Chapter 5

790 29 5
                                    

Napalunok ako ng laway. Paano ba kasi magtago na hindi mabilis mahanap?

"Want some help?"

"Nandito ka na naman? Lubayan mo nga ako?!" inis kong bulong sa kanya. Napabuga nalang ako ng hangin kasi wala ng choice. "Fine, I need your help."

Sa isang iglap bigla akong nakasuot ng high waist jeans at croptop na black.

"What are you doing? Malalaman niya ang identity ko?" gulat kong tanong sa kanya. Kinuha niya ang face mask sa mukha ko.

"Don't worry, siya lang naman ang nandito." Hinaplos niya ang buhok ko dahilan para sampalin ko ang kamay niya.

Napatawa naman siya. Paglabas ko ay nagulat nalang siya ng makita ako. Kunot noo siyang bumaba ng tingin at napatayo.

"Who are you?" Kunot noo kong tinignan ang sarili ko.

Yellow eyes and yellow hair. Napatampal nalang ako ng noo. Binago ba naman pati 'yong kulay ng buhok at mata ko.

"Hi." Lumapit ako sa kanya. "I'm Yinah, nawawala ako ngayon. But don't worry, hindi ako magtatagal dito."

"Hindi ka taga dito, right?" Dahan-dahan akong napatango.

Tama ba 'tong ginagawa ko?

"Imposible. Isa lang ang taong ibibigay sa amin ni bathala. Bakit nandito ka?" Kunot noo ko siyang tinignan.

"Si Maren ba ang tinutukoy mo?" I asked.

Dahan-dahan ito napatango, "Paano mo nalaman ang pangalan niya?"

"Umm... Classmate ko siya," pagsisinungaling ko. "Don't worry, wag mo nalang ipagsabi na nakita mo ako."

"Hindi pwede-" I just smiled at him at natigilan ito.

Umupo ako sa damuhan at ganun din siya. Napatingin kami sa lawa at naramdaman ko ang masariwang simoy ng hangin.

"Phoenix." Natigilan ito sa sinabi ko. Binigyan ko lang siya ng matamis na ngiti. "Kay gandang pangalan."

Ang cute niya naman. Sayang at delikado siya. Hayst! Kung ganyan lang talaga ang boyfriend ko edi sana tatahimik na ako.

"That name... Is a curse."

"Huh? What do you mean?" Napakuyom ito ng kamao.

"My mother gave it to me... Pinaniwala niya akong hindi niya ako iiwan pero sa huli ay iniwan niya ako." Hinawakan ko ang kamay niya.

"Your mother didn't abandon you," ani ko.

"Paano ka nakakasigurado?" Kasi nabasa ko na 'yong kwento mo.

I smiled, "Walang ina ang kayang umabandona sa kanyang anak. Trust me, your mother loves you."

"Where is she now?" Sadly to say she died.

"Malalaman mo din 'yan soon." Napalingon ito sa akin. "Nararamdaman ko. Malapit na, Phoenix. Kaya wag ka mawalan ng pag asa. Maraming tao ang magmamahal sa'yo."

"Wala kang alam." Parang mawawalan na ito ng pag asa.

Hinila ko siya at niyakap, "I can be your friend if you want me too. If hindi mo pa narerealize na may mga taong nagmamahal sa'yo. Hindi ako aalis dito and I will stay by your side."

"Anong pake mo? Wala kang pakealam sa akin." Kumalas ako sa pagkakayakap at hindi nawala 'yong matamis kong ngiti.

"May pake ako sa'yo. Trust me, darating ang araw na sasaya ka din." Napangiti na ito at ganun din ako.

•••

"Saan ka titira ngayon? Pwede ka sa bahay namin." Tumingin ako sa kanya at namula ang kanyang pisnge. Umiwas ito ng tingin dahilan para mapatawa ako. "Hindi naman sa ano..."

"Hindi ko alam kung saan ako titira pero don't worry, I can take care of myself," ani ko.

Biglang humangin ng malakas at sumabay ang buhok ko sa hangin. Nakatingin pa rin ito sa akin pero hindi ko lang pinansin.

"Yinah."

"Yes."

"Your hair is pretty." I smirked at hinaplos ang buhok ko.

"Really?" Hindi naman kasi ito ang totoong kulay ng buhok ko.

Bwesit kasi 'yong lalaki na 'yon.

"Same to you. Ang ganda ng buhok mo," mahinahon kong sabi.

•••

"Bakit tayo nandito?" he asked.

"Magaling magdrawing 'yan si manong." Hinila ko siya at pinalapit sa akin. "Kung sakaling magkalayo tayo. Baka maalala mo ako pag nakita mo ang drawing?"

Nag posing na kami at pagkatapos magdrawing ni manong ay binayaran ko. Sinabi ko sa kanya na binigay lang ito ng isa sa studyante sa school at naniwala naman siya.

We have fun together. I know komportable siya sa akin pero I'm still finding the answer that the guy want me to find. Ano ba kasi ang nakatago sa likod ng kwento na 'to?

"Hindi mo ba namimiss ang mga kaibigan mo or pamilya mo?" Napahinto ako sa tanong niya.

"Of course... Namimiss ko sila." Napabuntong hininga ako. "Pero I guess, walang taong mag is-istay sa buhay mo. One day mapapalitan din sila ng bago and dapat masanay ka na niyan."

I hate it when I'm still a minor but they forced me to be mature para lang matanggap ako.

"Why can't they just stay with you forever?" he asked.

"Because that's life. One day, kailangan ka din nila iwan or kailangan mo silang iwan para sa kapakanan mo," mahinahon kong sabi. Hinawakan ko ang kamay niya. "Tanging ikaw lang ang nakakakilala sa sarili mo, Phoenix."

"I hate it."

I giggled at pinisil ang kamay niya.

"Nandyan naman si Maren." Napatingin siya sa akin. "I'm sure, magiging masaya kayo ng babae na 'yon."

"Bakit kung makaasta ka parang alam mo ang lahat?" Tumayo ako. Naramdaman ko ng paparating na sila dito.

"Sabihin nalang natin guardian angel mo ako," natatawa kong sabi sa kanya.

"Phoenix!" Alam kong si Maren na 'yon.

"I guess, I have to go, Phoenix." Nagbow ako kunti at nagulat ako ng hinawakan niya ang wrist ko upang pigilan ako.

"Magkikita pa ba tayo muli?" he asked.

I just smiled at dahan-dahan binawi ang wrist ko.

"Of course, I'm sure magkikita tayo ulit."

Tsk! Ang sungit-sungit pa kanina?! Ngayon lumambot na. Agad na ako tumakbo bago pa ako nila makita. Nagtago ako sa malaking puno upang hindi ako makita ng kung sino man.

I heavily sighed. Lagot talaga ako kasi hindi ako pumasok ng school.

"Ang sama mo." I rolled my eyes.

"Sino ba may kasalanan nito?!" Binalik na niya ako sa dati kong anyo.

I wear a highschool uniform and a mask. Bumalik na din 'yong natural na kulay ng buhok ko.

"Pa fall ka masyado." I flip my hair dahilan para mapangiwi siya.

"Sino ba hindi mafafall sa kagandahan ko?" Agad ko siya sinapak. "Gaga! Imposible mangyari 'yan! Alam mo naman ang kwento diba?!"

"Hindi mo sure."

Twist Of FateWhere stories live. Discover now