Chapter 20

505 21 0
                                    

“Gagi! Hindi ako makatulog!” Napakamot ako sa batok ko at napaisip.

According sa story, sobrang bait ni Maren hindi niya nga kaya makapanakit ng tao pero bakit parang ibang story 'ata ang pinasukan ko. At bakit parang may masamang balak ang lalaking nagdala sa akin dito? Ano bang sadya niya?

“Are you okay? Kanina ka pa tulala?” Napatingin ako sa babaeng nasa harap ko.

Hindi ko namalayan na nakapasok pala siya sa kwarto ko. Napangiwi siya ng makita niya ang maganda kong mukha.

“Gosh! Verity! Hindi ka ba natulog kagabi? Ang laki ng eyebags mo?!” Paano ako makakatulog? Kung parating problema ang dumadating sa buhay ko?!

Tumayo na ako at muntik pa akong matumba, mabuti nalang at nasalo ako ni Amaris. Sa tingin ko bagay sa akin—matulog ulit. Inaantok pa rin ako ngayon.

“Absent ka nalang kaya? Magpahinga ka muna,” alala niyang saad sa akin.

Napatingin ako sa lalaki sa likod niya at umiling ito. Ay pala desisyon din pala itong lalaking 'to. Ngumiti ako ng peke.

“No, I'm fine ate Amaris. Kaya ko pa naman.” Tumayo na ako at napabuga nalang ito ng hangin.

•••

“Bakit ba ako pinaparusahan ng ganito?” bulong ko.

“Ano?” Napatingin ako kay Travis na ngayon ay cold na nakatingin sa akin.

Bakit ba kasi ako tumakbo? Hindi ko naman kasi akalain na takot pala si Travis sa aso.




Kung ganito lang sana ka peaceful ang buhay ko dito. Siguro madami na akong crush. Kaso madaming mga baliw dito. Nanndidiri pa rin ako habang na i-imagine ang nangyari sa female lead sa kamay ng mga lalaki. Kaya kailangan ko ng mahanap ang sagot sa mga tanong as quick as possible kung hindi— maabutan ako ng season 2?! Ang wild pa naman nila do'n!

Napakagat nalang ako ng labi habang iniisip ang mga mangyayari sa hinaharap.

Magpahula nalang kaya ako?!” Ang bobo mo talaga Verity! Bakit ngayon ko lang 'to naisip?! Napakamot nalang ako sa batok ko.

“V-violet.” Napatingin ako kay Travis na ngayon ay nasa likod ko.

Bakit ang putla niya? Is he following me again?

“What are you doing here, sir Travis?”

“H-help.” Napakunot ang noo ko.

“What?”

“I said help... Me.” Tinaasan ko siya ng isang kilay. Napatingin ako sa aso na nakatingin sa kanya.

Parang gusto siya kagatin ng aso—ang yummy niya kasi tignan ehe. Napatawa ako ng pinamalakas dahilan para mapatingin sa akin ang aso na ngayon ay galit na galit.

Bakit parang nireregla ngayon ang aso? Akala ko ba si Travis lang siya galit bakit parang sa akin din?

“Takbo!” Agad ako tumakbo. Narinig kong tinawag ako ni Travis pero hindi ko na siya nilingon.

Sandali! Wag mo ako iwan dito! Violet!” sigaw niya rin.

Bahala ka sa buhay mo, brad! Mas importante ang buhay ko!


At 'yon nawala kaming dalawa. Hindi namin alam kung nasaan kami. Tanginang aso kasi 'yon. Okay lang naman habulin ako kasi naintindihan ko na maganda ako pero bakit pati aso?

“Isa kang knight! Pero takot ka sa aso?!” hindi makapaniwalang sabi ko.

Tinignan niya lang ako ng malamig na tingin na parang pinapahiwatig na tumahimik na ako kundi puputulin niya ang dila ko. Napakagat nalang ako ng labi at pinagmasdan ang paligid. Maglalakad na sana ako pero hinawakan niya ang wrist ko dahilan para mapatingin ako sa kanya.

“What? Sir Travis? Wag mong sabihin natatakot ka?” Umiwas ito ng tingin ngunit hindi niya pa rin binibitawan ang wrist ko.

“Don't go. Delikado dito, hindi natin alam kung nasaan tayo. So it's better if we will just stay here.” He heavily sighed at hinila ako papalapit sa kanya. “Para din naman sa atin 'tong dalawa.”

I rolled my eyes at umupo sa sahig. Nakatingin lang siya sa akin habang nakangiwi. Ano na naman kaya ang problema nito?

“What?!” irita kong tanong.

“It's dirty. Hindi ka dapat umupo diyan.” Ses para naman 'tong magulang ko. Ang daming bawal.

“No choice ako. Pwede naman ako magbihis sa bahay.” Nakakapagod na kaya. Niyakap ko ang sariling tuhod ko habang pinagmamasdan ang paligid.

Madilim dito dahil natatakpan ng malaking kahoy ang paligid at parang imposible na makita kami dito. Sana makita na kami. Naramdaman kong umupo siya sa tabi ko at niyakap niya ang sariling tuhod niya. 

Pinikit niya ang mata niya kahit pinapakita niya sa akin na hindi siya natatakot, I know deep inside he wants to scream and ask for help. Nagulat siya ng niyakap ko siya.

“What the—”

“Iiwan talaga kita dito kapag nainis ako,” cold kong saad sa kanya.

Hindi nalang siya nagsalita at hinayaan nalang ako. Nagulat nalang ako ng niyakap niya rin ako pabalik.

“What do you think you're doing, sir?” taas kilay kong tanong.

“Alam kong nilalamig ka rin. I just want to help.” Napabuga nalang ako ng hangin at umiling.

•••

Dahan-dahan kong minulat ang mata ko at muntik pa akong mapasigaw nang makita ko siya na nakatingin sa akin.

“Ano?!” Hindi lang ito nagsalita at hindi man lang umiwas ng tingin. Napahawak ako sa dibdib ko at pilit pinapakalma ang sarili ko. “Nakakagulat ka naman.”

Tumayo na ako at wala pa ring tao. Napabuntong hininga ako at pilit pinapakalma ang sarili ko. Verity, don't panic kaya mo 'to.

“No choice tayo, kailangan natin maghanap ng paraan para makaalis dito.”

“But it's too dangerous! Kapag napahamak ka! Alam kong ako ang sisisihin nila—”

“Wag mong sabihin na magkasama tayo,” diretso kong sabi sa kanya dahilan ng ikahinto niya. “You should just tell them a lie in order to save yourself.”

Aalis na sana ako pero hinawakan niya ang wrist ko. Kanina pa talaga ako naiirita sa lalaking 'to.

“Ano?! Hahayaan mo nalang ba na mamatay tayo dito sa gutom! I don't want to stay with you here! Pareho lang tayo, Travis!” inis kong sabi sa kanya. “I hate all of you!”

Hindi ko na siya hinayaan magsalita pa at umuna nalang umalis. Kakagising ko lang pero binigyan din naman ako ng sama ng loob. Narinig ko ang tawag niya pero hindi ko na siya pinansin. Napasigaw nalang ako dahil natumba ako at napatingin ako sa natapakan ko.

“Ah!”

Bakit may buto ng tao dito?

Twist Of FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon