Chapter 23

483 26 0
                                    

Huminto na ako sa paglalakad at ganun na din siya. Napatingin siya sa harapan namin and he smiled warmly.

“I guess nandito na 'yong kaibigan na sinasabi mo.” Hindi lang ako nagsalita. He grabbed my hand and kiss it, dahilan ng ikagulat ko. “Tagpuin sana tayo ulit ng tadhana, my lady.”

Pagkatapos niya sabihin ang mga katagang 'yon ay umalis na siya. Gagi! Hindi ko na huhugasan ang kamay ko! Acck!

“Kaysa sa tumunganga ka lang diyan na parang baliw, puntahan mo na kaya si Tiernan.” Sinamaan ko naman ng tingin ang lalaki.

“Alam mo epal ka talaga.” Napailing lang ito at naglaho na.

Nang makarating na ako sa puno. Nakita ko si Tiernan na hindi mapakali at kanina pa lakad ng lakad. I smiled playfully at agad na tumalon sa kanya. Nagulat ito at napatawa ako sa reaksyon niya.

“Matagal ba ako dumating?” I asked.

“Sobrang nag alala ako sa'yo! Akala ko napano ka na!” Eto na naman ang pagiging kuya alert niya.

“Don't worry, Tiernan. I'm okay. Look oh!” I winked at him at napailing nalang siya at ginulo ang buhok ko. 

Pot—wait! Dapat mabait ako ngayon kasi birthday niya. But why do i have to celebrate his birthday?

Hinawakan ko ang kamay niya dahilan para mapatingin siya sa mga mata ko. Don't blame me! Utos lang sa akin ng lalaki na 'yon.

“Ano bang binabalak mo, Verity?” he asked.

I just giggled at hinila siya. Nang makapunta na kami sa kagubatan he look at the christmas light na nakasabit sa mga punuan.

Napahinto siya ng makita ang malaking table na may cake at agad ko binitawan ang kamay niya. Lumapit ako sa cake and I gave him a warm smile na makakatunaw ng iyong mata—char.

“Happy birthday! Tiernan!” masigla kong sabi dahilan para mapangiti siya at mapailing.

“You don't have to do—”

“Aww! It's your special day!” Agad ko siya hinila at pinalapit sa akin. “Blow the candle na.”

Nagugutom na ako eh. Napailing ito at pinatay na ang apoy sa kandila. I clapped my hands and sing him a birthday song. Grabe naman siya sa akin. Alam ko naman na hindi maganda ang boses ko pero atlease maganda ako diba?

“Thank you... I appreciate you a lot,” mahinahon niyang sabi. Niyakap niya ako dahilan para mapahinto ako.

Dahan-dahan na akong kumalas at ngumiti lang ako sa kanya. Kumain na kami at nabusog naman kaming dalawa.

“I wish we can stay like this forever.” Napatingin ako sa kanya dahil sa sinabi niya.

“We can do this kapag birthday mo, Tiernan,” mahinahon kong saad.

Kinuha ko ang wrist niya at sinuot sa kanya ang bracelet. Natigilan siya at pinagmasdan ang bracelet na nilagay ko.

“Do you like it?”

“Akin na ba 'to?” Napatango ako dahil sa tanong niya. “T-thank you.”

Namula ang kanyang pisnge pero hindi ko nalang pinansin 'yon at kinain nalang ang cake.

•••

“Ryu! Akin na 'yong bag ko!” inis kong sigaw sa kanya.

“No! As long as you don't follow me! Hindi ko isasauli ang bag mo!”

“Bakit ba kasi?! Kapag ako nalate ng school! Lagot ka talaga sa akin, Ryu!” sigaw ko.

Ngunit hindi niya pa rin ako pinakinggan. Hanggang sa mapunta kami sa likod ng school. Napa cross arm ako at tinapon niya ang bag ko sa basurahan. My jaw dropped.

“What do you think you're doing?!” hindi makapaniwalang sabi ko. Inis akong napatingin sa kanyang mata.

Wala akong pake kung ang lapit niya sa akin. Kapag ako hindi pa rin nakahanap ng sagot sa mystery na 'yon! Ayaw ko pa naman maabutan dito ng season 2?!

“Alam mo ba ang rumors ngayon?!” Nagulat ako ng bigla niya akong kinorner. Ano bang kasalanan ko sa kanya? Why is he acting na parang may ginawa akong hindi niya nagustuhan?! “May relasyon kayo ni Tiernan?! Totoo ba?!”

“What?! What kind of rumor is that?!” Agad ko siya tinulak. “Alam mo naman na kapatid lang ang turing ko kay Tiernan. Wala akong feelings sa kanya. Snap out of it!”

Parang natauhan naman ito at napaatras kunti.

“R-right, magkapatid lang turing mo.” Tinaasan ko siya ng isang kilay. At lumapit sa kanya dahilan para mapahinto siya.

“You're acting weird, Ryu. Wag mo naman masyadong ipahalata na may gusto ka sa akin.” Tinapik ko ang braso niya at gulat lang siyang nakatingin sa akin. Nakakatakot naman ang lalaking 'to. “What? Wag ka naman masyadong seryoso, Ryu. Nagbibiro lang ako.”

“How do you know?” Halos hindi ako makagalaw dahil sa tanong niya.

“Pardon?”

“Paano mo nalaman na may nagugustuhan ka na?” he asked.

Ayy akala ko may gusto talaga siya sa akin. Napabuntong hininga ako. Talaga ba Ryu?! Sa akin ka magtatanong niyan! Eh never ko din alam kung anong feeling na mainlove?!

“Kapag siguro ano... Umm... Kapag 'yong tao na 'yon ang dahilan kung bakit ka sumaya. Kung siya ang dahilan kung bakit mabilis ang pagtibok ng puso mo? Kung nasasaktan ka sa tuwing may kasama siyang iba?” Hindi siya makapagsalita. Mukhang relate siya. Oyy, Ryu! May nagugustuhan na. “Bakit? May nagustuhan ka na ba?”

Napatingin siya sa akin at nagulat nalang ako ng nilagpasan niya lang ako. Aba't! Loko 'tong lalaki 'to ah!  Ano ng gagawin ko sa bag ko ngayon?! Napakagat nalang ako ng labi. Ang baho na!

“Haish! Aabsent na naman ako nito?!”

•••

Pagbukas ko ng pinto. Agad bumungad sa akin si Lucien. Bakit nandito siya sa detensyon room?

“Why are you here?”

Minulat niya ang kanyang mata at hindi niya yata inaasahan na nandito din ako.

“Itanong mo sa knight mo!” Umupo ako sa upuan na pinakauna.

I can still feel his gaze looking at me. Kung nakakatunaw lang ang tingin kanina pa ako natunaw. 

“Can you please stop looking at me?!—”

“I can't.” Nagulat ako ng niyakap niya ako sa likod. Ramdam ko ang kanyang labi na nakadikit sa leeg ko. “Always remember, Verity. You're mine and mine only. Wag mong hayaan makalapit sila sa'yo kung ayaw mong gumawa ako ng masama.”

Twist Of FateWhere stories live. Discover now