Chapter 18

555 23 3
                                    

Napatawa ito na para bang nagbibiro ako, “Violet, kapatid ni Amaris.”

He chuckled at dumistansya na. Napatingin ako sa likod at ramdam ko pa rin ang mga titig niya sa akin.

“Alis na tayo,” ani ko.

“Hindi ka ba mag s-stay dito saglit?” Napailing ako.

“Hinahanap na nila tayo, prince Idan.” Hindi ko na siya hinayaan pa magsalita at umalis nalang.

I know it's rude to ignore the prince pero wala akong pake. Hindi naman ako taga dito eh.

“Hanggang ngayon, hindi mo pa rin tinatanggal ang mask mo,” ani niya.

“Hindi naman kasi importante na makita ang mukha ko,” saad ko.

At isa pa bawal!

“Why? You make me curios.” I rolled my eyes ng palihim.

“Kapag nakita mo ba?” Napatingin ako sa kanya ng mapaglaro. “Ipagpapalapit mo din ba ako kagaya ng ginawa mo sa ate ko?”

Napahinto ito at napatawa nalang ako, “Charot hahahah!”

Umuna na akong maglakad. Gaga ka talaga, Verity! Baka sabihan ka niyang malandi?!

•••

“Looking for something?” Napatingin ako sa lalaking tumabi sa akin.

“Ryu?” Nakasuot lang siya ng normal na damit na para ba siyang normal na tao.

Pero grabe ha. Mas bagay sa kanya nakasuot ng freestyle, mas lalo siyang gumwapo. Miss ko na tuloy abs niya. 

“Naghahanap lang ako ng maireregalo kay Ace.” Napakunot ang noo niya sa sinabi ko.

“Ace? Sino 'yan?” Hindi niya kilala ang kapatid ni Ash? Well, hindi rin naman sila close.

“Wala ka na do'n.” Nagfocus lang ako na mamili ng ireregalo ko sa kanya pero ayaw talaga ilayo ang tingin niya sa akin dahilan para masama akong napatingin sa kanya. “Alam mo kung nakakatunaw lang ang tingin, kanina pa ako natunaw dito.”

“Sino ba 'yong Ash?” Sumeryoso ang kanyang tono. Ewan ko ba pero bigla akong nakaramdam ng kaba at takot.

Me? Natatakot sa kanya? Never! Gosh!

“Ano bang pake mo? Kung makaasta ka parang may gusto ka sa akin.” Natigilan siya sa sinabi ko. Baka isipin niyang napaka pelingera ko? “Don't worry, alam ko naman kung sino 'yong gusto mo.”

“Alam mo?” Kinuha ko ang teddy bear at pinakita sa kanya.

“Ang cute no?”

“Oo, sobra.” Tsk! Anyare dito? Napailing nalang ako at pumunta na sa cashier.

Hindi ko nalang pinansin ang titig ng cashier sa kanya. Alam ko kasing super gwapo talaga niya at ma fafall talaga ako sa kanya kung hindi ko lang talaga alam ang totoong ugali niya.

Naiimagine ko palang nakakatakot na talaga.

“Aalis ka na?” Bakit ba sunod na sunod sa akin ang lalaking 'to?

“Yes? Ano pa bang gagawin ko dito?” Naiirita na talaga ako.

“Do you want some food?” Nawala ang inis sa aking katawan at biglang nag shiny ang mata ko.

“Libre mo?” He chuckled ng marinig ang tanong ko.

Anong nakakatawa? Blessings naman 'yon eh, bakit ako papalag? Napatango ito at napangiti ako sa kanyang sinabi.

•••

“Tiernan? What are you doing here?” I asked. Nagulat siya nang makita kaming dalawa ni Ryu.

“Bakit kayo magkasama?” he asked.

“Ah nagkita lang kami.” Lumapit ako sa tenga niya at bumulong. “Manglilibre daw kasi.”

“Wala ka bang pera? Diba binigyan ka ni Amaris ng pera para pangbili mo ng gusto mo?” bulong niya sa akin.

Bakit sa tuwing makikita ko si Tiernan? Naiisip ko na may kuya ako. Siniko ko siya at tinignan si Ryu na ngayon ay pinagmamasdan ang paligid. Mukhang ngayon lang siya nakapunta dito.

“Ano ka ba? Blessings na lumalapit sa akin? Iiwasan ko pa ba?” Napailing nalang ako at hinila siya.

Namili na kami ng table at nag order ng pagkain.

“Close na ba kayo ni Tiernan simula pagkabata pa? Bakit hindi ka namin nakita noong bata ka pa, Violet?” Char kailan pa kayo may pake sa side ni Amaris? Halos naka focus nga lang kayo sa member sa light.

“Wala naman kayong pake sa side ni Amaris eh. So natural wala kayong alam,” cold na saad ni Tiernan. 

Sumeryoso ang tingin ni Ryu kay Tiernan at ganun na rin si Tiernan. Palihim akong napairap sa kanilang dalawa. Sige mag suntukan kayong dalawa, kakain nalang ako dito. Kanina pa ako gutom.

•••

“Masarap 'to.” Napatingin ako sa kanila nang sabay sila magsalita.

Napatingin ako sa iba't-ibang pagkain na binigay nila sa akin. May plano ba silang patabain ako?

“Grabe naman kayo sa akin. Alam kong mapayat ako pero wag niyo naman akong patabain.” Sinamaan ko sila ng tingin. “Kung makaasta kayo parang hindi na ako healthy ah!”

Nagtinginan sila sa isa't-isa at kinain nalang nila ang pagkain na dapat binigay nila sa akin. Kanina pa kasi sila eh, halos ako na lahat ang kumakain sa pagkain nila.

Nang makalabas na kami sa restaurant ay napatingin ako sa kanilang dalawa. Kulang nalang talaga magpatayan na silang dalawa. Alam kong pinag aawayan nila si Maren pero wala kayong respeto, nasa harap niyo ako haler!

I rolled my eyes at napatampal ng noo. Iniwan ko nalang sila mukhang wala kasi silang balak tumigil. 

•••

“What are you doing?”

“Ay jusko! Palaka!” Halos atakihin na ako sa puso ng biglang may nagsalita sa likod ko. “Hindi mo naman sinabi sa akin na mahilig ka pala manakot, sir Phoenix.”

Napatingin siya sa babaeng kakarating lang dito sa resort at kasama ang isang knight, and guess what sino? Si Maren at kasama niya si Travis. I'm sure, pag iinitan na naman ako ng ulo ng lalaking 'to.

“Akala ko ba may sakit si Maren? Why is she here?” I asked.

“Mukhang magaling na 'ata siya.”

“Ang bilis naman.” Hindi ko na siya hinayaan pang magsalita at umalis nalang.

Ramdam kong nakasunod pa din ito sa akin. Why is he following me?

“Do you hate her that much? Na gusto mo siyang mamatay?” Tinaasan ko siya ng kilay at napatawa sa sinabi niya.

“Why would I hate her?” Wala naman akong rason para kamuhian siya. Unless, kung gagalitin niya ako. “Do you have someone you like na gusto si Maren?”

Napaisip ako sa sinabi niya. Well, totoo ngang madaming gwapo dito sa nobelang 'to pero hindi ko sila type, mas importante ang buhay ko kaysa sa puso ko.

“Wala. Hindi ko kayo type.”

Twist Of FateWhere stories live. Discover now