Chapter 32

377 30 0
                                    

“Oh give me a break!” Napamewang ako. Kahit naman magpumilit ako. Hindi niya pa rin sasabihin sa akin ang totoo.

Nilagpasan ko na siya at napairap nalang ako ng hinawakan niya ang wrist ko. Ano na naman?! Hahalikan na naman niya ba ako?!

“Are you going to ignore me like that?” Tinaasan ko siya ng isang kilay.

“No, I don't like you.” Napabuntong hininga ako. “Wala akong oras para diyan. Kailangan ko ng makauwi kung saan talaga ako karapat dapat.” Aalis na sana ako pero nakaramdam ako ng inis ng hindi niya ako binitawan. “Let me go... I said Let me go! Ano ba?!”

“Wala lang ba sa'yo ang lahat?! Paano naman kaming nagmamahal sa'yo, Verity?! Wala ba kaming silbi sa'yo?! Why can't you just choose us and stay with us?!” Nagulat ako ng hinila niya ako at niyakap ng sobrang higpit.

Nahihirapan na akong makahinga. Ramdam ko ang bilis ng pintig ng puso niya. Kung makayakap siya parang takot na akong bitiwan dahil pag binitawan niya ako baka sa isang iglap mawawala ako sa paningin niya. Alam kong maganda ako pero hindi naman sa ganito! Ayaw kong maabutan dito ng season 2! Lagot talaga ako pag nagkataon!

“H-hindi ako makahinga, T-travis!” Kumalas na siya sa pagkakayakap.

“Please... Don't leave us.” Kahit pa lumuhod ka sa harapan ko, hindi pa rin magbabago ang desisyon ko.

Alam ko kung anong kaya niyong gawin sa akin. Hinding-hindi niyo ako madadala sa paawa effect niyo.

“May pamilya pa na naghihintay sa akin sa totoong mundo ko.”

“Hindi na talaga magbabago ang desisyon mo.” Halata sa ekspresyon sa kanyang mukha na nawalan na ito ng pag asa. “I can't let you go.”

I don't really want to waste my time on a boy like you, darling. I rolled my eyes at tumakbo na. 

Gosh! Kailan ba 'to matatapos sa kakatakbo.

“You really think you can escape me, Verity.” Napahinto ako sa pagtakbo at napalingon sa likod ko.

Namilog ang mata ko ng makitang nakatutok sa akin ang baril niya. Shit! Is he really going to kill me?! Akala ko ba madadala pa ito ng pakunting awa effect?!

“Why don't you just let me go?”

“As if naman madali lang 'yon.” Hinaplos niya ang buhok ko dahilan para manindig ang balahibo ko. “I never thought that I will fall for you harder, Verity. Hindi ko alam kung anong ginawa mo sa akin but I want you mine.”

“Hindi ba importante ang desisyon ko, Idan?” He smiled playfully ng dahil sa tanong ko.

Kung may sapat lang ako na lakas, kanina ko pa siya sinuntok. Napairap ako at napailing. Wala na ba talaga akong takas dito? Nasaan na ba kasi ang lalaking 'yon? Kung saan ko siya kailangan doon din siya mawawala. Gosh! 

“No.” Napangiwi ako dahil sa sinabi niya. I can hear his breath heavily. “You always choose the bad decision, Verity. And I only want what's the best for you.”

Liar! Do you really think maniniwala ako sa'yo? I chuckled dahilan para mapakunot ang noo niya. Hindi ako kagaya ng ibang babae mo, Idan. Hinding-hindi ako maniniwala sa isang katulad mo!

I smiled playfully dahilan para magulat siya. Hinawakan ko ang pisnge niya at napahinto ito. Nawala ang ngiti ko ng maramdaman na kumalma ito.

“Do you really think na maniniwala ako sa'yo, Idan?” Napatawa ako ng pinakamalakas dahilan para magulat siya. “Baka nakakalimutan mo? Hindi ako galing dito, Nag aaral ako.”

Napa smirk ito dahilan para mapairap ako. Dumistansya na ako at pumalakpak pa siya.

“That's why I like you, Verity. You're different from other girls.” Red flag na male lead nga naman. 

“We're different. Hindi mo lang talaga na appreciate ang effort ng iba.”

“And why would I? Kasalanan ko bang hindi nila nakuha ang atensyon ko?” Napailing na lamang ako.

Napahinto ako ng maalala ko si Lucien. Alam kong may alam siya dito. He might be the answer that I was looking for.

“Nasaan si Lucien?” Biglang nagbago ang ekspresyon sa kanyang mukha, halatang hindi niya nagustuhan ang tanong ko. “I don't like him!” Nagulat siya dahil sa sinabi ko. “May gusto akong malaman—”

“Bakit hindi ka sa akin magtanong?” Tinaasan niya ako ng isang kilay dahilan para mapairap ako.

“As if naman sasagot ka sa mga tanong ko.” Napatawa ito dahil sa sinabi ko. 

“Of course, hindi talaga ako sasagot. Alam mo naman na ayaw kong mawala ka sa paningin ko diba?” Walang gana ko lang siyang tinignan. “At sa tingin mo ba sasagot sa'yo si Lucien?”

“Pipilitin ko.” He chuckled na para bang nagbibiro ako.

“Okay.” Nagulat ako ng hinila niya ako.

Ngumiti ito ng nakakaloko ng huminto kami sa isang pinto na sa tingin ko ay kwarto.

“Oh no, Idan. Don't tell me—” He just smiled warmly.

This two faced! Bitch!

Nagulat nalang ako ng hinila niya at muntik pa akong matumba ng tinulak niya ako. Namilog ang aking mata ng magtama ang mata namin ni Lucien.

Walang suot na damit pang itaas at puro pasa ang kanyang katawan. Mabigat ang kanyang paghinga at halos mawalan na ito ng malay.

“Oh gosh. Idan what did you do to your own brother?”

Ngumiti lang ito ng nakakaloko. This damn psychopath!

“It was not that harsh.” Inosente niya lang akong tinignan at napatampal nalang ako ng noo.

Para akong nag aalalaga ng pasaway na bata. Umiling nalang ako at sinamaan siya ng tingin.

“Pakawalan mo siya.”

“Ayaw ko.”

Lumapit ako kay Lucien at kahit nawawalan na itong lakas ay pilit pa rin niyang tinatanggal ang tali sa kanya.

“V-verity...” Papatayin talaga ni Idan ang kapatid niya. Wala siyang awa. “D-dapat tumakbo ka na habang may pag asa ka pa.”

“Alam mong hindi ako aalis dito hanggang sa hindi ko malalaman ang totoo.”

“Wala ka ng pag asa pang makaalis.” Napakunot ang noo ko dahil sa sinabi niya.

“Kung makapagsalita ka parang sigurado ka ah—”

“Sigurado ako.” Natigilan ako sa sinabi niya parang hindi ko gusto marinig ang katotohanan. “You're here because you're destined to be here. They write your name.”

“What do you mean?”

“Hindi ka palang nakakarating dito. They decide to bring you here.”

Twist Of FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon