Chapter 7

640 26 2
                                    

“Ouch!” Nang mapagtanto niyang nasasaktan ako ay agad niya ako binitawan. Inis naman akong napatingin sa kanya. “I'm just trying to help, Ash! Nag alala lang ako sa kapatid mo!”

Hindi lang ito nagsalita at napabuga nalang ako ng hangin.

“Wag mo akong idamay sa galit mo kay Amaris, Ash. Ibahin mo ako. Hindi ako nanggaling dito. I'm from another world. Alam mo 'yan!” Aalis na sana ako pero napahinto ako. “Nandyan 'yong gamot sa tabi ng higaan niya. Make sure na pag gising niya kumain muna siya bago uminom ng gamot.”

Hindi ko na siya hinayaan magsalita pa at umalis nalang. Nang makalabas na ako ng bahay nila ay nagulat nalang ako ng hinawakan niya ang kamay ko.

“What?”

“I'm sorry.” Huminga ako ng malalim para pakalmahin ang sarili ko.

“It's okay.” Kasalanan talaga ito ng lalaking 'yon. “Puntahan mo na kapatid mo.”

“Let me-”

“No, it's okay. I can take care of myself,” ani ko.

I looked at him emotionless dahilan para magulat siya bago umalis. Tsk! Hindi ko na siya bet!

•••

Dahan-dahan kong minulat ang mata ko.

“Hi.” Napatingin ako sa babaeng nasa harap ko. “Are you new here?”

“Hindi ba halata?” Nawala ang kanyang ngiti ng tanungin ko siya.

Grabe naman ang female lead na 'to. Ramdam ko na agad ang matalim na tingin nakamasid sa akin. I gave her a warm smile.

“Yes, I'm a new student here.” Napatango siya.

“Pwede kitang i tour sa school if you want me to?” Napaisip muna ako.

Kung rereject ako ngayon? Siguradong maghihiganti 'yong lalaking kanina pa nagmamasid sa akin. Ano ba kasi 'yan?! Bawal ba mahurt ang feelings ni Maren kahit isa lang?

“Of course.” Biglang lumiwanag ang mukha niya at ngumiti.

“Okay! Mamaya!” excited niyang sabi.

Nang matapos na ang klase ay lumabas na kami pero agad siya sinalubong ng isang studyante.

“Maren! It's an emergency!” Alalang napatingin sa akin si Maren.

“Sorry, hindi muna kita masasamahan ngayon.” Nginitian ko nalang siya.

“Okay lang, naintindihan ko.” Napatingin siya sa lalaking katabi niya.

“Sasamahan ka muna ni Travis habang wala ako.” Natigilan ako sa sinabi niya.

What?! Si Travis?! Ang lalaking sumalo sa akin nung pumunta ako dito?! Napalunok ako ng laway. Calm down, Verity. Hindi naman niya malalaman dahil naka mask ka.

Bumuntong hininga ako at napatingin sa lalaking ngayon ay nakatingin sa akin. He smiled ng magtama ang mata naming dalawa.

“Have fun.” Tumango ako at umalis na siya.

Paano ako mag eenjoy?! Kung kasama ko 'tong lalaki na 'to?! Dahan-dahan ako napatingin sa kanya at napalunok ng laway. He just smiled at me.

Twist Of FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon