Chapter 30

419 26 1
                                    

Nagulat ako ng may humila sa akin at halos matumba na ako dahil sa bilis ng kanyang pagtakbo.

“Bitawan mo ako!” Ngunit hindi siya nakinig at patuloy lang siyang tumatakbo.

Pamilyar ang lalaking ito. Nakita ko na ba siya dati? Nang tumigil na siya sa pagtakbo ay napaupo ako sa sahig at hinabol ang hininga ko. Feeling ko talaga mahihimatay ako kapag nagpatuloy pa kami.

“Ang ingay mo.” Huminto ako saglit. Bakit pamilyar ang boses niya? I looked at him and I stunned when I saw his face.

“Cesar? What are you doing here?” I asked.

“Napadaan lang. Are you okay?” he asked.

Bumuntong hininga ako, “I'm fine. Thank you.”

Hindi ko na siya hinayaan pang magsalita at umalis na ako. Pero gaya ng dati ay sumunod ito sa akin.

“What are you doing? Gusto mo bang mamatay?” seryoso kong tanong.

“Chill, paano ka naman nakakasigurado kung mamamatay ako?” natatawa niyang tanong.

“Dahil delikado ang pupuntahan ko, Cesar.” Huminto ako sa paglalakad at hinawakan ang dalawang braso niya. Nakangiti pa rin ito sa akin na para bang wala siyang balak sundin 'yong sinasabi ko at magbibingihan lang siya. “I'm going home and in order for me to go home I need to find that monster.”

“Uuwi ka? Malayo ba 'yan?” I rolled my eyes. Gosh! Bakit ba ako nag e-explain sa lalaking 'to?!

Nagsimula na akong maglakad ulit at napairap ako ng marinig ko ang yapak ng paa niya. Kahit hindi ako nakatingin, alam kong nakasunod siya sa akin.

“Yes, hindi dito.” 

“So, iiwan mo ang taong nagmamahal sa'yo dito?” he asked dahilan para matigilan ako.

“Nagmamahal? Makakalimot din 'yan,” walang gana kong sabi.

Narinig kong napatawa ito pero hindi ko lang 'yon pinansin.

“Hindi ka ba naaawa sa kanila? They can't live without you. After all, you gave them light.” As if naman maniniwala ako sa kanya.

They're not supposed to fall in love with me. Dapat kay Maren—right?! Muntik ko ng makalimutan si Maren.

“Verity, are you okay?” Napatingin ako sa kanya.

“I need to go! Nauubusan na ako ng oras!” Tumakbo na ako pero sinundan niya pa rin ako.

If gusto siyang mapahamak ang buhay niya wala na akong pake. As long as makauwi na ako sa bahay.

“Don't blame me kapag namatay ka!” He just chuckled. Sa tingin niya ba nagbibiro ako?

Hindi nalang ako nagsalita. Hindi din naman niya ako pakikinggan. Nang makarating na ako sa palasyo ng mga Castro bigla nalang siya nawala.

Hindi kaya tumakas 'yon kasi natakot? I rolled my eyes at napailing. Medyo nadismaya ako doon ah.

“Tsk! Duwag!”

Pumasok na ako sa loob and as always, walang tao. Na para bang one wrong move at mahuhulog na talaga ako sa patibong ni Idan. Napahinto ako ng makita si Phoenix na nilibot ang paningin sa paligid. Huminto siya ng napatingin siya sa akin.

“You...” Oh crap! Nakalimutan kong isuot ang mask ko!

“Umm? Do I look familiar?” Hindi siya makapagsalita dahil sa gulat. Bumuntong hininga ako.

Deserve niya naman siguro ng proper explanation.

“Is that you?” Napalunok ako ng laway dahil sa tanong niya.

I heavily sighed, “I'm sorry... I lied to you.”

“Why? Why are you hiding?” he asked.

Obviously? Dahil papatayin niyo ako para lang makuha ni Maren ang posisyon ng queen. Gosh! I just want to go home!

“I... I just want to go home.” Hindi na siya nagsalita pa at umalis nalang.

Ewan ko ba pero feeling ko hindi ako safe kapag wala siya sa tabi ko. Sumunod ako sa kanya at hindi niya lang ako pinansin. Napatingin ako sa kamay niya na ngayon ay nakakuyom.

Is he mad? Syempre magagalit siya. Napatampal nalang ako ng noo. Minsan talaga napakabobo ko. Napahinto ako ng kanina pa pala siya nakatingin sa akin. Ngumiti lang ako ng peke at umiwas ito ng tingin.

“Maren...” Napakunot ako ng noo. “Wag mo na siya hanapin.”

“At bakit naman?” taas kilay kong tanong.

“You're just wasting your time, Violet. She's not here anymore.” Napakunot ang noo ko sa kanyang sinabi. Tumigil siya sa paglakad nang humarap siya sa akin at walang emosyon ang kanyang mata na nakatitig sa aking mukha. “Hindi ka na makakabalik pa sa totoong mundo mo. Wag ka ng umasa pa.”

“Why are you saying that? As if naman nakakasigurado kang hindi na talaga ako makakabalik!” Hinawakan ko ang wrist niya. “May hindi ka sinasabi sa akin, Phoenix! Ano bang nangyayari dito habang wala ako?!”

“Hindi ko na trabaho niyan. If I were you, wala ka na dapat pang gawin at manatili nalang dito sa mundong 'to.”

“No!” Nagulat siya dahil sa biglaan kong pagsagot. I will not stay here! Never!

Kapag naabutan ako ng season 2 dito! Baka bumalik ako sa mundo ko na may lima ng anak?! I can't!

Gagi!

“And why is that? Amaris will take care of you.” Gusto niya bang mag stay ako dito?

“Wait, sinasabi mo ba 'yan dahil takot kang mawala ako?” Hindi lang siya nagsalita at nakatingin lang sa akin. Dahan-dahan akong napatango at nag smirk. “Right, it's impossible. Kung nandito ka lang naman para pigilan ako—”

“There's a part of me that don't want you to go home. It's not easy to let you go.”

“What do you mean? Do you want me to get punished for what I did?” I heavily sighed. “Look! I'm sorry! Hindi ko ginustong gawin 'yon! Inutusan lang ako ng abnormal na lalaki na 'yon!”

“It's not like that.” Lumapit siya sa akin at napataas ang isang kilay ko pero napahinto ako ng makita ang lungkot sa kanyang mata.

“Why can't I let you go? Why can't I hate you? Niloko mo na ako, pinaglaruan mo ang feelings ko. You create an illusion to make me look like a fool pero bakit hindi pa rin nagbabago ang pakiramdam ko sa'yo?” Nagulat ako ng hinila niya ang wrist ko at niyakap ako. “Bwesit! Why are you doing this to me?! Bakit parati mo nalang akong sinasaktan?!”

Luh, hindi ko alam pinagsasabi mo. Nagulat ako ng makita ang matalim na mata na nakatingin sa amin.

Twist Of FateWhere stories live. Discover now