ko na maalala nakakatrauma! Nagtagpo ang mata namin ni Idan ang unang prinsepe nakakita sa akin. Nagbow ako kunti at umiwas na ng tingin.

“Hindi pa ba pwedeng umuwi?” Ayaw ko talaga sa party lalo na't pag boring.

“Kailangan muna natin hintayin si princess Amaris.” Teka? Nasaan na ba 'yong babae na 'yon? “Don't worry, magkasama sila ni Ash.”

Oo nga pala dalawa ang knight ni Amaris. Napabuntong hininga ako at nakita ko na naman siya napangiti.

“What?”

Umiling ito at kunot noo ko nalang siyang nilagpasan. Napahinto ako sa paglalakad ng makita ang lalaking black hair and black eyes.

Napatingin siya sa akin at parang nag slowmo lahat ng paligid. He's Lucien Castro, the lonely prince. Na fall siya kay Maren dahil sa pag che-cheer up ni Maren sa kanya. Sadly to say, second male lead lang siya. Hindi siya ang nakatuluyan ng female lead. Napatingin ako sa mga babae at lalaking sumasayaw. Hinawakan ko ang kamay ni Tiernan at napangiti.

Napakunot ang kanyang noo at hinila ko siya papunta sa gitna.

“Let's dance.” Napangiti ito at sumabay na kami sa musika.

We dance and dance. At isa lang ang alam ko, pareho kaming nag e-enjoy.

•••

Napapikit ako at niramdam ang masariwang hangin sa balcony. Alam kong nakatingin siya sa akin pero hindi ko lang 'yon pinansin at napatingin sa bituin.

“Waaah! Ang ganda!” sigaw ko at tinuro ang mga stars.

Napatingin din siya sa stars at napangiti. Hindi naman siguro masama kung napangiti ko si Tiernan.

“What was Amaris look like?” Since the story change a little bit, siguro naman pati 'yong ugali ng character ay nagbago din. Natahimik ito sa aking tanong. “Don't worry, hindi ko isusumbong sa kanya. I promise.”

He heavily sighed, “Pareho siya sa ibang prinsesa.”

Namilog ang aking mata. Hindi ako mapaniwala. Mabait kasi siya sa akin kaya akala ko nagbago siya.

“Nakakapagtaka? Ano kayang kailangan niya sa akin?” nagtataka kong tanong pero hindi ako nakatingin sa kanya.

“Maybe she don't want you take her position. She really loves prince Idan.” Napatango nalang ako.

“Well, mas bet ko naman 'yong knight kaysa sa prinsepe.” Natahimik siya sa sinabi ko. Namilog ang aking mata ng marealize ko kung ano ang sinabi ko. “No! It's just my opinion! Pero mali ang iniisip mo ha?!”

Napatawa ito at napapout nalang ako. Nakakaloka... Pero hanggang ngayon hindi ko pa rin nalalaman ang sagot. Anong sagot ba ang gusto ng lalaking 'yon?

“May nakilala ka ba bago ka napunta sa mundong 'to?” Napatango ako sa tanong niya dahilan para magulat siya.

“Actually, hindi ko alam kung sino siya pero ang alam ko lang siya ang dahilan kung bakit ako nandito and he wants me to find the right answer to his question.” Inis akong napairap. “Paano ko mahahanap ang sagot kung hindi ko naman alam ang tanong?!”

“Pag masagot mo na 'yan?” Napangiti ako sa kanya.

“Babalik na ako sa mundo ko kung saan ako galing,” nakangiti kong sabi sa kanya.

Twist Of FateWhere stories live. Discover now