Chapter 40

340 19 2
                                    

“Baliw ka ba?!” inis kong tanong sa kanya. Ngumiti lang ito sa sinabi ko. “Magpapakamatay ka lang ba talaga para lang sa akin?! Para lang sa isang babae! Wake up, Ryu!”

“I want to see your face one last time.” He looked at me full of sadness. “I don't want to suffer anymore.”

“Suffer?! You're not even trying to move on!” Hindi ba uso sa'yo mag move on?

“Move on? Ayaw ko. Ayaw kong kalimutan ka. Hinding-hindi kaya ng puso ko ang kalimutan ka, Verity. I love you so much. Ang hirap kalimutan ka,” malungkot niyang sabi habang hindi nakatingin sa akin. “I love you.”

Nagulat ako ng bigla nalang siyang tumalon. Hindi ako nagdalawang isip na kunin ang kamay niya. Nagulat din siya sa ginawa ko. Shit! Ang bigat niya! Kunting-kunti nalang talaga at mabibitawan ko na siya.

“Don't waste your life just for a girl like me! Know your worth, Ryu!”

Nginitian niya lang ako at handa na talaga siyang mamatay. Hindi man lang siya nagdalawang isip na tumalon. Hinintay niya talaga akong umakyat dito para makita ako one last time.

My gosh! Feeling ko tuloy kasalanan ko 'to.

“Ryu!”

“Let me go,” cold niyang saad. 

“No! Mamamatay ka!” sigaw ko. Ngunit parang wala na talagang pag asa magbago ang isip niya. “I won't let you die!”

“All you have to do is love me, Verity... And I'll live.” Napahinto ako sa sinabi niya. He smiled warmly.

“I...” Napakagat ako ng labi ko. Ayaw ko siyang paasahin. “I...”

Nagulat nalang ako ng bigla niyang nilabas ang espada niya at nasugatan ako sa mukha. Bigla ko nalang siya nabitawan dahilan para mamilog ang aking mata.

“Ryu!” sigaw ko.

Titingin na sana ako pero nagulat ako ng may tumakip sa mata ko. Napatingin ako sa kanya.

“Phoenix?”

“Don't look.” Tumulo ang luha ko dahilan para magulat siya.

“It's... It's my fault. Namatay siya ng dahil sa akin.” Tumingin ako sa kanyang mata habang ramdam kong nanginginig ang kamay ko. “Ako ang may kasalanan nito, Phoenix. N-nang dahil sa akin, namatay si Ryu—”

“Shh!” Nagulat ako ng niyakap niya ako ngunit hindi pa rin tumitigil ang pagtulo ng luha ko. “Wala kang kasalanan, Verity. Hindi mo ginusto ang nangyari.”

Napakalas si Phoenix ng may narinig siyang pumalakpak. Namilog ang aking mata ng makita si Idan.

“Buhay ka pa talaga,” hindi makapaniwalang sabi ni Idan habang hindi nawawala ang nakakaloko niyang ngiti sa kanyang labi.

Hinawakan ko ang kamay ni Phoenix nakita kong natigilan si Idan at ganun na din si Phoenix. Pareho silang nagulat pero ako kinakabahan ako.

Phoenix should not protect me, dapat nakaalis na ako ngayon dahil alam ko na ang totoo pero may kulang pa talaga. 

Ano pa ba ang kailangan kong malaman?

'That is the last one you need to know.'

Kumunot ang noo ko. Anong klaseng last one ba pinagsasabi ng lalaking 'yon?

“Ang kapal ng mukha mo?!” Ramdam ko ang galit sa boses ni Idan. Muntik na nga lumabas kaluluwa ko dahil sa gulat.

“I was never your knight, prince Idan.” Mas lalong nagalit si Idan dahil sa sinabi ni Phoenix.

“Nasaan si Lucien?!” tanong ko sa kanya.

“Bakit ibang lalaki pa rin ang hinahanap mo, Verity?! Nandito naman ako! I can give everything you want!” Oh please! Shut up!

“Please stop this! Gusto ko ng umuwi! Hindi mo ba ako naintindihan?! May pamilya akong naghihintay sa akin!” Nakita kong nasaktan si Phoenix dahil sa sinabi ko. Kahit hindi niya ito pinapahalata, alam kong ayaw niyang umuwi ako.

But I have to. I miss my older sister so much. Kung hindi ako makakabalik siguradong mamamatay ang katawan ko sa totoong mundo. 

“Paano ako, Verity?! Paano kaming nagmamahal sa'yo?! Ganun lang ba kadali sa'yo na iwan kami?!” Kitang-kita kong nasasaktan na siya. He's showing emotion. “Wala lang ba ako sa'yo? Kahit anong gawin ko. Kahit isa, hindi ko ba nakuha ang atensyon mo?”

Walang gana ko lang siyang tinignan, “Hindi.”

Natahimik silang dalawa. Gusto ko nalang umalis dito. Napakuyom ako ng kamao.

“Ano bang meron sa position na 'yan at kailangan mong pumatay para lang makuha 'yan.” Napahinto siya sa sinabi ko. “You killed Maren. She is supposed to be your queen.” I tried to calm myself. Hindi ko pa rin tanggap na naging female lead ako. I just want to know the truth, hindi ko gusto maging female lead. “So why do you choose me all of a sudden?”

“W-why are you looking at me like that?” Nababaliw na talaga ang lalaking 'to. Wala na siyang pag asa pa na magbago.

“Look, ayaw ko lang kayong paasahin. Wala akong mahal dito at gusto ko ng makauwi sa totoong mundo ko. If you truly love me, hahayaan niyo ako sa gusto ko.”

“I'm selfish, Verity. Gusto ko 'yong akin ay akin lang.”

“Hindi ako naging sa'yo in the first place, Idan.” I cross my arm. “Nang pumunta ako dito, hindi ako lumaban. Kasi ramdam kong hindi ako ang nakatadhana na makipag kompetensya kay Maren. Ako ang pumili sa tadhana ko, hindi kayo.”

“Hindi mo lang talaga matanggap ang katotohanan na—”

“Ikaw ang hindi makatanggap ng katotohanan, Idan. Hindi ako magpapakasal sa taong hindi ko mahal.” Kahit anong gawin mo, kahit pa gwapo ka. Hindi kita type. “All I want is to go home. Makakalimut din kayo sa akin.”

“I don't want to forget you, Verity.” Lumingon ako kay Phoenix. “You're the best thing that happened to me.” Walang emosyon siyang lumingon sa bangkay ni Ryu. Muntik ko ng makalimutan si Ryu. Napakuyom ako ng kamao. “I kinda understand Ryu. Hindi niya kayang magtiis sa sakit na nadarama niya.”

I don't want to cry. Is this my fault? Hinaplos niya ang pisnge ko pero hindi niya hinawakan ang sugat na natamo ko sa espada ni Ryu.

“Mas pipiliin ko pang mamatay kaysa kalimutan ka, Verity. You're special to me.” Hinawakan niya ang kamay ko at nilagay sa dibdib niya. “You bring light to me.”

Twist Of FateWhere stories live. Discover now