Chapter 39

324 14 0
                                    

Nababaliw na ako. Siguro panaginip lang 'to. Agad ko sinampal ang sarili ko pero hindi talaga panaginip. Nagulat ito sa inasta ko. I fake a smile to show him that I'm okay at hindi pa ako nababaliw.

“Sinisigurado ko lang na hindi ito panaginip,” nakangiti kong sabi sa kanya.

“I'm telling the truth.” I heavily sighed. Akala ko talaga sa simula ang dali-dali lang ng mission na binigay sa akin. I can't believe na ang hirap pala. “When he is 14 he killed his own family and rule the world. Love by many without knowing that he is fake.”

“Seryoso?!” Napatakip ako ng bibig ng mapagtanto kong malakas ang boses ko. Baka mahanap kami ni Idan dito at delikado na. “Hindi ba siya nakaramdam ng guilt pagkatapos niya gawin 'yon?”

“I don't know. Pagkatapos kasi mangyari 'yon ay nagkulong siya ng kwarto ng limang buwan pero...”

“Pero?” taas kilay kong tanong.

“Nung lumabas na siya parang ibang tao na siya.”

Lumingon ako sa palad ko na ngayon unti-unting nawawala pero bumabalik din naman agad. I found the answer pero kulang pa ito.

“Iyon lang ba ang alam mo?” Napatango ito.

“Can I hug you one last time?” Medyo naawa ako sa kanya kasi kahit hindi niya pinapakita, halata naman na malungkot talaga siya.

Hindi na niya ako hinayaan sumagot at agad ako niyakap dahilan para magulat ako. Mas lalong humigpit ang pagkakayakap niya. Ang weird lang dahil nakaramdam ako ng lungkot.

“Mamimiss kita,” mahinahon niyang sabi.

Mga ilang segundo pa ay kumalas na siya sa pagkakayakap at binigyan ako ng matamis na ngiti.

“Ano bang binabalak mo?” seryoso kong tanong sa kanya.

Ewan ko ba pero parang may mangyayaring hindi ko magugustuhan. Inayos niya ang buhok ko.

“I love you so much, Verity. And I can't afford to lose you.”

“Bakit mo sinasabi 'yan?” He giggled pero alam kong may binabalak siya.

“I still remember kung gaano mo ako pinagpapantasyahan.” Napangiwi ako sa sinabi niya. “Akala mo hindi ko alam na pinagmamasdan mo ako habang naliligo ako sa lawa?”

Namilog ang aking mata sa sinabi niya. Kasalanan ko bang inaakit ako ng katawan niya?! Namula ang pisnge ko dahil sa kahihiyan na ginawa ko. 

“It's just...” Napabuga ako ng hangin. It's useless to lie anymore. “May crush ako sa'yo noon... Slight.”

Nagulat ako ng hinawakan niya ang pisnge ko at mas lalong nilapit ang mukha niya sa akin. Inaakit niya ba ako?

“Hindi na ba 'yan magbabago, Verity? Kapatid lang ba talaga ang turing mo sa akin?” Alam niya? Na kapatid lang ang turing ko sa kanya? Hindi lang ako nagsalita dahilan para mapa smirk ito. “I guess I don't stand a chance.”

Bakit parang nagu-guilty ako? Hindi na siya nagsalita pa at umalis nalang. There's apart of me na gusto siyang pigilan. Muntik na akong mapasigaw ng biglang may yumakap sa likod ko.

“You're getting weak, Verity.” Kilala ko ang boses na 'yon.

Walang gana lang akong tumingin sa harap ko.

“Cesar.” Nawawala nalang siya bigla tapos nagpapakita na naman. Ang weird lang kasi nagpapakita lang siya kapag wala ng ibang tao na inaasikaso ko. Humarap ako sa kanya at agad ko nakita ang matamis niyang ngiti. “Ano na naman ang ginagawa mo dito?”

“Hindi ka ba masaya na nakita mo ako?” Nginitian ko siya. Hindi naman siguro siya tanga para hindi malaman na peke ang pag ngiti ko.

“Of course! I'm happy to see you! Palagi nga kitang iniisip kahit na nasa peligro at nagpapatayan na ang nasa paligid ko!” I blinked my eyes and act cute.

He chuckled, “Normal lang naman na magkagusto ka sa akin.”

Minsan talaga nakakagana din siya eh. May inspirasyon na tuloy akong manampal ng tao. Tinapik ko ang braso niya at inayos ang buhok niya.

“Mabuti buhay ka pa!” Mas lalo pa itong napangiti.

Halatang na e-enjoy siya na iniinis ako. Masaya ka na niyan? Pwede mo ng ipa billboard?!

“Hinihiling mo bang mapahamak ako, young lady?” mapaglaro niyang tanong.

“Of course... not. Hindi naman kasi ako ganun ka sama, Cesar.” Nawala ang ngiti ko sa aking labi. “Umalis ka na dito.”

“At sino ka para utusan ako?” I rolled my eyes.

“Ano ba kasi ang ginagawa mo dito, Cesar? You know how dangerous this is.”

“Are you worried?” I rolled my eyes. May gana pa talaga siya makipagbiro.

“Look this is not a game—”

“I know.” Natigilan ako. “Interesado lang ako.”

“Interesado?” Magsasalita na sana ako pero agad niya ako inunahan. 

“I prefer if sundan mo ang lalaki kanina.” Kumunot ang noo ko.

“At bakit naman?”

“Magpapakamatay 'ata siya.” Namilog ang aking mata dahil sa sinabi niya.

Hindi ko na siya hinayaan pang magsalita pa at agad ako tumakbo. Why is this happening?! Bakit agad ako naniniwala sa kanya?! Bakit hindi ko nalang hayaan mamatay si Ryu?!

“Ryu! Where are you?!” Ngunit walang tao.

Wala na akong pake kung mahanap ako ni Idan ang importante ay maligtas ko si Ryu. Ayaw kong may namamatay ng dahil lang sa akin. Alam niyang hindi niya kaya pag wala ako. His obsession is getting stronger at para hindi na siya masaktan pa ay puputulin niya ang buhay niya.

This bastard?!

“Magpakita ka sa akin! Kundi magagalit talaga ako!” Ngunit wala talaga. Lumabas na ako ng palasyo.

Hindi na ako nagulat ng hindi ito nakalock. Because Idan trust me. At tanga siya.

Napatingin ako sa itaas and I saw him looking at me emotionless.

“Ryu.” Agad na ako tumakbo.

Hinihingal na ako. Nakakapagod tumakbo. Ang laki-laki ba naman ng palasyo. Walang silbe ang lalaking nagdala sa akin dito.

“Anong sinasabi mo walang silbi?” Napairap ako habang hindi pa rin ako tumitigil sa pagtakbo.

“Ayaw mo ba akong tulungan?!” inis kong tanong sa kanya.

“Kaya mo na ang sarili mo.”

“Kapag namatay talaga siya! Ikaw talaga sisihin ko!” sigaw ko.

Napatawa naman ito, “At kailan ka pa may pake sa kanya?”

Hindi na ako nagsalita pa at ng makarating na ako sa rooftop ay agad ko binuksan ang pinto. At napatingin siya sa akin.

“Verity.”

Twist Of FateWhere stories live. Discover now