Chapter 33

400 24 1
                                    

“No! That's not true! Makakabalik ako sa totoong mundo ko!” Hinawakan ko ang dalawang braso niya. Wala akong pake kung nasasaktan na siya ang importante malaman ko ang totoo. Hindi pwede 'to! Napag usapan na na namin na kapag nalaman ko ang totoo ay makakabalik ako sa totoong mundo ko. “Please tell me the truth! You're lying!”

Nagulat ako ng niyakap ako ni Idan at naramdam ko ang kanyang kamay na hinahaplos ang likod ko.

“Shhh! Just calm down, Verity. I'm sure matatanggap mo din na nakatadhana ka talagang mapunta dito.” I can feel his warm body na nakadikit sa katawan ko. “And I will take care of you, Verity. I will make you mine at gawin kang reyna.”

Ngayon lang 'to nangyari. Ang pinili niya ang dark kaysa sa light. Tinignan ko ang kanyang mata na ngayon ay nakatingin sa akin. Ewan ko ba pero bigla nalang ako nagsalita.

“You're not the real prince of light, are you?” Hindi ito nagsalita at nakatingin lang sa akin. So tama nga ako. “Nasaan ang totoong—”

“He's dead.” Katahimikan ang namumuo sa paligid. Naghihintay kaming dalawa ni Lucien sa susunod niyang sasabihin. “Pinatay ko siya.”

Ewan ko ba pero naniniwala na talaga akong halimaw ang lalaking 'to.

“You're really a monster, Idan. Mas masahol ka pa sa hayop!”

Napatawa ito na para bang kinokompliment ko pa siya. Nasasayahan talaga siya sa sinabi ko? Or sadyang nagpapanggap lang siya.

“Dapat matakot ka sa akin? The one who is inlove with you is a monster,” seryoso niyang saad sa akin. 

Oh please! Hindi ako matatakot sa'yo gwapo ka eh—charot lang! Kung alam mo lang na sobrang takot ako ngayon siguro paglalaruan mo ako. Hinawakan niya ang braso ko at hinila papalayo kay Lucien.

“Saan mo siya dadalhin?!” inis na sigaw ni Lucien.

“I'm going to steal her away from you,” mapaglarong ani ni Idan. 

Rinig ko ang pagtawag sa akin ni Lucien. Nagpupumiglas ito at hindi ko maiwasang hindi mag alala.

“Don't look at him kung ayaw mo siyang mawala sa paningin mo.” Huminto ako at mga ilang segundo ay lumingon ako sa kanya. 

•••

Bumuga ako ng hangin. Hindi ko alam kung nasaan si Idan pero nag alala ako kay Lucien. Napailing nalang ako, naalala ko kasi si Maren baka 'yon din ang mangyari kay Lucien.

“Wag ka na tumakas.” Sinamaan ko siya ng tingin.

“You want this to happened, right?” Napangiti ito ng nakakaloko. I knew it sinasadya niya talaga 'to. “How dare you—”

“Wag ka na tumakas.” Tinaasan ko siya ng kilay.

“Do you want me to trapped in this world forever?!” hindi makapaniwalang tanong ko. 

“That's not it. Akala ko ba matalino ka?” Medyo na offend ako doon ah. Matalino naman talaga ako. I rolled my eyes and I heard him chuckled. “Kung tatakas ka, paano mo malalaman ang katotohanan?”

“As if naman sasabihin nila sa akin ang totoo. Kahit pa pilitin ko sila, hindi pa rin nila sasabihin sa akin!” inis kong sabi sa kanya.

Sumeryoso ang kanyang tingin, “Don't let your emotion control you, Verity.”

“Can you please just help me?!”

“I'm helping you. Just don't escape at dapat pagkatiwalaan ka ni Idan. He really likes to manipulate people and you should too.” Napakunot ang noo ko dahil sa sinabi niya.

“What do you mean?”

“Control him before he controls you, Verity. I know you can do it.” Hindi pa niya ako hinayaan magsalita at umalis na siya.

So gusto niyang pagkatiwalaan ako ni Idan? Paano ko gagawin 'yon? Napakagat nalang ako ng labi. Effective kaya 'yon?

Bumukas ang pinto at pumasok si Idan. May dala siyang tray na puno ng pagkain. Nilagay niya ito sa mini table na katabi ko. Naiilang ako sa tingin niya sa akin. Hinaplos niya ang buhok ko and he smiled warmly.

“Kumain ka na,” mahinahon niyang sabi.

Napalunok ako ng laway. I can't believe I will do this. Sakit sa mata pero in order for me to escape kailangan kong gawin 'to.

“Subuan mo ako.” Natigilan siya sa sinabi ko. Yumuko ako at namula na ang pisnge ko hindi dahil sa kilig kundi dahil sa hiya.

Hindi talaga dapat 'to malaman ng ate ko! Hindi talaga siya maniniwala na ganito ako! Nakakahiya! Gusto ko nalang ilamon ako ng lupa ng buhay. 

“Anong pinaplano mo, Verity?” natatawa niyang tanong.

Kalma lang self. Wag ka magpadala sa inis. Kung pwede lang, kanina ko pa talaga 'to sinakal.

“I want you to feed me.” Tumingin ako sa kanyang mata dahilan para mapahinto siya. “Please.”

Medyo nagulat pa ako ng makitang namula ang pisnge niya.

“Hindi ko alam kung ano ang pinaplano mo pero hindi ka magtatagumpay,” mahinahon niyang saad sa akin. Ewan ko ba pero nakita kong may lungkot sa kanyang mata. “You can't escape kahit pa anong gawin mo.”

Hindi naman ako tatakas. Napa smirk ako dahilan para mapatingin siya sa akin. Sinubuan na niya ako.

Bakit feeling ko may tinatago sa akin si Idan? Nacu-curios na tuloy ako. Nang matapos na siya ay lumabas na siya ng kwarto. Kahit pa nakangiti ito alam kong malungkot siya.

What's wrong Idan?

“Baka ma fall ka niyan?” Sinamaan ko siya ng tingin at tumawa ito.

“Hindi 'yan mangyayari.” I rolled my eyes at narinig kong napatawa ito. “Safe ba ako kapag nanatili ako dito? What if mamatay ako bago ko malaman ang totoo?”

“Depende sa effort mo.” So meron ngang chance na mamatay ako dito?

Napakagat nalang ako ng labi dahil sa inis at takot na nararamdaman ko. Nagpuppy eyes ako sa kanya at napangiwi naman siya.

“Tulungan mo naman ako oh.” Umiling lang ito at binigyan ako ng matamis na ngiti. Sa sobrang inis ko ay agad ko siya tinapunan ng unan pero naiwasan niya naman ito. 

“You can't kill me, Verity.” I rolled my eyes.

“Gosh! Bakit ba kasi sa lahat ng tao ako pa ang napili mo para sa mission mong hindi ko maintindihan?!” inis kong tanong sa kanya.

Tumawa lang ito at naglaho na. Sa sobrang inis ko ay binuksan ko ang pinto pero napahinto ako ng namalayan kong hindi ito nakalock.

Twist Of FateWhere stories live. Discover now