Chapter 17

506 24 2
                                    

Para na akong tanga dito kakahintay. Ilang oras na ako naghihintay hindi pa rin sila dumadating.

“Sana pala natulog nalang ako,” walang gana kong sabi.

“Gusto mo bang umuwi nalang, Verity?” Sasagutin ko na sana ang tanong ni Tiernan pero agad nagsalita si Amaris.

“No, walang uuwi. Dadating na sila it's rude if inaksaya natin ang oras nila diba?” Napamewang nalang ako.

Kami pa talaga ang inaasaksaya sila ng oras?! Eh sila nga 'yong matagal dumating?! Ang hindi ko pa naman gusto ay 'yong maghihintay ako.

“There he is!” Napatingin kami sa itim na kotse na papalapit sa amin.

Nang bumukas ang bintana. He looks at me dahilan para taasan ko siya ng kilay.

“Tagal ha!” Siniko naman ako ni Amaris.

“Pagpasensyahan niyo na ang kapatid ko.” Aba! Ikaw pa talaga ang mag sosorry?!

“I'm sorry, miss Violet. Sa susunod hindi na mauulit. May emergency lang kasi.”

“Anong nangyari?” tanong ni Amaris.

“Nilalagnat si Maren. Don't worry binabantayan naman siya ni Travis.” Napatango nalang si Amaris.

I'm sure masaya ka na masoso-solo mo si Travis. Bumuga ako ng hangin at binuksan naman ni Tiernan ang pinto at pumasok na ako. I see Lucien looking at me at that makes me uncomfortable.

Hindi ko namalayan katabi ko pala si Phoenix ngayon. Nagulat ako ng magtama ang mata namin kaya umiwas ako ng tingin. Tinuon ko nalang ang atensyon ko sa bintana.

“How's your day, miss Violet?” Napatingin ako sa lalaking nagtanong.

Masyado ka talagang halata, Lucien. Gusto mo ba pagdudahan tayo ng mga kasama natin dito?! Kaloka ka talaga!

“It's always been good, prince Lucien.”

“Just call me Lucien.” Natahimik ang lahat at napatingin sa akin ang iba.

Oh please! Kahit hindi na sinasabi, alam ko na ang iniisip nila. Hindi ako papatol sa isang katulad niya—kahit gwapo siya.

“But it's rude to call you by your name, prince.”

“Ako naman nag utos sa'yo and we're friends after all. So normal lang na tawagin mo ako sa pangalan ko, Violet.”

“Magkaibigan kayo ng kapatid ko?” Idan asked.

Pwede ba?! Tigilan niyo akong dalawa! At kailan ko pa naging kaibigan ang lalaki na 'yan?!

Hinawakan ni Amaris ang kamay ko at sinenyasan na sumabay nalang sa trip ng prinsepe. Pasalamat ka madaming nakatingin sa akin kundi kanina pa kita tinapon sa dagat at pinakain sa mga pating!

“Yes! Komportable nga ako sa kanya eh!” At ito naman mga tanga naniwala agad.

•••

Dahan-dahan ko minulat ang mata ko at nagulat na lamang ako ng namalayan kong nakasandal na pala ako sa balikat ni Phoenix.

“Nasaan 'yong iba?” I asked.

“Lumabas na sila. Sabi nila gisingin nalang daw kita mamaya kasi halatang pagod ka.” Napatango nalang ako. Andyan pa rin 'yong cold niyang boses.

Lumabas na ako at naramdaman ko naman na sumunod siya.

“Kanina ka pa nakatingin sa akin?” I looked at him coldly. "Did I do something wrong?"

Twist Of FateWhere stories live. Discover now