Chapter 44

363 18 2
                                    

Ang weird lang talaga. Kahit ni isa, hindi ko nakita si Idan. Hindi kaya patay na siya? Napahinto ako ng mapansin na kanina pa ako sinamaan ng tingin ni Ace.

“What?”

“Ayaw kong makita ka na iniisip ang ibang lalaki habang kasama mo ako,” walang gana niyang sabi sa akin.

“Edi wag ka tumingin.” Mas lalong sumama ang tingin niya dahilan para mapabuntong hininga ako.

Nilagay niya ang pagkain sa lamesa at tinignan ko lang ito. Marunong naman pala siya magluto o sadyang nakalimutan ko lang.

“Nasaan 'yong kuya mo?” Natigilan ako ng bigla nalang nasira ang baso na hinawakan niya at nagkaroon ng dugo ang kanyang kamay.

What the—nagtatanong lang naman eh. Hindi siya nagsalita at tinuloy niya lang ang pagkain. I can't believe I treat this as a kid?! Mukhang hindi naman kasi siya bata sa nakikita ko ngayon. Kinain ko nalang ang pagkain ko at natigilan ako ng masarap naman ito.

Sino kaya nagturo sa kanya?

“Namimiss mo ba siya?” he asked dahilan para mapahinto ako.

“What?” Nahalata ko ang paghigpit niya sa pagkakahawak sa kutsara. Hindi niya gusto malaman ang sagot pero nagtanong pa din siya.

“Mas gusto mo ba 'yong kuya ko kaysa sa akin?” He looked at me coldly. 

“What are you talking about?” Umiling nalang ako. “Ace, why me? Maraming babae diyan bakit ako?”

Alam niya naman siguro kung anong ibig kong sabihin. Hindi lang siya nagsalita. Pinag isipan ang sinabi ko.

“I don't know why.” Tumingin siya sa aking dalawang mata. Nahalata kong seryoso ito. “Nalaman ko nalang na mahal kita.”

Weird. Hindi nalang ako nagsalita pa. Wala din naman magbabago sa sagot. Wala akong masyadong alam kay Ace kasi hindi naman sa kanya naka focus ang story eh. So I let my guard down. Hindi ko akalain na ganito ang mangyayari. Napabuntong hininga nalang ako. Wala na talaga akong ginawang tama. 

•••

Napahiga ako sa kama at tinignan ang kisame. Grabe, nahiya ako kunti. Siya na kasi ang naglinis tapos siya ang nagluto. Hindi man sa ano pero parang siya ang servant dito tapos ako ang master. Agad ako napatayo.

Bakit ba ako nagpapahinga?! I don't want to waste my time?! Kailangan kong hanapin ang prinsepe na 'yon!

Aalis na sana ako pero biglang bumukas ang pinto. Sinalubong na naman ako ng malamig niyang titig na para bang isang pagkakamali lang ay lagot ako sa kanya.

“Saan ka pupunta?” he coldly asked.

Napalunok ako ng laway at umiwas ng tingin. Hindi ko keri makipag eye contact sa bata na 'to. 

“Iinom lang ng tubig.” Hindi niya pa rin inalis ang tingin niya sa akin. Wala siyang tiwala sa akin. Matapang ko siyang tinignan sa mata. Dahan-dahan siyang lumapit sa'kin at dahan-dahan naman akong umatras. “Sigurado ka bang wala kang balak tumakas?”

“Bakit naman ako tatakas? Sa tingin mo makakatakas ako dito? You locked all the door so saan ako pupunta?” Napangiti ito ng nakakaloko. “Akala mo siguro hindi ko alam.”

“Well done.” Pumalakpak pa ito dahilan para mapairap ako.

Umiling nalang ako at umikot siya sa akin dahilan para makaramdam ako ng kaba.

“You're lying.” Halos mabingi ako dahil sa sinabi niya. Ayaw ko ng may marinig pa.

Nagulat nalang ako ng hinila niya ako and one wrong move magdadampi na ang labi naming dalawa.

“I am telling the truth,” seryoso kong sabi sa kanya.

“Really?” Nagulat ako ng agad niya ako tinulak sa kama.

“What the heck?! Ace!” Pisteng bata 'to! Sino ang nagturo sa kanya nito?!

Napa cross arm ito dahilan para manahimik ako. Pilit kong iniiwasan ang mata niyang kanina pa nakatitig sa kaluluwa ko.

“Akala mo ba bobo ako?” Luh, ikaw lang may sabi niyan. 

“Hindi ko 'yan sinabi.” Sa sobrang inis ko ay hinawakan ko ang braso niya. “And do you really think that I will fall for you kapag kinulong mo ako?”

Napangiti ito sa tanong ko na tila ba nagbibiro ako.

“I know, wala kang pag asa na ma fall sa akin. Pero kukunin ko ang gusto kong kunin.”

“Hindi sa lahat ng bagay ay nakukuha mo, Ace. Tell me, anong ginawa mo kay Idan?” He smirked dahilan para mapakunot ang noo ko.

“Ano bang pake mo kay Idan? Kahit pa mapano na siya, wala ka na doon, Verity.” Natahimik nalang ako. Aalis na sana ako pero hinawakan niya ang panga ko at pinaharap sa kanya.

Kahit walang emosyon ang kanyang dalawang mata na nakatingin sa akin. I know galit siya. Hindi siya galit sa akin, kundi sa lalaking nasa isip ko.

“Are you...” Nagdadalawang isip siya kung itutuloy ba niya ang tanong niya. “You act like you don't care but deep inside you love them.” Namilog ang aking mata. Ako? Mahal sila? Nagbibiro ba siya? Ngumiti siya at kahit pa may guhit na ngiti ang kanyang labi ay kitang-kita ko ang lungkot sa kanyang dalawang mata. “You're really a kind person, Verity.”

“I-i'm not!” I heard him chuckled at ginulo ang buhok ko. 

“If you're hungry. Tawagin mo lang ako.” Aalis na sana siya pero agad ako nagsalita.

“Do you know about the secret of Castro palace?” Natigilan ito pero hindi pa rin siya nakatingin sa akin. Right, paano malalaman ng isang bata ang sekreto ng pamilya ng Castro? Eh ilang years na siyang nandito sa bahay at inaalagaan ni Ash.

I still can't believe na kaya nilang talikuran ang isa't-isa para lang sa babae. Napabuntong hininga nalang ako at humiga na sa kama.

“Of course, hindi mo alam.”

“Why do you ask about that?”

“Wala lang. Nung pumasok ako sa palasyo. May nalaman akong hindi ko dapat malaman and then... I found myself na nacurios kung anong tinatago nilang sekreto.” Nakita kong napakuyom ito ng kamao dahilan para mapakunot ang noo ko. 

“Wala ka na do'n.” Tinaasan ko siya ng isang kilay. Something smells fishy here, parang may tinatago siya sa'kin. “Wala akong alam sa sekreto ng nasa labas. You know masakitin akong tao. My brother locked me in this tiny house and I don't know anything about this world.”

“Bakit alam mo kung saan ang palasyo ni Idan?”

Twist Of FateWhere stories live. Discover now