Chapter 38

314 19 2
                                    

“Lucien! Wag!” sigaw ko ngunit parang wala siyang naririnig at patuloy lang siya sa ginagawa niya.

Hindi ko namalayan na tinali na pala niya ang wrist ko at sinira ang damit ko. Bakit ang wild na niya?! Hindi pa naman season 2!

“Lucien!” Nagulat ako ng hinalikan niya ako sa labi parang uhaw na uhaw siya.

Napapikit nalang ako ng kinagat niya ang labi ko at ng tumigil na siya rinig ko ang mabigat niyang paghinga at namumula ang kanyang pisnge at tenga. Bwesit!

“Lucien! Mali 'to!”

“Mas pipiliin ko pang maging masama para lang maging akin ka kaysa hayaan ko silang makuha ka sa akin.” Buong lakas ko siyang itinulak. Wala akong pake kung nasasaktan siya mas importante ang buhay ko.

“Kahit kailan walang nagmamay ari sa akin simula nung nandito ako! Hindi mo alam kung anong pinagdaanan ko, Lucien! Stop acting like pagmamay ari mo ako! Because hindi mo ako pagmamay ari!” galit kong sigaw sa kanya dahilan ng ikagulat niya.

Inis kong binuksan ang pinto at nagulat ako ng makita si Idan na walang emosyon na nakatingin sa amin. Napalingon siya kay Lucien at bumalik ulit ang tingin sa akin.

Oh crap! This is bad!

Nagulat nalang ako ng nilagpasan niya ako at sinuntok niya si Lucien. Walang tigil niya itong pinagsusuntok hanggang sa magdugo ang mukha nito. Agad ako lumapit sa kanya at pinigilan siya.

“Idan! Tama na!” sigaw ko.

Pero mukhang wala siyang naririnig. Pilit ko siyang pinipigilan at ngayon ay masama na siyang nakatingin sa akin.

“What are you two doing here?” Hindi ako nagsalita. Nakatingin lang ako sa kanya habang pilit na hindi nagpapatalo sa takot. Nagulat ako ng hawakan niya ang dalawang braso ko ng sobrang higpit. Kitang-kita ko ang galit sa kanyang mata. “I said what are you two doing here?!”

“Idan, I—”

“Are you cheating on me?! May relasyon ba kayong dalawa?!” Magsasalita na sana ako pero muntik na akong atakahin sa puso ng bigla siyang nagsalita. “Don't you dare lie to me, Verity!”

Hindi na ako nagsalita pa at pinagmasdan nalang siya. Mukhang nawawalan na siya ng pag asa pa. 

“Walang kami ni Lucien! Ano ba?! You're hurting me!” Agad ko siya tinulak at tinuro silang dalawa. “Tandaan niyo 'to! Walang nagmamay ari sa akin! Tanging ako lang! Ang kapal ng pagmumukha niyo! Kung mahal niyo ako dapat respetuhin niyo ang desisyon ko! You're willing to do anything and yet hindi niyo kayang tanggapin na hindi ko kayo gusto?!”

Nagulat ako ng hinila agad ako ni Idan pero mas nagulat ako ng hinawakan din ni Lucien ang isa kong wrist para pigilan ako.

“You cannot take Verity away from me, Idan. Magkakamatayan mo na tayo bago mo siya makuha sa akin.” Idan stared at him coldly. 

Idan smiled playfully. Hindi maganda ang kutob ko dito. Napalunok ako ng laway at nagulat nalang ako ng nakakadena na 'yong wrist ko. Sabi ko na nga ba eh! Hindi maganda ang kutob ko dito.

“Mukhang hindi pa sapat sa'yo ang mga sugat na natamo mo.”

“No! Idan! Stop!” sigaw ko.

Hinaplos niya ang pisnge ko para siyang remote na kayang kontrolin ang katawan ko. Hindi ako makagalaw. Nakaramdam na ako ng takot. This time, punong-puno na si Idan and I don't want them to fight infront of me ayaw kong makakita ng worst death ni Lucien. 

“So nag alala ka talaga sa kanya, Verity? You really like to hurt my feelings.” Nawala ang kanyang ngiti sa labi at napalitan ito ng seryosong ekspresyon. “Humanda ka sa akin mamaya.”

Nagulat ako ng agad niya ako hinila palabas ng basement at nilock ang pinto ng makalabas na ako. Walang pagdadalawang isip na tumayo ako at kinakatok ang pinto.

“Idan! Stop! Tumigil kayo!” sigaw ko.

Ngunit tanging sigaw lang nila at kutsilyo ang naririnig ko. May narinig din akong putukan ng baril dahilan para mapa takip ako sa tenga ko. Nagulat nalang ako ng may humila sa akin.

“Ryu?”

“Hali ka na.”

“No! Hindi pwede akong tumakas, Ryu!” Kunot noo niya naman akong tinignan pero hindi pa rin siya tumitigil sa paghila sa akin.

“And why is that?!” Mukhang naiinis na siya kaya napabuga nalang ako ng hangin.

“Kailangan kong malaman ang totoo para makauwi na ako.” Naramdaman ko ang kanyang paghigpit na pagkakahawak sa kamay ko.

“I will tell you the truth ang importante ay makaalis na tayo dito.” Gulat ko lang siyang tinignan. I didn't expect him to tell me the truth.

Hindi ako naniniwala pero na appreciate ko siya. Iniisip niya 'yong sarili ko. Pero kung nagsasabi man siya ng totoo, ito na ang katapusan ng problema ko.

Huminto na siya sa pagtakbo at hinabol ko ang hininga ko. Tumingin ako sa kamay naming dalawa na ngayon ay magkahawak na.

“Wala ka bang balak bitawan ang kamay ko?” I asked.

Napahinto ito at lumingon sa kamay naming dalawa at agad ito binitiwan. Napa cross arm ako habang seryoso siyang pinagmasdan. I don't have to waste my time here. I need to get out of this fucking world.

“So can you tell me the truth?” I asked seriously.

Kitang-kita ko ang lungkot sa kanyang mata. Halatang nasaktan siya dahil sa sinabi ko. 

“Hindi na ba magbabago ang desisyon mo, Verity?” malungkot niyang tanong. Umiling ako at nakita kong napakuyom ito ng kamao. “Idan... Hindi siya totoong anak ng hari. Pinatay niya ang totoong prinsepe para makuha ang kayamanan nila.”

What?! Wala ito sa story ah!

“What do you mean? May pruweba ka ba?” Hindi talaga ako naniniwala. Hindi ko naman kasi inaasahan ito.

Wala naman kasi sa story na peke si prinsepe Idan. Nung binasa ko ang kwento na sinulat ni ate, I know he is the real prince pero ano 'tong naririnig ko ngayon?

“Nasa sa'yo nalang 'yan kung paniniwalaan mo.” Napahinto ako ng makitang duguan na ang kamay ni Ryu. “His mother pressure him to become a king and rule the world. Siya mismo ang pumatay sa pamilya ng totoong prinsepe at siya din ang pumatay sa totoong prinsepe ng light.” Tumingin siya sa'kin ng seryoso dahilan para matigilan ako. “And do you know why Idan doesn't like Amaris kahit anong gawin ni Amaris?... Kasi magkapatid sila.”

Namilog ang aking mata sa kanyang sinabi.

No way.

Twist Of FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon