Chapter 12

603 24 3
                                    

“What? Pinapabalik mo ako sa bahay niyo?” hindi makapaniwalang tanong ko.

Dahan-dahan itong napatango. Tinaasan ko siya ng kilay at umiwas naman ito ng tingin habang namumula ang pisnge. Nahihiya 'ata.

“Ayaw ko.” Biglang napalitan ng lungkot ang kanyang mata at nagulat ako ng bigla siyang lumuhod.

“Please! I will do anything! Gusto ka kasi makita ng kapatid ko! Please!” Hinawakan niya ang kamay ko at agad ko siya hinila para makatayo siya.

“Huh? Baka nagkakamali ka lang ng pandinig? Bakit naman gusto niya akong makita?” natatawa kong tanong.

“Ano kasi... Ah... Ano...” Last nalang talaga malilintikan na talaga sa akin ang lalaking 'to.

•••

“Marry me!” Hindi ko talaga alam kung bakit naging ganito ang sitwasyon ko?

Napatingin ako sa lalaking ngayon ay umiwas na ng tingin. Pilit kong ngumiti kahit naiinis na ako. Kaya pala pinapunta mo ako dito dahil gusto mong asikasuhin ko 'yong bunsong kapatid mo.

“What are you talking about?” Kalma lang, Verity.

Nagulat ako ng niyakap niya ako, pati na rin si Ash ay nagulat. Lagot ka talaga sa akin mamaya!

“Ever since I met you, lumakas ang tibok ng puso ko. I think I'm falling inlove with you, ate.”

Oh please! Ang babata pa natin! At saka, nagjojoke lang naman itong bata na 'to.

“You... What's your name?” Namula ang kanyang pisnge dahil sa tanong ko.

“A-ace Navarro.” Napatango ako at tumingin kay Ash na ngayon ay nag alalang tumingin sa kapatid niya.

“Bilisan mo paglaki mo para mapakasalan na kita, Ace,” mahinahon kong sabi.

Kitang-kita sa reaksyon niya ang pagkagulat. Ang cute niya! Pero soon marerealize niya din na hindi ako ang babae para sa kanya.

“Talaga! Pangako?” Natawa ako at tumango.

“Pangako.” Mas lalo itong napangiti at niyakap ako.

•••

“Are you sure about that?” Inosente ko siyang tinignan na parang wala akong alam sa sinabi niya.

“Pfft! Bakit parang nag aalala ka? Do you really think natutuhanin 'yon ng kapatid mo?” Ewan ko ba pero para siyang may hindi sinasabi sa akin?

Malungkot ito na parang may hindi siya magustuhan na mangyari. Ewan ko sa kanya! Hindi naman ako manghuhula para mahulaan kung ano ang iniisip niya.

“Nagseselos ka ba?” wala sa sariling tanong ko.

Namilog ang kanyang mata dahilan para mapatawa ako at namula na naman 'yong pisnge niya at umiwas ng tingin.

“H-hindi ah! Bakit naman ako magseselos?!” Napa cross arm ako.

“Sus! Deny ka pa! Halata naman eh!”

“Mag iingat ka lang kay Ace.” Agad ko naman sinapak ang braso niya. Mananakot ka pa! Dapat nga ako matakot sa'yo eh!

“Chill! Ang cute kaya ni Ace. Mas nakakatakot ka pa nga eh.” Binulong ko naman 'yong nasa huli.

“Ano?” Umiling lang ako at binigyan siya ng matamis na ngiti.

Hinawakan niya ang kamay ko dahilan para mapahinto ako. He smiled warmly. Beh! Wag ganyan! Naaakit ako oh!

“Thank you for today, Verity. I will make sure to pay you someday,” mahinahon niyang sabi.

“Kung gusto mong bumawi...” Nilapit ko ang mukha ko sa kanya dahilan para mamula ang pisnge niya. “Ibalik mo ako sa totoong mundo ko. Tulungan mo ako, Ash.”

•••

“Ayaw ko ng pumasok ng school!” Agad ko tinapunan ng bato 'yong lalaki pero agad naman siya nakailag.

“Hindi ko na 'yan kasalanan.” Tinaasan ko siya ng isang kilay dahil sa sinabi niya.

“Anong hindi mo kasalanan?! Ikaw kaya ang dahilan kung bakit ako nandito?! Kasalanan mo 'to!” inis kong sigaw sa kanya.

“Chill, why don't you just find the answer? Para makauwi ka na?”

“Sa tingin mo ganun lang kadali?!” Napatango naman siya sa tanong ko dahilan para mainis ako lalo. “Nakakainis ka!”

Bago ko pa siya matapunan ng bato ay agad na siya naglaho. Gosh! Kapag nakikita ko talaga ang lalaki na 'yon! Alam ko ng masisira ang mood ko.

“Yinah?” Napahinto ako ng makita si Phoenix na gulat na gulat na nakatingin sa akin. Agad niya ako niyakap. Hindi ako makagalaw dahil sa gulat. “Akala ko tuluyan mo na talaga akong iniwan! I'm glad that I found you!”

Yinah? Napatingin ako sa repleksyon ko sa mata niya. Shit! Binago pala ng lalaki na 'yon ang itsura ko ng hindi ko alam. And why do I have to pretend to be part of the member of Maren?

“Bakit minsan ka lang nagpapakita sa akin?” he asked.

“Umm... K-kapag kasi palagi akong lumalapit sa'yo, baka hindi mo na mabantayan si princess Maren?” Sana naman hindi niya mahalatang nagsisinungaling ako. “Do you miss me?”

“Tinatanong pa ba 'yan?” Nagulat ako ng hinila niya ako at niyakap. “Ewan ko ba pero para akong napaparusahan kapag hindi kita nakikita.”

Walang gana lang akong tumingin sa kawalan. Don't tell me nafa-fall na siya sa akin? Ini-imagine ko palang na pagkatapos ng kasal bali-bali buto ko—wild kasi siya sa kama.

Inosenteng mukha napaka wild naman. Nasira nga 'yong kama—

Kalimutan ko na 'yan. Mag a-act nalang ako na hindi ko 'yon nabasa. Hindi pwede maabutan ako ng season 2 sa kwento na 'to.

“Kulang lang 'yan sa kain.” Kumalas ako sa pagkakayakap. “Alam mo kumain ka nalang.”

Ngumiti naman ito. Alam kong sa isang araw lang kumakain ang knight dahil 'yon ang rule nila dito. Kawawa nga sila need nila magtiis ng gutom.

“Busog ako—”

“Shhh! Itigil mo ang pagsisinungaling! Ang payat-payat mo na oh! Mas mapayat ka pa sa akin, kaloka.” Kinuha ko ang hamburger sa bag ko at binigay sa kanya. Pati na rin ang softdrinks.

“Ano 'yan?” Napahinto ako sa kanyang tanong. Halata sa ekspresyon ng mukha niya na ngayon lang siya nakakita ng ganito.

“Seryoso ka?” Napatingin siya sa aking mata at hindi nga siya nagbibiro. “Kaloka.”

Kinuha ko ang malaking tela at nilagay sa damuhan. Sinenyasan ko siyang umupo at sinunod niya naman ang kagustuhan ko. Umupo na rin ako at binigay sa kanya ang pagkain.

“Wag ka mag alala hindi 'yan lason. Iyan ang pagkain namin sa mundo namin,” mahinahon kong sabi.

Napatango ito at kinain ang pagkain. Napangiti ito, mukhang nasarapan siya sa pagkain.

I giggled. Ang cute!

Twist Of FateWhere stories live. Discover now