Chapter 29

425 24 3
                                    

Naramdaman ko ang kanyang kamay na nakayakap sa akin sa likod. Napalunok ako ng laway. Gusto ko ng tumakas.

“I love you, ate.” Halos mabingi ako sa sinabi niya. Tama ba 'yong narinig ko? He loves me. “I don't know pero unti-unti kong napapansin na mas mahal pa kita kaysa sa sarili ko.”

“Nalilito ka lang. Imposible 'yang gusto mo, Ace.” Humarap ako sa kanya at nagulat ito sa sinabi ko. “Hinding-hindi mangyayari ang gusto mo. I-i treated you as my little brother at 'yon lang wala ng iba.”

“Why? May nagugustuhan ka na ba, Verity?”

“What?” Napahinto ako. “Iyung kuya mo. I like him.”

Napahinto siya kita ko na nanlaki ang mata niya, hindi siya makapaniwala sa narinig niya.

“You're joking, right?” Hinawakan niya ang dalawang braso ko dahilan para magulat ako. “Sinasabi mo lang 'yan para masaktan ako. Please! Don't do this to me, ate!”

Hindi lang ako nagsalita at nakatingin lang sa kanya. Mga ilang segundo pa ang nakalipas biglang nagbago ang ekspresyon sa kanyang mukha ng dahilan ng aking pagkagulat. Napakunot ang noo ko.

“Ah kahit anong gawin ko hindi mo pa rin ako magugustuhan.” Nagulat ako ng may hawak pala siyang kutsilyo at tinapat ito sa leeg ko. “Mabuti pang mamatay ka nalang.” Hindi ako makapagsalita dahil hinawakan niya ang labi ko. Namilog lang aking mata ng dumampi ang kutsilyo niya sa leeg ko. Kahit hindi ko 'to nakikita ramdam ko ang patalim na unti-unting bumabaon sa balat ko. Is he seriously going to kill me?!

Napapikit ako at hinintay nalang na magtama ang kutsilyo sa balat ko pero walang nangyari. Dahan-dahan kong minulat ang aking mata at nagulat ako ng makita si Ash na hawak ang patalim ng kutsilyo dahilan para magdugo ang kanyang kamay. Pati si Ace ay nagulat din. 

“Don't you dare hurt her, Ace.” Nagulat ako ng agad ako hinila ni Ash. At hinaplos ang buhok ko. “I'm sorry dahil nalate ako. Hindi na dapat kita iniwan dito in the first place.”

“Wag ka mangialam dito, kuya.” Kukunin na sana ako ni Ace pero humarang si Ash.

“Hindi mo siya pagmamay ari, Ace. Stop this nonsense! Tinatakot mo siya!”

“At ganun ka din, Ash! Hahayaan mo lang ba siya mapunta sa iba? Without trying?!” Napailing ito. Ibang Ace ang nakita ko ngayon. He's literally out of his mind?! “Hindi ako kagaya mo, kuya. I will do anything para mapasa akin lang ang babaeng mahal ko!”

“Wag ka makinig sa kanya, Ash! Let's go!” Hindi ko na hinayaan pang magsalita si Ash at hinila na siya.

Muntik pa kami matamaan ng kutsilyo na tinapon ni Ace.

“Kahit pa tumakbo kayo! Mahahanap at mahahanap ko pa rin kayo!” he shouted.

•••

Gosh! Bakit ba parati nalang kaming nagtatago?

“I'm sorry—” Agad ko tinakpan ang bibig niya gamit ang maliit kong kamay.

“He will hear us,” bulong ko.

Nakatingin lang sa akin si Ash habang rinig ko ang yapak ng paa ni Ace. Nagulat na lamang ako ng hinila ako ni Ash. Nang makarating na kami sa basement ay nilock niya ang pinto.

“I'm sure, hindi niya tayo makikita dito.” I looked at him at naka focus lang siya sa pinto.

“Why are you bringing me here in the first place?” I seriously asked. “Alam mo ang nararamdaman ng kapatid mo, diba?” Hindi lang siya nagsalita kaya niya pala ako dinala dito. “You really love your little brother that much. Kaya kahit pa mapahamak ako wala kang pake.”

Napatingin na siya sa akin pero hindi ko na hinayaan magsalita siya. Aalis na sana ako pero napakunot ang noo ko ng hinawakan niya ang wrist ko.

“I was wrong, I'm sorry. Hindi ko dapat ginawa 'yon.” Hindi pa rin ito nakatingin sa akin. “Hindi kita dapat dinala dito. Ang bobo ko!” Nagulat ako ng hinila niya ang wrist ko at niyakap ako ng mahigpit.

“A-ash.” Don't tell me aamin din siya na gusto niya ako.

“Verity, I—”

“Stop!” Napatakip ako ng bibig ng marealize ko na sumigaw pala ako. Umatras ako at bumuntong hininga. “I don't belong here. Kailangan ko ng makauwi pa sa bahay ko.”

“Hindi mo ba naintindihan? Simula ng pagtapak mo sa paa mo dito! You're destined to be here, Verity!” Shit! Ang ingay niya! Siguradong mahahanap kami ni Ace nito!

“No one can decide my future, Ash! Ako lang! And I want to go back to where I belong!” Hindi ko na siya hinayaan pang magsalita pa at binuksan na ang pinto.

Nagulat nalang ako ng makita si Ace sa harap ko na nakangisi at hawak ang matalim na kutsilyo. Napaatras ako at muntik pa akong matumba.

“Where are you going, ate?” Napaatras ako at nakaramdam ako ng takot. “Iiwan mo ba si kuya dito ng mag isa? Nakakasigurado akong mababaliw siya kagaya ko.”

Tumawa pa ito na para bang nasisiraan na ng bait pero bigla na naman sumeryoso ang mukha niya. 

“Let me go, Ace! I want to go home! Wala akong oras para sa ganito!” Bumuka ako ng hangin upang pakalmahin ang sarili ko. Kunti nalang talaga at mababaliw na talaga ako. “I'm sure makakalimutan mo din ako.”

“Kung makapagsalita ka, ate. Parang madali ah.” He chuckled. Hindi makapaniwala sa sinabi ko. “Hindi ganun kadali 'yon, ate!”

Kasalanan ko bang nabihag ka sa kagandahan ko. Hindi ko naman kasalanan na nahulog ka sa akin! At isa pa! Wala akong oras para diyan! Nasaan na ba 'yong lalaki na 'yon?!

“I'm sorry.” Inis akong napatingin kay Ash dahilan para magulat siya. “It's your job to protect me! So do your job!” Agad ko siya hinila at pinaharap kay Ace.

Hindi na ako nag aksaya pa ng oras at agad na ako tumakbo. I hope makatakas na ako dito kasi hindi ko na talaga kaya! Hindi ko alam kung ano na ang mangyayari doon pero isa lang ang masasabi ko.

I need to get out of here as fast as I can.

Nang makalabas na ako sa bahay ay agad ako nadulas at napahiga sa sahig. Shit!

Twist Of FateWhere stories live. Discover now