Chapter 45

405 13 0
                                    

“Paano mo nalaman 'yon? Paano ka nagkaroon ng lakas para talunin si Idan?” seryoso kong tanong sa kanya.

“I didn't kill him. Wala akong alam sa sinasabi mo,” seryoso niyang sabi sa akin.

Tumayo ako at hindi ko na talaga mapigilan ang inis na nararamdaman ko.

“Wag mo akong gawin tanga, Ace! Anong alam mo sa totoong Prinsepe?!” Aalis na sana siya pero agad ko hinawakan ang wrist niya.

“I said wala akong alam. Bakit ayaw mong maniwala sa akin?” he coldly asked.

Gusto ko na talagang umiyak. Mukhang mamamatay ako sa totoong mundo ko.

“Please! Ace! Tell me!” Tumulo na 'yong luha ko dahilan para magulat siya. Gusto ko na talagang umuwi.

Letse kasi 'yong lalaki na 'yon! Walang awa hindi man lang ako tinulungan.

“Why are you crying?”  hindi makapaniwalang tanong niya.

Magsasalita na sana ako but I choose to stay silent. Nagulat ako niyakap niya ako.

“Shhh! Tahan na, ayaw kong nakikitang umiiyak ka.” Napakunot ang noo ko. “Bakit ba gusto mong malaman?” Kumalas na ako sa pagkakayakap at pinunasan niya ang luha ko gamit ang hintuturo niya. “Wala naman connect sa iyo ang mga Castro family, hindi ba?”

“S-si... Sinumpa ako.” Mas lalong tumulo ang luha ko dahilan para mapakunot ang noo niya. I need to try harder para maniwala siya sa kasinungalingan ko. “I know... I am destined to be here. Hindi pa ako nakakarating dito. I met a strange man. He only give me 1 year kapag hindi ko alam ang totoo ay mamamatay ako.”

“Totoo ba 'yan?” Hindi na ako nagsalita pa at patuloy lang sa pag iyak. Ramdam ko ang kanyang kamay na hinahaplos ang likod ko. “Right, you're destined to marry the prince.”

“No, I am not. Si Maren lang dapat ang makatuluyan ni Idan.” Napahinto siya sa sinabi ko.

“Idan? You know he's fake, right?” Napatango ako at bumuntong hininga siya. “Tahan na sa pag iyak. Hindi ka mamamatay. Pangako ko 'yan sa'yo.”

Pinunasan na niya ang luha ko at hinila ako papuntang kusina. Nagluto na siya ng pagkain.

I heavily sighed. Akala ko madali lang na masabi niya ang totoo. But I know he still don't trust me.

“Why... Hindi ka nalulungkot na ikaw lang mag isa?” Hindi ko alam kung bakit lumabas ito sa bibig ko. He took a glance at me at bumaling ulit sa pagkain na niluluto niya.

“Paano ka nakakasiguradong hindi ako nakakaramdam ng lungkot?” he asked.

“Hindi ka naman naghahanap sa kuya mo eh. Diba love mo siya?” Napatawa ito ng mahina dahil sa sinabi ko. Tumigil siya sa pagluluto at pinatay ang apoy. Humarap siya sa akin and he gave me a warm smile dahilan para mapakunot ang noo ko.

“Ang tanging alam ko lang. Ikaw lang ang mahal ko at wala ng iba, Verity.” Kinuha niya ang plato at nilagay sa lamesa may laman itong masasarap na pagkain.

May plano ba siyang patabain ako.

“Are you... Willing to kill me para hindi ako mapunta sa iba?” I asked.

“Yes,” wala sa sariling sabi niya.

Napakuyom ako ng kamao, “That's not love, that's obsession.”

“Obsession?” Hinaplos niya ang pisnge ko. Aalis na sana ako pero hinawakan niya ang balikat ko. “I just love you so much that I can't bare the pain you will cause me in the future. Don't you understand? What do you want me to do? Give up on you?”

“If you truly love that person, you will make them happy even if it hurts you,” malungkot kong saad sa kanya.

Wait a minute? Kailan pa ako natuto kung ano ang love?

“Oh no honey, I will never give up on you. As long as I'm alive. I will make you mine.” Magsasalita na sana ako pero napagdesisyunan ko nalang na hindi na ituloy. “What? Are you going to say na hindi ka mafa-fall sa akin?” Hindi lang ako nagsalita at napayuko nalang. He laughed. “I know that, silly. Alam kong hindi na magbabago ang nararamdaman mo sa akin.”

“Then why?” Hinaplos niya ang buhok ko nang magtama ang mata naming dalawa.

“Because I love you. Hindi ko kayang mabuhay ng wala ka.” Mas lalo niyang nilapit ang mukha niya sa'kin and he wears a playfull smile. “Kaya nga nagpakamatay si Ryu, hindi ba?”

“Ryu...”

“Yes. Nakalimutan mo na ba? It's all because of you.” Dumistansya siya sa akin at napa cross arm. “Hindi niya kaya ang sakit kaya nagpakamatay siya. He knows na wala siyang pag asa sa'yo. So he choose to end his life. Is it lovely?”

“Baliw ka!” inis kong sigaw sa kanya. Hindi ko na napigilan ang sarili ko at ipakita sa kanya ang totoong nararamdaman ko.

He smirked, “Ngayon mo lang ba nalaman?”

Napakuyom ako ng kamao at nawala ang ngiti sa kanyang labi. Nagulat na lamang ako ng kinuha niya ang wrist ko at hinila ito.

Tinulak niya na naman ako papunta sa loob ng kwarto. Isasara na niya sana ang pinto pero agad ko siya pinigilan.

“Are you going to lock me here?” Hindi lang siya nagsalita at malamig ang kanyang tingin sa'kin. “I-it's dark in here! Ayaw kong ikulong mo ako dito!”

“Gusto mo ba samahan kita?” Natigilan ako sa tanong niya. Nakatingin pa rin ito sa akin, naghihintay sa sagot ko.

'Yes.'

Ayan na naman ang lalaki na 'yon. Feeling ko talaga hindi niya ako tinutulungan sa halip ay nilalagay niya lang ako sa kapahamakan.

“Yes, I want you to stay.” Napangiti ito at pumasok sa kwarto.

Hindi na bata ang nakikita ko sa kanya. Pakiramdam ko same age lang kaming dalawa. Umupo ako sa upuan at umupo siya sa kama. Tinaasan niya ako ng isang kilay. Ibang Ace na talaga ang kaharap ko ngayon. I can't believe this!

“Sit here.” Tinapik niya ang lap niya dahilan para mapangiwi ako.

Wala ka bang balak tulungan ako?! Hindi na talaga nakikinig sa akin ang lalaki na 'yon! Kung kailan ko siya mas kailangan, hindi naman siya nagpapakita!

Umupo ako sa lap niya at nagulat nalang ako ng niyakap niya ako.

“How long are you going to pretend na hindi mo alam ang pakay ko?”

Twist Of FateUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum