Chapter 21

480 19 0
                                    

“Violet! What happened?!” Napatingin siya sa harapan ko at agad ako hinila papalayo sa buto.

“M-may pinatay dito?! Travis! May—” Nagulat ako ng niyakap niya ako at hinaplos ang buhok ko.

“Shh! Let's get out of here, okay.” Napatango nalang ako at napalunok ng laway.

Napatingin ako ulit sa bangkay at napakunot ang noo ko ng makitang nakasuot siya ng singsing na may hugis buwan.

“Wait?! Is she part of Abellana family?”

“What?”

“Look at her ring.” Napakunot ang noo ni Travis at lumapit sa bangkay.

“No, you're wrong.” Tinaasan ko siya ng isang kilay. “Hindi siya hugis buwan—kundi hugis araw.”

“What?” Lumapit ako sa kanya. He's right. Hindi nga hugis buwan kundi hugis araw. “Do you think may koneksyon ito kay Maren?”

Napatingin ito sa akin. Hindi naman insulto 'yon ah? Nagtatanong lang naman ako eh.

“I don't think so.” Kinuha niya ang cellphone niya at pinicturan ito.

Kailangan mong mahanap ang sagot sa tanong pero paano ko malalaman ang sagot kung hindi ko alam ang tanong?

So do you mean kailangan ko din malaman ang tanong? Napahilot ako sa sintido ko. Mas mahirap pa 'ata to kaysa sa math problem namin sa school.

“Umalis na tayo dito.” Feeling ko kasi may nakatingin sa amin.

Napatango ito at umalis na kami. Hinawakan niya ang kamay ko, hindi ako sanay. Hindi naman kasi siya ganito.

•••

Napahinto kami sa paglakad ng may nakita kaming liwanag sa malayo. Pumunta siya sa harap ko at nilabas niya ang espada niya dahilan para magulat ako.

Is he trying to protect me?

Himala!

“Violet!” Ha? Boses 'yon ni Amaris ah.

“Ate! Nandito kami!” sigaw ko.

At agad naman sila nagdali dali na pumunta dito at nang makita na ako ni Amaris ay agad niya ako niyakap. Humikbi siya. Umiiyak ba siya?

“Akala ko napano ka na!” Mas naramdaman kong humigpit ang pagkakayakap niya sa akin.

Ewan ko ba pero bigla nalang tumulo ang luha ko. Hindi ko alam pero bigla kong naalala sa kanya ang ate ko. I hate to admit this pero miss ko na ang ate ko. I want to go back to the world where I truly belong. Niyakap ko pabalik si Amaris at hindi lang ako nagsalita.

Umiyak lang ako ng umiyak.

•••

Napatingin ako sa lalaking nasa harapan ko na may nilahad na pineapple juice sa akin.

“Thanks.” I gave him a fake smile at umupo siya sa tabi ko.

His violet eyes are looking at Maren having fun with Idan. Nagseselos ba siya or what? Kung need niya ng mag comfort sa kanya—hindi ako available aber.

“What are you doing here? Kailangan mo na magpahinga.” Napatingin siya sa akin at nagtama ang mata naming dalawa. Ewan ko ba pero biglang nagslowmo ang paligid.

Twist Of FateWhere stories live. Discover now