Chapter 35

379 20 0
                                    

“Mas mabuti pang umalis ka na dito bago ka pa maabutan ni Idan.”

“Delikado dito! Itigil mo na ang paghahanap ng paraan para makaalis ka dito!” Nagulat ako ng hinawakan niya ang kamay ko. Ang lamig, halatang natatakot siya sa mangyayari sa akin. Nakita kong sugatan ang braso niya pero wala siyang pake.

“Ikaw na ang dapat umalis, Phoenix.” Bumuntong hininga ako at pilit pinapakita sa kanya na wala akong pake. Bakit ba ako nagkakaganito? “Sugatan ka and you need to take a rest. Baka hindi ako ang unang mamatay sa ating dalawa?” Hindi ko na siya hinayaan pang magsalita at umalis nalang.

Alam kong pipilitin niya pa rin ako. Pagkalabas ko ng kwarto ay agad ako tumakbo. Hindi niya ako pwede masundan dahil ayaw ko talagang sumama sa kanya. Sinampal ko ang sarili ko. Muntik na ako ma distract doon. Umiling ako.

Kailangan kong makabalik sa totoong mundo ko. Bakit ba parati nalang ako takbo ng takbo?! Naiinis na ako dito ah! Napakamot nalang ako sa batok ko.

“Why don't you just kill yourself?” Napakunot ang noo kong tumingin sa kanya.

“Cesar? Saan ka ba nagpunta?” Lumapit ako sa kanya at nakangiti lang ito ng nakakaloko.

Ang weird ng lalaking 'to. I rolled my eyes at nakita kong napatawa ito ng marahan at ginulo ang buhok ko.

“Naglakad lakad lang ako baka may makita ako.”

“Tsk! Akala ko tumakbo ka na.” He crossed his legs at nasasayahang tumingin sa paligid na para bang laro lang ang lahat. 

Well this is not a fucking game! I need to get out of here! As fast as I can! Hindi pwedeng maabutan ako ng season 2 dito?!

Napahinto ako ng hinawakan niya ang pisnge ko at pinisil ito dahilan para samaan siya ng tingin.

“Hindi ako matatakot sa isang katulad niya, Verity.” Wee? Ako ba niloloko mo, Cesar? Napailing nalang ako habang hindi pa rin nawawala ang ngiti sa labi ko. “Hindi ka ba naniniwala sa akin?”

“Hindi,” diretso kong sagot.

Hindi ko naman siya kilala. Wala naman siya sa libro eh. Siguro supporting character lang siya dito at mamamatay na soon.

Hindi na siya nagsalita dahil may narinig kaming yapak ng paa na papalapit sa amin. Hindi ako makagalaw at nakatingin lang ako sa harapan kung saan nanggaling doon ang tunog.

“Ash?” Nang makita niya ako ay agad niya ako niyakap sanhi ng ikagulat ko.

Mas lalo pa niyang hinigpitan ang pagkakayakap niya sa akin.

“Akala ko kung napano ka na! Hindi kita makita kung saan-saan!” Kumalas siya sa pagkakayakap at pinagmasdan ang mukha ko. “I'm sorry! Hindi dapat kita nilagay doon in the first place.” Tinulak ko siya dahilan para magulat siya.

I looked at him coldly, “Hindi ka rin dapat nandito in the first place, Ash.”

“Nandito ako para iligtas ka.” I rolled my eyes. Ngayon ko lang napansin nawala na naman 'yong lalaki na 'yon.

“Save me?! Hindi mo ako maliligtas kahit anong gawin mo, Ash!” Pinanliitan ko siya ng mata. “Nandito ka para iligtas ako o nandito ka para pigilan ako?”

Natigilan ito sa sinabi ko. Walang emosyon ang kanyang mata ngunit nakangiti ito. Nagsisimula na siyang mabaliw.

“Of course, Nandito ako para iligtas ka. Trabaho kong iligtas ka, Verity.” Hinawakan niya ang braso ko dahilan para makaramdam ako ng takot.

“Nagpapanggap ka lang.” Nawala ang kanyang pag alala na mukha at napalitan ng seryosong ekspresyon.

“You have no choice but to obey me, Verity. Sasama ka sa akin sa ayaw at sa gusto mo.” Nagulat nalang ako ng nilabas niya ang espada niya.

Napaatras ako habang hindi inaalis ang tingin ko sa kanya.

“What do you think you're doing, Ash?” Hindi lang siya nagsalita at dahan-dahan ng lumapit sa akin. “You can't do this to me!”

Tatakbo na sana ako pero agad niya hinawakan ng mahigpit ang braso ko. Sa sobrang sakit ay napapikit na lamang ako. 

Feeling ko talaga mababali na 'yong braso ko sa sobrang higpit ng pagkakahawak niya.

“Ash! Masakit!” Kaso parang wala siyang naririnig at inis niya akong hinila. “Ash! Ah!”

Nagulat ako ng nakatutok na ang isang espada kay Ash. Pareho kaming dalawa na hindi makagalaw.

“Let her go.”

“Paano kung ayaw ko?” natatawang tanong ni Ash.

Ganito na ba talaga siya? Nagpapanggap lang ba siya this whole time? Parang ang Ash nakikita ko ay 'yong Ash na nabasa ko sa season 2.

Napalunok ako ng laway. Napasigaw nalang ako ng hilahin niya ako pinapunta sa likod ko.

Oh not again!

“Gusto mo talaga mamatay, Ash.” Napatampal nalang ako ng noo.

Imbes na magkakampi sila at trabaho nilang protektahan ako, Nag aaway na sila ngayon. Hindi ko na kasalanan kung mamatay silang dalawa and I'm sure paparating na dito si Idan sa sobrang ingay ba naman nila.

Bumuntong hininga ako. Napalingon ako sa likod ko at nakita ko si Idan na ngayon ay nasa labi na ang hintuturo niya, pinapahiwatig na tumahimik ako.

Ako naman si tanga sumunod agad dahilan ng pag ngiti niya. Nagulat nalang ako ng biglang nawalan ng malay ang dalawa. Anong ginawa niya? Napakunot ang noo kong bumaling ang tingin sa kanya.

“Sadly to say, your knights are weak, Verity.” Hindi ko inalis ang tingin ko sa dalawa na walang malay. Nagulat ako ng hinawakan niya ang panga ko at pinaharap ako sa kanya. I can see his cold eyes staring at my soul. “Wag na wag kang tumingin sa kanila, dapat sa akin ka lang nakatingin.”

“Anong ginawa mo sa kanila? Pinatay mo ba sila?!” Seryoso lang siyang nakatingin halatang hindi nagugustuhan ang tanong ko.

“It doesn't matter if they're dead or alive.” Walang emosyon na lumipat ang kanyang tingin sa dalawa na walang malay. “Isa lang silang basura na pakalat-kalat sa paligid mo.”

“Basura?! They're all humans, Idan! Ganyan na ba talaga ang paningin mo sa mga tao?!” I can't believe this! Alam kong ganyan na talaga siya dahil sa trauma na binigay sa kanya noon pero nawawalan ako ng pag asa na magbago na siya.

“Yes.” Hinila niya ako dahilan para mas lalo akong mapalapit sa kanya. “And you're my precious diamond. So I won't let them steal you away from me.”

Twist Of FateWhere stories live. Discover now