Chapter 11

583 30 2
                                    

And after that, palagi nalang akong hinahanap ni Lucien. Mukha ngang hindi niya kayang mawala ako, kapag nawala lang ako sa paningin niya, Mukha na siyang nababaliw.

“Napapadalas 'yong pagpunta mo sa palasyo ni prince Lucien ah.” Napatingin ako kay Tiernan na ngayon ay cold na nakatingin sa akin.

What's the matter with him?

“Yeah.” Napahilot ako sa sintido ko. “Hindi ko nga siya magets.”

Tumayo na ako at aalis na sana pero hinawakan niya ang wrist ko at hinila ako. He hugged me tightly dahilan para hindi ako makagalaw.

“Don't go.”

“Huh? Pero importante-” Mas lalong humigpit ang pagkakayakap niya sa'kin.

“What are you doing, Tiernan?” Tinulak ko siya ng mahina. “You're acting weird.”

“R-right... I'm sorry.” Hindi na siya nagsalita pa at umalis nalang. Napakunot naman ang noo ko.

“Mukhang kailangan mo siyang sundan,” mahinahon na sabi ni Amaris.

Napalingon ako sa kanya, “Kanina ka pa ba diyan?”

“Kakarating ko lang.” Napabuntong hininga nalang ako.

“Hindi ko maintindihan kung ano ang nasa isip ni Tiernan. Nagising nalang ako na ganyan na siya.” Napailing nalang ako at kinuha ang kape na tinimpla ng maid.

“You still have time, Verity. Go to sir Tiernan at pag usapan 'yan.” Bakit feeling ko may alam dito si Amaris?

Binigyan niya lang ako ng matamis na ngiti dahilan para mapaiwas ako ng tingin at napahilot sa sintido ko.

•••

Nagulat ako ng naputol niya ang malaking kahoy. Kahit hindi siya nagsasalita, ramdam kong galit siya.

“Are you okay?” I asked.

Mukhang ngayon niya lang napansin ang presensya ko dahil nagulat siya. Bigla siyang nagbow at ganun pa rin ang tingin niya sa akin.

“Did I do something wrong, Tiernan?” I asked.

“Wala po, young lady.” Hindi pa rin siya umaamin. Tinaasan ko siya ng isang kilay at napa cross arm. Mukhang hindi siya komportable sa pagtitig ko sa kanya.

“Ses! Ano ba kasi 'yan?!” Tinuro ko siya at pinanliitan ng mata. “Kilalang-kilala kita, Tiernan! Nag gaganyan ka kapag may hindi ka nagustuhan!”

I rolled my eyes at yumuko nalang ito. Naglakad na siya palayo at napangiwi nalang ako. Well, hayaan ko nalang siya. Hindi naman siya importante.

“Diyan ka nagkakamali.” Kapag naririnig ko talaga ang boses na 'yan! Nanggigil ako.

“Ikaw na naman! Pwede ba?! Lubayan mo nga ako!” Hinila ko ang tenga niya at pinalapit ito sa akin. “Ibalik mo na nga lang ako sa totoong mundo ko! Bakit pa ba ako nandito?!”

“You really want to know why?” Napakunot ang noo ko sa kanyang sinabi. Dumistansya siya sa akin at may pinakita siya sa akin na square na glass at nagulat ako ng makita ang katawan ko at ang umiiyak na ate ko.

Please! Lumaban ka! Wag mo ako iwan, Verity! Mahal na mahal ka ni ate! Gumising ka na!

“Mabubuhay ka lang ulit kapag nahanap mo na ang sagot na pinapahanap ko sa'yo,” nakangiti niyang sabi. Nilapit niya ang mukha niya sa akin at hinaplos ang buhok ko dahilan para manindig ang balahibo ko. “If you want to survive, tell me the answer.”

•••

Bumuntong hininga muna ako at kumatok.

“It's me, Violet.”

Mga ilang segundo pa ang lumipas biglang bumukas ang pinto at ng magtagpo ang aming mata ay agad niya ako niyakap.

“Why are you late?” he asked.

Hindi talaga ako komportable sa kanya. Masyado siyang clingy na para bang obsessed siya sa akin.

“May ginawa lang sa bahay.” Nagulat ako ng hinila niya ako papasok sa kwarto niya.

Pinagmasdan ko ang mukha niya. Ang gwapo niya talaga—sayang.

“So bakit mo ako pinatawag dito?” tanong ko. Nagulat ako ng hinawakan niya ang mask ko pero agad ko sinapak ang kamay niya. “What are you doing?!”

“Can I see your face?” he asked.

“No.”

“Why?” Halata sa kanyang mukha na nacu-curios na ito.

“I-it's a curse! Kung titingin ka sa mukha ko! Mamalasin ka!” Gosh! Tulong!

Nasaan na ba kasi 'yong lalaki na 'yon?!

“Wag ka magsinungaling sa akin, Violet.” Papalapit ito ng papalapit sa akin at paatras naman ako ng paatras. What's wrong with him? Para siyang mas lalong nabaliw. “I know that's not your real name.”

Namilog ang aking mata sa sinabi niya.

“Don't tell me, nagpapanggap ka lang all this time?!” Napatawa ito dahil sa sinabi ko.

“Bakit pwede na ba ako maging artista?” natatawa niyang tanong.

I rolled my eyes at aalis na sana pero agad niya hinawakan ang baywang ko at pinalapit sa kanya. One wrong move at pwedeng magdampi ang labi namin. I can see his cheeks blush while his eyes are looking at my lips.

“When I first saw you, I know you're my princess.” Napairap nalang ako sa sinabi niya. “Alam kong hindi ka kapatid ni Amaris and I know you don't belong here. Matagal na ako nagmamasid sa'yo, Verity. Bakit ka tumakas? Hindi mo ba ako gustong makasama?”

“What are talking about-” Hindi ko alam ang nangyari. Bigla nalang natanggal 'yong maskara ko at nakita niya 'yong mukha ko.

He smiled playfully, “Bakit ba matagal kong narealize? Na ikaw talaga 'yong gusto ko at hindi si Maren?”

Agad ko siya tinulak. Hindi ako makapaniwala sa narinig ko. Mali lang 'yata ang narinig ko or prank lang siguro ito. Napalunok ako ng laway. Hindi 'yan totoo!

“I am not supposed to be here! Si Maren lang ang dapat nandito!” sigaw ko. Mukhang mawawalan ako ng katinuan dito. “Gagawin ko ang lahat para makauwi sa mundo namin!”

“Kahit anong gawin mo.” Napangiti ito ng nakakaloko. “Hindi ka na makakabalik sa totoong mundo mo.”

I rolled my eyes dahil sa sinabi niya, “Kung makaasta ka naman parang alam mo ang mangyayari.”

Umupo siya sa higaan at napa cross legs ito. Parati ko talaga napapansin 'yong gwapo niyang mukha. Mapaglaro itong ngumiti na para bang pinagtatawanan ako.

“Hindi ka ba nagtataka? Bakit ka nandito in the first place?” Tinaasan ko siya ng isang kilay. “You're meant to be here, Verity.”

“No! Wala kang alam!” Agad ko binuksan ang pinto at bago paman ako makaalis ay nagsalita siya.

“See you later, love.” Napangiwi nalang ako at tuluyan ng lumisan.

Sana hindi nalang ako nagpunta.

Twist Of FateWhere stories live. Discover now