Chapter 6

698 34 1
                                    

“Saan ka ba galing kahapon?” tanong ni Tiernan.

Ito naman para naman akong anak niya na nag cutting class sa school at pinapagalitan.

“Oo nga, Verity. Sobrang nag alala kami sa'yo,” alalang sabi ni Amaris.

“I'm okay, Amaris. Nawala lang kasi ako.” Napakamot ako sa ulo ko at tumawa.

Napabuntong hininga si Tiernan, “Hindi ba pwedeng i change ang rules? Hindi pwede mag isa si Verity sa school. I heard muntik na siyang mapatay ng mga studyante doon.”

“What?! Is that true?” Kita mo na. Wala talagang pake si Amaris kasi hindi siya updated sa balita.

Buti pa 'tong si Tiernan.

“Yes, pero may nagligtas naman sa akin.” Napayuko ako.

“Sino?” Tiernan asked.

I giggled, “Secret!”

Napatampal naman sila ng noo. Napahinto kami ng may kumatok at pumasok na ang lalaking red hair and orange eyes.

Ash Navarro 17 year old. Knight of Amaris. Nagtama ang mata naming dalawa, ewan ko ba pero hindi ako komportable sa kanya.

I know all of them hate Amaris pero hindi nila pwedeng ipakita because they know na wala silang choice. In order to her sister to be fully healed, He needs money.

Sadly to say, nilagay siya sa side ni Amaris.

“Tiernan, come with me,” seryosong saad ni Amaris.

Napatingin si Tiernan sa akin at napatango ako. Tinignan ko siya ng mag iingat ka look.

“Si Ash na muna ang bahala sa'yo, Verity. Babalik din kami agad.” Napatango naman ako.

Nakita ko pang sinamaan ni Tiernan ng tingin si Ash pero unbothered naman itong si Ash. Kahit sa novel, hindi rin sila nagkakasundo.

Nang tuluyan na silang lumisan nabalot ng katahimikan ang paligid. So anong gagawin ko?

“Umm... Gusto mo bang gumala?” He coldly look at me and smile, alam kong peke 'yan.

“Bawal lumabas ang isang prinsesa, princess Verity.” Tsk! Anong silbi ng knight kung hindi niyo kami kayang protektahan?

“Hindi naman ako totoong prinsesa eh!” Kasalanan talaga ito ng lalaki na 'to. Namiss ko na gumala.

Pumunta ng mall at magdate sa sarili ko. NBSB naman ako at parating busy 'yong friend ko. Busy siya sa pag aaral.

Gusto kasi ma honor eh ang hirap nga ma honor, lalo na't kapag mabilis ka makalimot.

Magsasalita na sana si Ash ng biglang siyang tinawag. Tumingin ito sa akin at tumango lang ako.

Lumabas na siya at dahan-dahan akong lumapit sa pinto upang marinig ang kanilang pag uusap.

“Sige, I will go.... Wala akong pake... Maghintay ka sa akin.”

“Sundan mo siya.” I rolled my eyes ng marinig ko ang boses ng lalaking 'to.

“Ano na naman kailangan mo?!” inis kong tanong.

“Tsk! Ikaw na nga 'tong tinutulungan, ikaw pa 'tong may gana magalit.” Napailing nalang ako.

“Bakit ko naman siya susundan? At isa pa alam kong may problema 'yong kapatid niya.” Agad ako tumalon sa sofa at humiga.

“Alam mo naman pala eh.” I rolled my eyes again.

“Of course-”

Nagulat nalang ako na sa isang iglap nandito na kami sa bahay ni Ash.

“What the heck are you doing?!”

He just gave me a warm smile at binigay sa akin ang paper bag and he wave at me hudyat na aalis na siya.

“Wait-” Pero bago pa man ako makapagsalita ay umalis na siya.

Napatampal nalang ako ng noo. Hindi 'to maaari! Hindi ko alam kung saan ang daan pabalik?! Lagot ka talaga sa akin pag nakita kita ulit!

Napabuntong hininga ako at kumatok sa pinto. Nagulat ako ng may bumukas sa pinto at agad ako niyakap.

“Kuya! Bumalik ka!” Walang gana ko lang tinignan siya.

Napagkamalan pa talaga akong lalaki. Nang mapagtanto niyang hindi ako ang kuya niya ay agad siya dumistansya.

“Sino ka po?” he asked.

Ang cute! Cute niya! Black hair and orange eyes.

“Ako ang guardian angel mo.” Nag wink ako sa kanya. Tumalungko ako upang pantayan siya at hinaplos ang buhok niya.

Nakatingin lang ito sa akin at gulat na gulat. Ang gwapo niya.

“Ilang taon ka na?” tanong ko.

“14.”

1 year gap lang naman pala. Tinaas ko ang paper bag na hawak ko.

“Nagdala ako ng pagkain at saka gamot mo na rin.” I heavily sighed. Kaya mo 'to, Verity. “Kaibigan ako ng kuya Ash mo. At paparating na daw siya dito pero ako muna mag aalaga sa'yo ngayon ha, habang wala pa 'yong kuya mo.”

Napatango naman ang bata. Pumasok na ako sa bahay nila. Medyo maliit 'yong bahay nila pero maganda naman tignan. Malinis.

I know Ash parents died in a car accident pero may theory na pinatay daw sila pero hindi ko alam kung sino.

Biglang umubo ang batang lalaki at agad ako lumapit sa kanya.

“Humiga ka muna, ipagluluto muna kita ng lugaw.” Napatango ito at pumunta na siya sa itaas.

Habang nagluluto ako ng lugaw. Hindi ko maiwasan na tumingin sa picture frame. Sanggol pa ang batang lalaki habang si Ash ay bata pa talaga.

Pagkatapos ko iluto ang lugaw ay pumunta na ako sa itaas at nakita ko siyang natutulog. Hinaplos ko ang buhok niya at dahan-dahan niyang minulat ang kanyang mata. I smile warmly.

“An angel.” Napatawa ako sa kanyang sinabi.

“I'm not an angel, silly.” Dahan-dahan ko siyang pinaupo at pinakain sa kanya ang lugaw.

I gave him biogesic at ininom niya ito.

“Matulog ka muna, darating na 'yong kuya mo,” mahinahon kong sabi.

“Thank you...” Hinawakan niya ang kamay ko dahilan para mapahinto ako. “Anong pangalan mo?”

I smiled again, “Verity.”

“Verity? Ngayon ko lang narinig ang pangalan na 'yan.” I giggled.

Syempre, hindi ako taga dito. I'm from another world.

“Close your eyes. Pag gising mo nandito na 'yong kapatid mo.” Hinawakan niya ang kamay ko.

“Thank you.” Napatango ako at nakita ko siyang pinikit na ang kanyang mata.

Lumabas na ako ng kwarto niya at napabuntong hininga.

“Anong pakay mo sa amin?” Muntik na ako mapasigaw ng marinig ko ang boses na 'yon.

Agad akong napatingin sa kanya. Cold lang siyang nakatingin sa akin na para bang may masama akong binabalak.

Grabe naman siya. Hinawakan niya ang wrist ko dahilan para makaramdam ako ng sakit.

“You...”

Twist Of FateWhere stories live. Discover now