Chapter 36

340 14 0
                                    

“Seriously, Idan? Do you really think tatakas ako?” Nginitian niya lamang ako bago tumingin ulit sa bintana.

Kanina niya pa ako binabantayan. As if naman tatakas talaga ako. I rolled my eyes at umiling. Hindi kaya nakatadhana na talaga sa akin maging female lead simula nung dumating ako dito sa mundong 'to?

“Gabi na.” Napa cross arm ako at sumandal sa pader. Lumingon siya sa akin kahit pa inosente ang kanyang pagtingin alam kong may tinatago siya sa akin. “Magpahinga ka na.”

“Hindi uso sa akin matulog.” Napangiwi ako sa kanyang sinabi. Bakit ganun hindi pa rin siya nagkaka eyebags?

“Seryoso ka?! Paano?!” hindi makapaniwalang tanong ko.

He chuckled na para bang nasasayahan siya sa nakita niya. Hindi ako makapaniwala na nasanayan niyang hindi matulog. Paanong buhay pa siya ngayon?

“Sinanay ko sarili ko.” Ngayon ko lang napansin. Wala akong masyadong alam sa buhay niya noong bata pa siya dahil naka focus lang naman ang story sa female lead.

At maliit lang na impormasyon ang nalaman ko. Bumuntong hininga ako at lumapit sa kanya.

“Matulog ka na.” Tinaasan niya ako ng isang kilay. “Hindi ako tatakas.”

“Mahal kita, Verity.” Hinawakan niya ang pisnge ko at malanding tinignan ako. “Pero hindi ako ganoon ka tanga para maniwala sa'yo.”

Hindi naman ako nagsisinungaling eh. Kung pwede lang talagang tumakas ay ginawa ko na talaga but in order for me to go back home kailangan kong manatili dito at maghintay sa katotohanan na lalabas na, pero masyadong matagal.

Napakamot ako ng batok ko dahil sa inis na nararamdaman ko. Napansin niya naman ito.

“Ang daming opportunity para tumakas ako pero hindi ko ginawa!” Hinila ko siya pero mas nagulat ako ng nagpahila siya sa akin pero patuloy pa rin ako.

Inis ko siyang tinulak sa kama and I can see the shape of his hot body. Napailing nalang ako. My ghad! Nababaliw na siguro ako! Umaandar na naman 'yong pagkalandi ko.

“Sleep.”

Hindi siya nagsalita pero hindi niya inalis ang tingin niya sa akin dahilan para mailang ako. Inikot ko ang mata ko at umiling. Aalis na sana ako pero hinawakan niya ang wrist ko dahilan para mapahinto ako.

Namilog ang aking mata ng hinila niya ako at namalayan ko nalang na nakahiga na ang ulo ko sa braso niya habang nakatingin siya sa akin. Hindi ako masyadong makatingin sa mata niya na ngayon ay inaakit ako. Ang gwapo niya pero ekis siya! Ayaw kong mamatay ng maaga.

“Hey!” Aalis na sana ako pero nagulat ako ng agad niya ako niyakap. “Idan! What do you think you're doing?!”

“Please... Hayaan mo muna ako,” seryoso niyang sabi.

Mas lalong humigpit ang pagkakayakap niya sa akin. Hindi ako makapagsalita dahil sa gulat. Ang bango niya. Wait! Nadi-distract ako!

“What's the matter, Verity?” mapaglaro niyang tanong. Napakunot ang noo ko walang ideya kung anong ibig niya sabihin. “Why are you blushing?”

“Me?!” Aalis na sana ako pero hindi niya pa rin ako binitawan dahilan upang mapairap ako. “Hindi kaya!”

“You're bad at lying.” Pinisil niya ang matangos kong ilong kaya sinamaan ko siya ng tingin dahilan naman ng ikatawa niya. 

“Gusto mo bang mamatay?” seryoso kong tanong.

Nagpanggap siyang nagulat siya kaya sinapak ko siya ng unan. Tumawa ito dahilan para mas lalo akong mainis. Kung may lakas lang talaga akong pumatay ng tao kanina pa kita pinatay. 

“Kaya mo ba akong patayin?” Napangiwi ako. Well, hindi ko naman talaga kayang pumatay ng tao. Tama naman siya pero masakit sa heart.

“Tsk!”

“Wag masyadong mainit ang ulo, Verity.” Bumaba ang kanyang tingin sa katawan ko kaya tinaasan ko siya ng kilay. 

“Hoy! Wag kang ano!” Sinapak ko ang braso niya. He chuckled. Naramdaman ko ang kanyang labi na nakadampi sa noo ko.

“I love you.”

Hindi ko na siya narinig pang nagsalita kaya dahan-dahan akong napatingin sa kanya at nakitang nakapikit na ang kanyang mata. Tulog na ba siya?

•••

Dahan-dahan niyang minulat ang mata niya at napahinto ito ng magtama ang mata naming dalawa. Kahit hindi niya pinapakita alam kong nagulat siya ng kunti.

“Hindi ka tumakas?”

Paano ako tatakas kung kahit tulog ka ay ang higpit pa rin ng pagkakayakap mo sa akin?!

“Sinabi ko na sa'yo na dito lang ako.”

Tumayo na siya at inayos niya ang magulo niyang buhok. Bakit ganun? Kahit anong gawin niya ang gwapo niya pa rin?

“What do you want for breakfast?” Nag isip ako. Ano nga ba masarap ulamin? “Anything you want? Pwede din ako.” Sinamaan ko siya ng tingin. “Masarap ako.”

“Wag nalang.” Tumayo na ako at narinig ko na naman ang pagtawa niya. Napapadalas yata ang pagtawa niya. “Nasaan na pala ang mga kasama mo dito?”

Nawala ang ngiti niya dahil sa aking tanong. Hindi naman harsh ang tanong ko ah.

“Pinaalis ko sila.” Binuksan ko ang pinto ng doorknob bago lumingon sa kanya.

“And why is that?”

“Ayaw ko ng istorbo.” Napatango nalang ako. Ayaw ko din ikulong no. Baka kapag nainis siya sa akin itali na niya naman ako?

Binuksan ko na ang pinto at kahit hindi ako nakatingin sa likod ko ay ramdam kong nakasunod siya sa akin.  Nang makapunta na kami sa kitchen ay napatingin ako sa kanya.

“Marunong ka ba magluto?” He chuckled dahilan upang mapapout ako.

Umupo ako sa harap niya at pinagmasdan siyang nagluluto. Kung hindi lang siya halimaw perfect siya maging asawa ng female lead—ayy ako na pala female lead dito.

“Nahulog ka na ba?” Napairap ako dahil sa tanong niya.

I know what he means. Nagkagusto na ba ako sa kanya? I smirked at mapaglarong pinagmasdan siya.

“Not so fast, Idan.”

He chuckled at nakatuon pa rin ang atensyon niya sa pagluluto.

“Paano mo 'yan natutunan?” Napatigil ito pero mga ilang segundo pa ay nagsimula na siyang kumilos.

“Wala ka na doon.” Napangiwi ako. At umiling nalang. Nilibot ko ang paningin ko sa paligid. “Wag na wag kang mag iisip na tatakas ka.” Lumingon ako sa kanya at nagtama ang mata naming dalawa. “Kasi hindi ka makakatakas kahit ano pa ang gawin mo, Verity.”

Hindi naman ako tatakas eh.

Twist Of FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon