Chapter 13

582 27 0
                                    

Huminto ako sa paglalakad at walang ganang tumingin sa kanya. Napa cross arm ako at tinaasan siya ng isang kilay.

“Sabihin mo nalang kasi na may crush ka sa akin,” mataray kong sabi.

“Pardon? What are you talking about?” I rolled my eyes.

Nakakainis talaga ang mga lalaking 'to! Pasalamat kayo! Gwapo kayo!

“Wag ka mag maang maangan, sir Travis De Leon! Alam kong sinusundan mo ako!” inis kong sigaw sa kanya.

“Chill, lady. Nag alala lang ako sa'yo,” natatawa niyang sabi.

Natigilan ako at mga ilang segundo pa ay tumawa ako ng pinakamalakas at sinapak ang braso niya dahilan para magulat siya.

“Nakakatawa ka! Sir De Leon!” Sumeryoso ang aking mukha na tumingin sa kanyang mata. “Make sure na kapag magsinungaling ka, iyung hindi naman halata. Galingan mo pagsinungaling sa susunod.”

“You're really funny, Violet.”

“So do you.”

He heavily sighed. Kung lalaki lang talaga ako kanina ko pa 'to sinuntok.

“Interesado ako sa'yo.” Namilog ang aking mata sa sinabi niya.

“Sorry, sir Travis! Pero may iba na akong nagustuhan! At wala ka ng pag asa!” Jusko! Ilang kasinungalingan na ba ang nasabi ko?!

“Pfft! May nagmamay ari na sa puso ko. At hinding-hindi ako magkakagusto sa katulad mo.” Pinisil niya naman ang pisnge ko dahilan para samaan ko siya ng tingin.

“So do you mean hindi ako attractive?” I flipped my hair. “Mas maganda pa ako kaysa kay Maren.”

“Hubarin mo muna 'yong mask mo para malaman ko.” Natigilan ako sa kanyang sinabi.

“Iyan ay hindi mangyayari, Travis. At isa pa I'm just telling the truth. Mas maganda pa talaga ako sa babaeng 'yon.”

“Sa pagkakaalam ko, miss. Mas maganda pa ang taga ibang mundo kaysa sa babae na nandito sa mundo natin.”

Paano ba 'yan galing ako sa planetang earth?

“Okay lang, madami namang iba diyan.” Napakunot ang noo niya sa sinabi ko at nag wink lang ako.

Kung hindi ka nagagandahan sa akin, may nagagandahan naman sa akin na iba. I still remember kung paano ako pinagkakaguluhan ng mga lalaki sa mundo ko.

'yung Maren na 'yan. She tells lie everytime. I don't know kung anong balak niya pero wala na akong pake-wait! This might be the answer that I was looking for?!

Bakit ngayon ko lang 'to naisip agad? Napa face palm ako dahil sa kabobohan ko. Napatingin ako sa lalaking nasa likod ko na kanina pa ako sinusundan.

“Sige ka, iisipin talaga nila na may crush ka sa akin.” Natawa naman ito sa likod ko. “Alam kong inutusan ka ni prince Idan na sundan ako. Isa lang ang masasabi ko, Travis. Wala kang makukuha sa akin.”

“Talaga ba?” Pinagmasdan ko ang mata niya na para bang nasasayahan ito sa nangyari. “Sorry pero 'yon ang akala mo. I found something... Nakita kitang naging ibang tao nung nakaharap mo si Phoenix.”

Namilog ang aking mata sa kanyang sinabi. No! Wag ka magpahalata, Verity! Just act like wala kang alam!

Napakunot ang aking noo, “What are you talking about? Ibang tao? Wala akong magic, Travis. Wag mo nga ako pinagloloko.”

“Wag ka din mag maang maangan, Violet. Bakit mo pinaglalaruan ang feelings ni Phoenix?” taas kilay niyang tanong.

“Wala akong alam sa sinasabi mo, Travis!” Pagkatapos ko sabihin ang mga katagang 'yon ay umalis na ako.

•••

“Sige na! Ryu! Parang awa mo na! Turuan mo na ako paano mag shing-shing!” Natawa naman ito sa sinabi ko.

“Hindi pwede. Baka mapano ka pa, kapag tinuruan kita?” Hinawakan niya ang kamay ko. “Mawawala 'yong kagandahan ng kamay mo kapag nag aral ka gumamit ng sandata. At isa pa may isang knight ka, kaya ka niyang protektahan.”

You don't get it! Kailangan kong protektahan ang sarili ko! Lalo na't napapalibutan ako ng mga baliw na lalaki—isa ka na do'n!

“Wala ka bang tiwala sa knight mo?” Umupo ako sa upuan na kaharap niya.

“Hindi naman sa lahat ng bagay ay umaasa ako sa knight ko. Darating din ang araw na hindi na nila ako kayang protektahan.” Inis akong napa cross arm. “And I hate it kapag umaasa ako sa iba. Tao din sila, Ryu. Hindi dapat tayo umaasa parati sa kanila.”

“Chill. Sino ba nagturo sa'yo niyan?”

“Ang alin?”

“Kahit anong mangyari, Violet. Hinding-hindi ka nila iiwan.” Napatawa nalang ako sa sinabi niya.

Palibhasa wala kang alam sa mangyayari sa hinaharap.

“Paano kung alam ko ang mangyayari sa hinaharap?” Natigilan ito at napatingin sa akin. I giggled. “Naniwala ka naman.”

He heavily sighed at tumabi sa akin. Pinagmasdan ko ang langit. Kung alam ko lang ang kwento na ginawa ni ate ay magpapakahirap sa akin, sana hindi ko nalang binasa 'yon. Nawawalan na ako ng pag asa, hanggang ngayon hindi ko pa rin alam kung ano ang sagot sa tanong na gustong malaman ng lalaking 'yon.

“Be careful with your words, Violet.” Napatingin ako sa lalaking seryosong nakatingin sa harap. “Hindi mo alam kung anong nasa isip ng iba?”

“Huh? Hindi ko naman 'ata sila na offend?” He chuckled after he heard what I've said. Hinaplos niya ang buhok ko.

“Hindi 'yan ang ibig ko sabihin. I know nakakaakit ka, but I hope hindi mo maakit ang masamang tao, Violet.” Napatango nalang ako kahit naguguluhan ako.

Wala akong magets. Hindi ko alam kung anong pinagsasasabi niya.

“May nagugustuhan ka na ba, Ryu?” I asked.

Napaisip ito sa tanong ko, “Hindi ko siya gusto in a romantic way pero interesado ako sa kanya.”

“It's Maren, right?” Biglang gumuhit ang matamis na ngiti sa kanyang labi.

“Oo.” Asus, kinikilig ang bata. “Pero alam ko ang iniisip mo, Violet. Hindi ko siya mahal.”

“Ses, deny ka pa.” Natawa ito sa sinabi ko. At gumuhit ang nakakalokong ngiti sa kanyang labi.

“Alam ko kung anong gusto ng puso ko, Violet.”

Ang confident mo masyado, Ryu. Tignan nalang natin kung hindi ka talaga mababaliw sa babaeng 'yon. Napatawa ako dahil sa naisip ko. Napansin ko naman na wala siyang ganang nakatingin sa akin kaya tumigil na ako.

“Sige na hinahanap na 'ata ako. Goodbye, lover boy!” Pang aasar ko at nakita ko pang namilog ang kanyang mata kaya agad ko na siyang iniwan.

Twist Of FateWhere stories live. Discover now