Chapter 4

867 31 0
                                    

“What?! I'm going to school tommorow?!” hindi makapaniwalang tanong ko.

Amaris giggled at hinaplos ang buhok ko.

“Yes, you're going to school. Just make sure na hindi ka makikita ng mga prinsepe. Always wear your face mask or your maskara. Okay?” Napatango ako.

“Okay.”

“Nakahanda na 'yong mga gamit mo sa school at pwede ka na mag aral bukas. Sadly to say, bawal ang knight sa school niyo,” malungkot na sabi ni Verity.

Napatingin ako kay Tiernan na ngayon ay halatang nag alala sa akin.

•••

Hinawakan ni Tiernan ang wrist ko dahilan para mapatingin ako sa kanya. I smiled nang makita ko kubg gaano siya nag aalala.

“Don't worry, mag iingat ako Tiernan,” mahinahon kong sabi sa kanya.

“Tawagin mo lang ako kapag may nangyaring masama sa'yo at pupunta ako agad.” Napatango ako sa sinabi niya at pinisil ang pisnge niya.

“Ang cute mo talaga!” Napatawa ako ng namula ang pisnge niya.

Ses! Nahihiya lang eh! Umuna na akong naglakad at nawala na ang matamis na ngiti sa labi ko. Ano ba kasi 'yong sagot na 'yon?! Para makauwi na ako.

Gustong-gusto ko na umuwi! May order pa ako sa shopee na kailangan kong bayaran! Letseng lalaki kasi 'yon!

Pumasok na ako sa sasakyan at napasigaw nalang ng makita ang lalaking naka sky blue hair at pink eyes.

“What the hell are you doing here?!” inis kong tanong.

“Hindi mo ba namiss ang kagwapuhan ko?” Napangiwi ako sa sinabi niya.

I rolled my eyes at umupo na sa tabi niya. Mukhang hindi kami napapansin ni manong na may kasama akong pogi pero baliw naman.

“Hindi. Hindi kita type.” I rolled my eyes.

“Nakalimutan ko pala sabihin sa'yo. If you failed your mission. Your body in the real world will die.” Namilog ang aking mata sa kanyang sinabi at agad hinawakan ng mahigpit ang braso niya.

“Hoy! Seryoso! Hindi ka nagbibiro?!” Napangiti ito ng nakakaloko nang makita ang ekspresyon ng mukha niya. Agad ko siya tinulak. “Nakakainis ka talaga! Kailan ang deadline?!”

Napatawa ito sa tanong ko, “1 year is enough, my lady.”

He winked at me dahilan para mapangiwi ako. Nang huminto na ang sasakyan ay inis kong kinuha ang bag ko at sinamaan siya ng tingin bago lumabas ng kotse. Napatingin ang mga babae at lalaki sa akin dahil naka mask ako.

Pag nakita niyo talaga mukha ko, mabibighani kayo sa ganda ko. Baka nga patayin niyo pa ako dahil sa sobrang ganda ko? Charot! Napahinto ako sa paglalakad ng makita si Idan na ngayon ay nasa harapan ko nakatingin sa akin.

He smiled at me at nagbow lang ako kunti at aalis na sana ako pero napahinto ako ng agad siya nagsalita.

“You're Amaris sister, right?” Napatango ako. “Bakit parang nakita na kita dati?”

Hindi lang ako nagsalita at nakatingin lang sa sahig. Pwede ba?! Lubayan mo na akong hayop ka! Obsessed ka kay Maren kaya dapat nasa kanya lang ang atensyon mo.

“I have to go, your highness. It was nice meeting you.” Hindi ko na siya hinayaan pang magsalita at nilagpasan ko na siya.

•••

Paano ba ako napunta sa ganito?

“How dare you?! Nakita kitang nilagpasan lang ang prince Idan ko kanina?! Ang kapal ng pagmumukha mong babae ka?!” Ang oa naman nito, hindi naman 'yon bigdeal at isa pa nagpaalam naman ako na aalis ako.

“Iyan lang ba ang problema niyo?” Hindi sila nagsalita. Kaya lalagpasan ko na sana sila pero hinila nila ang buhok ko.

“Wala kang respeto!”

Naiinis na talaga ako sa mga babaeng 'to. Agad ko sila tinulak and I rolled my eyes.

“Eww! Feeling jowa ni Idan pero wala namang label! Hindi nga kayo pinapansin eh! Mga kawawa!”

Mas lalo silang nainis sa sinabi ko at namilog ang aking mata ng may dala na silang malaking kahoy. Bakit ba bawal ang knight dito?!

I rolled my eyes at napa cross arm, “Akala niyo matatakot niyo ako diyan!”

Nang tinaas na nila 'yong kahoy. Agad ako tumakbo ng pinakamabilis at sinundan nila ako.

“Tulong! Ah! Papatayin nila ako!” sigaw ko.

Ramdam ko na ang pagod ko. Nang makita ko ang lalaking white hair and violet eyes ay alam kong si Phoenix 'yon.

Ang knight ni Maren. Sanaol! Unfair! Agad ako pumunta sa likod niya dahilan para mapakunot ang noo niya. Tinuro ko ang tatlong babae.

“Papatayin nila ako!”

Napatingin si Phoenix sa tatlo at agad nila tinapon ang kahoy.

“W-we're just playing around,” kabadong sabi nung isa.

“Playing around?! Halos magdala na nga kayo ng bomba sa school dahil sa gusto niyo akong patayin?!” inis kong sigaw sa kanila.

“Oh I'm so sorry if you think that way miss.” Napatingin siya kay Phoenix. Nagbow sila kunti bago umalis.

Napabuga ako ng hangin. Buti nalang safe ako. Natigilan ako ng lumingon siya sa akin dahilan para mapakunot ang noo ko.

Cute siya at sobrang gwapo.

Pero palagi nalang siyang seryoso. Napansin kong bumaba ang tingin niya sa damit ko at pati na rin sa mukha kong may face mask.

Phoenix Velasco, 16 year old. Inosente lang mukha na 'yan pero delikado 'yan. Top 2 din 'yan sa pinakamalakas na knight.

Tumikhim ako, “Isa ka po bang knight? Diba bawal ang knight sa school?”

Umiwas siya ng tingin dahilan para panliitan ko siya ng mata. Sumeryoso ang titig ko sa kanya.

“Ang unfair sa ibang studyante na walang knight na pumasok dito sa school. Tapos ikaw ay nandito.” Magsasalita na sana siya. “You're supposed to be the knight of light. Diba dapat mabait kayo?”

He heavily sighed, “I'm sorry.”

Naglakad na siya palabas ng school and I rolled my eyes again.

“Anong ginagawa mo sundan mo siya?” Masama akong tumingin sa kanya at tinaas niya lang ang dalawang kamay niya. “What? I'm just trying to help you.”

“Minsan talaga ang sarap mong sapakin.” Naglakad na ako at sinundan si Phoenix.

Gusto niya sigurong mamatay ako pero siguro may mahahanap akong sagot dito. Nagtago ako sa malaking kahoy at nakita ko siyang nakaupo sa damuhan at nakatingin sa lawa.

“Who's there? Bakit mo ako sinusundan?”

Twist Of FateWhere stories live. Discover now