Chapter 31

394 25 0
                                    

Agad ko hinila si Phoenix at pinapunta sa likod ko. Pumalakpak si Idan na para bang nasasayahan sa nakikita niya. But I know he's not happy.

“Wala ka ng silbi pa dito, Phoenix. If I were you aalis na ako sa palasyo na ito.” Nawala ang kanyang ngiti dahilan para mas lalo akong makaramdam ng takot. “At wag ka na babalik pa.”

Naramdaman kong hinawakan ni Phoenix ang kamay ko. Ang lamig ng kamay niya natatakot ba siya kay Idan? Well, sino ba naman hindi matatakot sa lalaking 'to?

Mas halimaw pa siya kaysa sa ibang lalaki. Napabuntong hininga ako. Gusto ko lang naman malaman ang totoo. Bakit ba pinapahirapan pa ako?

“Leave her alone.” Tumawa si Idan dahil sa sinabi ni Phoenix.

“Hindi ko alam na trabaho mo na palang protektahan si Verity.” Mas lalong humigpit ang pagkakahawak ni Phoenix sa kamay ko. Napakuyom naman ng kamao si Idan ng makita ang kamay naming dalawa. “Kung gusto mo pa mabuhay, Umalis ka na.”

Napakagat ako ng labi dahil sa sinabi niya. Mapapahamak talaga si Phoenix kapag tumagal pa siya dito. I can't protect him on my own.

“Mas mabuti pang umalis ka nalang, Phoenix,” seryoso kong saad.

Kita sa ekspresyon sa kanyang mukha ang pagkagulat. Hindi niya inaasahan ang sasabihin ko.

“I know you don't like me pero hindi ka ba nag alala sa buhay mo? May chansang hindi ka na makakalabas dito ng buhay?” May point si Phoenix, pero I know hindi ako madaling saktan ni Idan.

Ngayon na naging female lead ako, Mas delikado na ang buhay ko ngayon.

“No, nakakasigurado akong makakaligtas pa ako nito.” Kinuha niya ang espada niya dahilan para manlaki ang mata ko.

“Kailangan mo ng hanapin ang dapat mong hanapin. Ako na ang bahala sa kanya.” What the—seryoso siya?!

“Gusto mong iwan kita dito?!” hindi makapaniwalang tanong ko.

“You want to go home, right?! Umalis ka na!” Alam niyang hindi niya ako gustong umuwi.

Pero mas pipiliin niya pang umuwi ako kaysa sa makuha ako ni Idan. You're willing to risk your life just to save me?

“Why are you doing this?!” Natigilan siya dahil sa tanong ko. Ewan ko ba pero tumulo bigla ang luha ko. Siya lang ang lalaking nagpatulo ng luha ko. “This is not your job, Phoenix!”

“I love you, Verity! That's why!” Natahimik kaming tatlo.

Pati si Idan ay nagulat dahil sa sinabi ni Phoenix. Magsasalita na sana ako pero mas naisip kong importante ang mission ko.

“Hindi talaga kita mapapatawad, Phoenix. Kapag namatay ka.” Hindi ko na siya hinayaan pang magsalita at tumakbo na ako.

•••

“Maren! Nasaan ka?! Magpakita ka sa akin?!” Kanina pa ako sigaw ng sigaw dito pero hindi talaga siya nagpapakita.

“I know where she is.” Napahinto ako sa paglakad at napatingin sa itaas.

“Travis?” He just looked at me coldly.

Hindi na ako nagsalita pa at lumapit na sa kanya. Nagsimula na siyang maglakad at ng makapasok na kami sa abandonadong kwarto ay namilog ang aking mata ng makita ang dugo sa sahig.

“What happened here?!” Hindi lang siya nagsalita.

Nagulat nalang ako ng kinuha niya ang wrist ko at tinulak papalapit sa bangkay ni Maren. Napatakip ako ng bibig. Sirang-sira na ang mukha niya halos hindi ko na makita 'yong mata dahil sa pagbugbug, bulok na rin 'yong ibang parte ng katawan niya.

“It's your fault kaya nagkagulo na ang lahat.” Tumalungko ito upang mapantayan ako. Walang emosyon ang kanyang mata na nakatingin sa akin. Kung nakakatunaw lang ang tingin. Kanina pa ako natunaw. “Ngayon lang nangyari 'to.” Napatawa ito na parang hindi siya makapaniwala sa nangyari. “You're really funny, Verity.” 

“Hindi ka ba nalulungkot?! Mahal mo si Maren, hindi ba?! Bakit wala kang ginawa?!” Nakangiti lang ito na para bang nasasayahan sa nangyayari. Travis! You psychopath! “Seryoso ka talaga?! Wala kang ginawa?!”

“Akala ko nga malulungkot ako sa pagkawala ni Maren. Pero laking gulat ko wala akong naramdaman kahit ni isa.” Umiwas ako ng tingin. Naramdaman ko ang kanyang kamay na nakahawak sa buhok ko at dahan-dahan itong hinaplos. “What if ikaw ang mamatay? Malulungkot kaya ako?”

Sinamaan ko siya ng tingin. As if naman papayag akong mamatay ako. Hindi ko pa nga nahahanap ang sagot sa tanong na hindi ko naman alam kung anong katunungan ba 'yon.

“Kung makaasta ka para akong bagay na gusto mong ekspirementuhan.” Tumayo na ako at napairap. Umiling ako at bumuntong hininga.

I crossed my arms habang nag iisip kung anong paraan upang malaman ko ang totoo. Napatingin ako ulit kay Travis na ngayon ay hindi pa rin niya inaalis ang tingin niya sa akin. Ngayon na wala na si Maren, mahihirapan ako nito.

“Kilala mo na ba ang nakita nating bangkay nuon?” Natigilan siya dahil sa sinabi ko. Napakunot ang noo ko. “Who is she?”

Umiwas ito ng tingin dahilan para mapakunot ang noo ko.

“Bakit hindi mo kayang sabihin sa akin, Travis?! Sumagot ka!” Gosh! Wag niyo naman akong pahirapan ng ganito. Kailangan ko ng makauwi. “Travis!”

“Shut up!” Hinawakan niya ang braso ko dahilan para magulat ako. “Wala ka ng dapat pang malaman. If I were you, manahimik ka nalang at wala ka ng ibang gagawin pa.”

“Hahayaan ko nalang ba na kunin ako ng lalaking 'yon?! Palibhasa kasi hindi mo alam ang pakiramdam kung paano mawalay sa taong mahal mo—” Nagulat ako ng hinawakan niya ang dalawang wrist ko at hinalikan ako sa labi.

Hindi ako makagalaw dahil sa gulat. Nang dumistansya na siya sa akin ay agad ko siya sinampal ng pinakamalakas. I should not let my guard down back then. Geez!

Abnormal talaga 'tong mga lalaki na 'to! Wala akong ginawa sa kanila para mahulog sila sa akin and yet nahulog nga! Trip lang ba nila?!

“I don't understand?! Why me?! Bakit hindi siya?! You're destined to protect Maren! Dapat siya lang iniisip mo at hindi ako! But why?!”

“Damn that destiny! Wala na akong pake diyan! Pagod na ako maging sunod sunuran sa naka tadhana sa akin! All I want is you, Verity! Ikaw lang ang gusto ko!”

Twist Of FateWhere stories live. Discover now